Chapter 2

4.3K 55 3
                                    

Skateboard

"Totoo ba talaga yang kulay ng mata mo o contact lense?" Namamanghang tanong sa akin ng seatmate ko.

"Yes, ganyan talaga ang kulay nya." Tugon ko at saka ako tipid na ngumiti.

"Ang galing kulay asul! Pati buhok mo kakaiba din ang kulay, natural din ba yan o nag-dye ka ng buhok?"

"It's natural too." Sagot kong muli. Tumango siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at nakita kong ngumiti rin siya pabalik.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong naman ng isa ko pang katabi sa kabilang bahagi ng upuan.

"I'm Nadia. Kayo anong pangalan nyo?"

I'm a transfer student sa isang Laboratory High School sa Malolos. Isang college professor si Mommy at sa university na ito siya ngayon nagtuturo kaya naman dito na rin niya ako in-enroll ngayong taon. I am now on my ninth grade and it's the first day of school so I don't have any friends yet.

"I'm Belle." Sagot ng katabi kong nagtanong kung tunay ba ang kulay ng mga mata ko.

"And I'm Kate. We're cousins." Sagot naman noong isa at nakipagkamay silang dalawa sa akin.

"Pure Filipino ka ba or may lahi ka? Kulay blonde kasi ang buhok mo tapos ang puti-puti mo pa. Ang ganda mo para kang si Barbie!" Puri sa akin ni Belle.

"My Mom is a Filipina while Dad's a Swedish." I answered.

I was born and raised in Sweden. Not until my parents decided to stay here in the Philippines for good when I was eleven.

"Wow! Buti sanay ka mag-tagalog." Belle said, her eyes wide open in amazement.

"My mom taught me. Besides, ang nanny ko ay Filipina rin." Patuloy na pagsagot ko sa mga tanong nila. Looking forward that I could make friends with them.

"Kapag free ka this Saturday, punta ka sa birthday party ko." Imbita sa akin ni Kate na ngayon ay sinusuklay na ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri.

"Sure, thanks!" Then I gave her a warm smile.

Ilang minuto lamang ay dumating na ang aming teacher. Dahil unang araw ng klase ay nagpakilala kami isa-isa sa harap. Gaya nila Belle and Kate, marami rin ang nagtanong sa akin at namangha sa kulay ng aking buhok at mga mata.

Nang nag-lunch break na ay inaya ako nila Belle na kumain kasabay nila at sumama naman ako dahil wala naman akong iba pang kakilala bukod sa kanilang dalawa.

"Nadia, ano ang surname mo?" Tanong muli sa akin ni Kate habang naglalakad kami hawak ang aming mga tray na may lamang pagkain. Kasalukuyan kaming naghahanap ng bakanteng mesa.

"Johansson." Tipid kong sagot at saka itinuro ang nakita kong bakanteng pwesto na pwede naming upuan.

Marami kasing mga estudyante rito sa lunchroom dahil may mga college student rin na kumakain dito. Medyo siksikan at masikip, kaya naman maingat kong hinahawakan ang tray ko dahil baka makabunggo or mabunggo ako ng mga nakakasalubong ko.

"Pasensya ka na ang dami naming tanong sa'yo ha. Curious lang kami kasi first time namin makasalamuha ng foreign student." Pagpapatuloy ni Kate at saka kami naupo at inilapag ang aming mga tray sa tinuro kong mesa.

"It's fine with me. Let's eat?" Alok ko at nakita ko ang pagtango nila at pag-ngiti sa akin.

Habang kumakain kami ay patuloy pa rin silang dalawa sa pagtatanong tungkol sa akin. Ganoon din ang ginawa ko sa kanila. Somehow, I felt comfortable being with them, talking and sharing my life with these two nice and pretty girls.

Noong matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa classroom kasabay nang pagdating ng aming kasunod na teacher. Gaya ng nauna, ay kamustahan at pagpapakilala lamang ang aming ginawa sa klase.

"Nadia, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Belle na ngayon ay ginagawan ng braid ang makintab na buhok ni Kate.

"Mag-restroom lang ako." Paalam ko sa kanila at saka tumayo.

"Samahan ka namin?" Alok sa akin ni Kate.

But since Belle was busy doing Kate's hair, I immediately shook my head. "Hindi na, ako na lang." I said then I smiled.

Nang naglalakad na ako sa pasilyo ay bigla kong naalala na hindi ko nga pala kabisado ang building na ito. Hindi ko rin natanong kila Belle kung saan ko makikita ang restroom. Kaya naman hindi ko alam kung saan ako tutungo ngayon. Hindi bale na, for sure may mga signages naman ang mga banyo rito.

Habang naglalakad ay lilinga-linga ako para maghanap ng mga karatula. Kaya naman laking gulat ko nang mahagip ng mga mata ko ang paparating na lalaking estudyante na nakatungtong sa kanyang skateboard.

"Oh, fuck! Miss, tabi!" Sigaw niya sa akin habang patuloy at mabilis na lumalapit sa aking direksyon ang gulong ng kanyang rumaragasang skateboard.

Hindi ako kaagad nakapag-react. Na-estatwa ako sa aking direksyon samantalang siya ay mabilis na sumalpok sa aking katawan. Napapikit na lamang ako at dinama ang aking pagbagsak sa sahig.

But I was a little taken aback when I felt that there's a soft thing pressed against my lips. I then realized that I didn't really fall on the ground. Dahil kung sahig ito, dapat ay patag ang aking nabagsakan. Pero hindi, matigas ito na medyo malambot at bahagyang gumagalaw.

Hence, I startled when I felt that, that something bit my bottom lip and gently squeezed my butt cheek from outside my skirt. As I opened my eyes, I jolted in thunderbolt while his puffy amber eyes remained cemented to me. Itinukod ko ang magkabilang palad ko sa matigas nyang dibdib para bumangon mula sa pagkakasubsob.

"Pervert!" I squealed then slapped him hard, he winced.

Kaagad akong tumayo at sinipa ko ng ilang beses ang magkabilang binti niya. "Manyak!" Sigaw ko habang siya ay nakahiga pa rin sa sahig.

Nakita ko ang pag-ngiwi niya sa sakit ng pagkakasipa ko. "Oh, fuck!" His eyes flashed with pain.

Kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon para tumalikod sa kanya at lumakad nang mabilis palayo.

"Jerk! Bastos!" I chanted irritably while rubbing my lips using my handkerchief.

I walked furiously til I reached my classroom. Hindi na ako nagbanyo pa. Humanda sya sa akin. First kiss ko iyon.

Damn him! He'll pay for this.

Pulang PanyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon