Chapter 30

3.5K 48 2
                                    

Warning: R-18

Plants

Kagaya nang napag-usapan ay nagkita-kita kaming tatlo rito sa Starbucks. Wala pa ang dalawa kaya naman kami pa lang ni Leo ang narito.

Off site siya ngayon kaya naman nagpumilit siyang sumama sa akin kahit pa sinabi kong gawin na lang niya ang mga floor plans na kailangan niya bukas. "Narito na sila!" I exclaimed and waved at Sophia and Tristan. Magkasabay silang dumating ngayon.

Nang makalapit sila ay pinakilala ko si Leo. "Sophia, si Leo, Mister ko." Masayang sabi ko at saka ko sinulyapan si Leo. Naka-half bun ang buhok niya ngayon at napangiti ako sa biglaang pagpula ng tenga niya nang marinig ang sinabi ko.

Kinilig yata ang loko.

"Sophia. Ako si Sophia." Masayang sabi niya at saka inabot ang kamay na kinuha naman ni Leo. Pagkaraan ay inaya ko na silang umalis.

"Sophia tabi na lang tayo sa back seat." Pagyaya ko kay Sophia saka ko siya pinagbuksan ng pinto at inayang pumasok sa loob ng kotse.

Ngunit nagulat ako nang biglang hinawakan ni Tristan ang braso niya. "Sa akin siya sasabay." Pinal na sabi ni Tristan at saka siya pinagbuksan ng pinto.

Kaya naman hindi na ako kumontra pa. "Sige sundan n'yo na lang ang sasakyan namin." I said then climbed inside the passenger's seat.

"Sa tingin mo may something sa dalawa?" Tanong ko kay Leo na abala sa pagmamaneho at paghimas sa hita ko. Papunta na kami ngayon kila Mama.

He glanced at me with a confused look. "Sina Tristan at Sophia." Paglilinaw ko.

"I don't know." Tipid niyang sagot. Ano nga bang pakialam ni Leo sa buhay ng dalawang iyon? Natawa tuloy ako sa aking sarili dahil naisipan ko pa siyang tanungin.

"Why?" Tanong niyang muli.

"Wala lang, na-curious lang ako. Hindi naman kasi sila sabay na dumadating pag may usapan kami e, ngayon lang." Sagot ko at saka sinulyapan ang sasakyan ni Tristan na nakasunod sa amin.

"Nadia, are you jealous?" He asked me in a serious tone. I stifled a laughter because of his remarks.

"Sira ka ba? Bakit ako magseselos?" Sagot ko at saka hinuli ang tingin ni Leo.

"Naisip ko lang." Malungkot na sagot niya kaya naman tuluyan na akong natawa.

"Why are you laughing?" He asked and shot me an irritated brows.

"Ikaw ang nagseselos." Hindi siya sumagot at nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga habang seryosong nagmamaneho. Hindi na rin gumagalaw ang kamay niyang nasa hita ko pero nanatili lamang iyong nakalapat sa aking balat.

"Hindi ako magsasawang patunayan sa'yo na ikaw ang laman nito." At saka ko inilapat ang kamay niya sa aking dibdib.

"Walang iba pa. Ikaw lang." His face flashed pink because of what I said. Kaya naman inilapit ko ang mukha ko sa kanya at saka hinalikan siya sa gilid ng kanyang labi.

"Nadia, I'm driving." Kinikilig na reklamo niya.

Kaya naman hinalikan ko siyang muli saka sinundot ko ang tagiliran niya. "You're blushing, love."

"Nadia!" Sigaw niya sa akin kaya naman tinawanan kong muli siya.

Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa bahay. Kaagad kaming sinalubong ni Mama na naghihintay sa sala. Kagaya noong pumunta kami ni Leo noong nakaraang araw ay nakaposturang muli si Mama. Pinakilala ko sila Tristan at Sophia sa kanya at muli kong sinabi ang pakay namin. Kaya naman dinala kami agad ni Mama sa patio kung nasaan ang mga halaman niya. Nagsimula nang kumuha ng litrato si Tristan samantalang kami naman ni Sophia ay abala sa pag-interview kay Mama.

Pulang PanyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon