Necklace
"Tahan na, anak." Umiiyak na sabi ko habang karga si baby.
Isang buwan na ang nakalilipas simula nang nanganak ako kaya naman sinabihan ko na si Leo na pumasok na siya sa trabaho. Ilang linggo na rin siyang work from home dahil inaasikaso niya kaming mag-ina kaya naman pinilit ko na syang pumunta sa site ngayon. Kaya naman mag-isa lamang ako sa bahay at hindi ko mapatahan si baby. Ilang minuto lamang ay pauwi na si Leo ngunit hindi ko pa rin naluluto ng maayos ang hapunan naming dalawa. Nagluto siya kanina bago umalis para may makain ako sa tanghalian.
Iyon nga lang ay natapon ko sa pagkataranta ang natirang ulam nang marinig ko ang pag-iyak ni baby. "Van, anak. Tahan na." Humihikbi na sabi ko dahil hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin para mapatahan siya. Vanilla ang ipinangalan ni Leo sa anak namin dahil pinaglihi ko raw si baby sa vanilla ice cream.
Marahan ko siyang hinele pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Pagkaraan ay pinadede ko siya ngunit hindi pa rin siya tumatahan. Gaya ng inaasahan ay dumating na nga si Leo galing sa trabaho. "Love?" Rinig kong tawag niya mula sa sala. Ilang minuto lamang ay narito na rin siya sa kwarto ni baby.
Kaagad niya akong dinaluhan. "Love, why are you crying? What happened?" Tanong niya habang kinukuha si baby sa akin na patuloy pa rin sa pag-iyak.
I ran a hand over my face to wipe away my tears and paused for a second when I heard Van stopped crying. Nang nilingon ko si Leo ay nakita kong pinapalitan niya ng diaper si baby. "Nag-poop siya." He said then continued changing her diaper.
"Bakit hindi ko iyon naisip?" Bulong ko sa sarili habang pinapanood si Leo na kasalukuyang hinehele ang aming anak.
Ilang minuto lamang ay nakita kong mahimbing nang natutulog si Van. Pagkaraan ay nilapitan ako ni Leo at tumabi sa akin sa pink na sofa. "Are you tired? Kumain ka na ba?" Tanong ni Leo.
"Wala akong kwenta." Walangbuhay na sabi ko at tuluyan na namang bumuhos ang aking luha.
Hinarap ako ni Leo sa kanya at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. " Love, don't you ever say that!" Matigas na sabi niya.
Pagkaraan ay pinunasan niya ang aking pisngi. "You're a great mother, a great wife. A great woman." Pagpapatuloy niya sa mas mahinahon na boses.
"Pero simpleng pagpapatahan hindi ko magawa." Sagot ko at humagulgol muli. Siguro ay dulot na rin ng postpartum ay naging mas emotional ako at tumaas ang aking anxiety. Palagi akong nakakaramdam ng kakaibang lungkot at minsan ay kaba sa hindi malamang dahilan kahit pa hindi naman nagkukulang sa atensyon at pag-aalaga sa akin si Leo.
"Marami lang laman ang isip mo. Tara kumain na tayo." Pagyaya ni Leo sa akin at saka niya ako iginiya sa pagtayo. Sa sinabi niya ay naalala ko ang nakasalang kong hotdog sa pan.
Nang natapon ko kasi ang ulam kanina ay naisipan kong mag-prito na lamang ng hotdog para sa hapunan ngunit hindi ko pala napatay ang stove kanina."Love iyong ulam." I said anxiously.
Kaagad namang hinawakan ni Leo ang magkabilang braso ko. "Pinatay ko na ang stove, kanina." Agap niya sa akin. Nang makarating kami sa dining area ay in-on ni Leo ang TV na nakakonekta sa CCTV sa kwarto ni baby. Nakita kong mahimbing pa rin siyang natutulog.
Dahil hindi pa ako nakakapagsaing ay ininit muna ni Leo ang kanin na natira ko kanina. Pagkaraan ay nilagay niya sa pinggan ang fried chicken na uwi niya. "Eat now, love." Pagyaya ni Leo sa akin ng mapaghain na nya ako ng pagkain.
Umupo siya sa gilid ko at nilagyan ko ng fried chicken ang pinggan niya. Binalik lamang niya iyon. "Iyong luto mo ang kakainin ko." He said.
Pagkaraan ay kinuha niya ang dalawang pirasong hotdog at nilagay iyon sa pinggan niya. "Sunog yan." Pag-aawat ko.
Nginitian lamang niya ako at saka sinimulang alisin ang part ng hotdog na nasunog at kinain iyong parte na maayos ang pagkakaluto. "Kain na, Nadia."
Naramdaman ko ang muling pag-init ng aking mga mata ng makita ang ginawa niya. "Leo..." My voice hitched to a sob then I hugged him. Hindi niya ako mayakap pabalik dahil mamantika ang mga kamay nya. I hugged him tighter and buried my face on his chest.
"Love, tsansing ka na." Biro niya sa akin kaya naman natawa ako sa sinabi niya habang patuloy sa pag-iyak.
Nang sumapit ang alas-otso ng gabi ay nakapagbihis na ako at nailipat na rin namin si baby sa crib na nakakonekta sa kama namin ni Leo. Tuwing gabi ay doon namin siya nilalagay para katabi namin siya sa pagtulog. Iyon nga lamang ay kaagad siyang umiyak ilang segundo pa lamang na nailapag ko siya sa kanyang higaan. Kaya naman kinuha ko siyang muli at saka ako nag-indian sit sa kama at pinadede ko siya. I choose to breastfeed her since I have enough milk to feed her.
Maya-maya naramdaman ko ang malapad na likod ni Leo sa aking likuran. "Sandal ka." He said then gently tapped my shoulder. Sumandal ako sa likuran niya at naging mas komportable ako sa pagpapa-breastfeed kay baby.
"Pagtapos ni Van, ako naman." Natatawang sabi niya. Kaya naman napangiti ako.
"Hindi na ikaw ang baby ko." I said then chuckled. Natawa rin siya sa aking sinabi.
Nang makatulog na si baby ay si Leo na ang naglapag sa kanya sa kanyang crib. Hindi siya umiyak at nanatiling natutulog di tulad noong ako ang nagbaba sa kanya.Umalis ako sa kama at saka ko kinuha ang gatas na tinimpla ni Leo para sa akin. Habang iniinom ko iyon ay naramdaman ko ang pagpulupot ng malaking braso ni Leo sa aking bewang. He nuzzled my neck and planted soft kisses there. "Love, bawal pa..." I said weakly while squeezing his arms when he started licking and sucking my skin.
"Silly!" He said then messed my hair.
"I just want to kiss my beautiful wife." Then he kissed my cheek this time.
"Beautiful? E losyang na nga ako. Ang taba taba ko na." I said then jutted my bottom lip out.
Naramdaman kong tinanggal niya sa pagkakayakap sa aking bewang ang isa niyang braso. "Mas malaman.." Sagot niya at saka pinisil ang aking tiyan.
"Mas malaki." He whispered then he smacked my bum while scraping his teeth on my collar bone.
His hands then moved up on my sides. "At mas masarap." He added then he cupped my breasts and squeezed them gently. Noong nanganak kasi ako ay napansin ko rin na kasabay ng pagtaas ng aking timbang ay ang paglaki rin ng aking dibdib at pang-upo.
"You're beautiful love. Forever beautiful in my eyes." He said then I felt a cold metal wrapped around my neck. Nang yumuko ako ay nakita kong isang kwintas iyon at may bilog na resin pendant.
Hinawakan ko iyon at hinimas ang korteng puso na naroon sa transparent pendant na may gold lining. "That's Van's umbilical cord." He said. Nilingon ko siya at nakita kong may soot rin siyang kwintas tulad ng sa akin. I smiled and hugged him. He hugged me back and caressed my arm.
"Mahal na mahal ko kayo ni Van." He said then kissed my hair. Umahon ako mula sa kanyang dibdib. Tumingkayad ako at saka ko hinawakan ang magkabila niyang pisngi bago nagsalita.
"You said that you dreamed of me and I came true." Yumuko siya at nagtama ang aming mga mata.
"Pero bakit kahit hindi ako humiling ay natupad ka Leo?"

BINABASA MO ANG
Pulang Panyo
RomanceWARNING: Mature Content. Read at your own risk. Started: November 26, 2022 Completed: January 1, 2023 I dropped on my knees then held her hand. "Oh my..." She gasped, lost for words, teary-eyed. "Marry me again, Nadia. Willingly this time, love." S...