Chapter 24

3.4K 45 0
                                    

Article

"You know my son?" Tanong ni Ma'am Dela Cruz sa akin.

Son? What a small world, indeed!

Bago pa man ako makasagot ay nagsalita na si Tristan. "Ex-girlfriend ko, Ma." He said arrogantly. My mouth agape because of his lie.

Gusto ko sanang kontrahin ang sinabi niya ng muling magsalita ang ginang. "Oh? Hindi ko yata alam yan, anak." Namamanghang sabi niya at saka sumulyap sa akin. Bahagya na lamang akong yumuko dahil hindi ko alam ang aking sasabihin.

"By the way, I'm Imelda Dela Cruz. I'm the editor-in-chief of this publication. And Tristan, my son is our news photographer." Panimula niya. Tumango lamang ako nang marahan.

"Now, your task is to feature an article about home gardening in town." Pagpapatuloy niya at saka tumingin sa akin at kay Tristan.

"You will be working together to make this article. May isa pa kayong kasama, feature journalists din sya tulad mo, Miss Nadia."

Gumaan ang pakiramdam ko nang malaman kong may isa pa pala kaming makakasama. Cause I don't know what will I do if I work with Tristan alone. Pagkatapos kasi ng nangyari noon sa men's restroom ay hindi na muli kaming nagkita. Hindi man lang din sya humingi ng paumanhin sa mga sinabi niya sa akin noon. At ngayon ay gumawa pa sya nang bagong kasalanan sa akin.

"Sino ang makakasama namin, Ma?" Tanong ni Tristan kasabay ng tatlong katok mula sa pinto.

"Here she is." Anunsyo ni Ma'am Dela Cruz.

"Good morning po, magandang umaga sa inyo!" Maligayang pagbati ng isang babaeng kaedaran ko lang din siguro. Maiksi ang kanyang buhok at mayroon siyang bangs. Nakasoot siya ng eyeglasses at mayroon din siyang braces.

"Sorry po na-late ako." She continued then she sat beside me. I smiled at her.

Muling pinaliwanag ni Ma'am Imelda ang article na gagawin naming tatlo. Nagbigay rin siya ng suggestion kung paano namin iyong magagawa sa loob lamang ng limang araw.

"Good luck sa inyong tatlo. This will be your first entry in the publication." Masayang pahayag ng ginang at saka kami kinamayan na tatlo. Makaraan ay pinayagan na niya kaming umalis para masimulan na ang trabahong kailangan naming matapos next week.

"Hello! I'm Nadia." I introduced myself to my co-journalists then I held out a hand. Kinuha niya iyon at tinanggap.

"Sophia. Ako si Sophia." Masayang tugon niya at saka muling ngumiti sa akin.

Narito kami ngayon sa cafeteria ng building para makapagplano sa aming gagawin. Magkatabi kami ni Sophia at nasa tapat namin si Tristan na tutok sa kanyang cellphone. Gusto ko na sana syang komprontahin sa kasinungalingan niya kanina kaya lamang ay kasama namin si Sophia.

"May kakilala ba kayong mahilig sa halaman? Plantito, plantita. Like that?" Tanong ko.

"Wala e. Pero magtatanong-tanong din ako sa mga kakilala ni Nanay. Baka meron doon na pwede nating i-feature." Sagot ni Sophia.

"Sige ako rin maghahanap. Can I have your digits?" Tanong ko kay Sophia at saka ko inabot sa kanya ang cellphone ko. Tinipa niya roon ang numero niya.

"Sa akin din, paki-save ang number nyo sa phone ko." Kaya naman kinuha ko rin iyong cellphone niya at saka ko nilagay ang number ko roon.

"Iyong number ko, di mo ba kukunin Nadia?" Makahulugang tanong ni Tristan sa akin. Kaya naman napatingin sa aming dalawa si Sophia.

"Lagay mo rito." Masungit na sabi ko at saka ko inabot sa kanya ang cellphone ko.

"Magkakilala na ba kayo?" Tanong ni Sophia at saka bahagyang kinamot ang kanyang batok.

"Hindi."

"Oo."

Sabay na sagot namin ni Tristan. Lalo lang napakamot sa ulo si Sophia sa sagot naming dalawa.

"Ah eh anong plano natin ngayon?" Pagbabalik ni Sophia sa usapan tungkol sa trabaho namin.

"Bukas na lang tayo magkita ulit kapag may nahanap na tayong tao na ifi-feature." Tristan suggested then he winked at me. Inirapan ko lamang siya. While Sophia gave an awkward laugh.

"Sige text text na lang." Pagsang-ayon niya sa suhestiyon ni Tristan. Tumango na lamang rin ako. Maya-maya ay narinig kong tumunog ang aking cellphone at nakita kong tumatawag si Leo sa akin. Nagpaalam ako kay Sophia para sagutin ang tawag at saka lumayo ng kaunti sa pwesto nila.

"How's your first day love? Kumain ka na?" Masayang sabi ni Leo mula sa kabilang linya. Sinilip ko ang phone ko at nakita kong quarter to one na pala.

"Not yet. Ikaw?" Tanong ko pabalik. Gusto ko na sanang sabihin sa kanya na makakatrabaho ko si Tristan kaya lamang ay naisip ko mas magandang sabihin ko iyon sa personal.

"Bakit hindi pa? Bakit ka nagpapalipas. Eat now, Nadia." He reprimanded me. A chuckle escaped my throat because of his reaction.

"Sige na, kakain na muna ako." Paalam ko sa kanya. At saka ako sumulyap sa dalawa na ngayon ay may dala ng tray ng pagkain.

"Text me kung susunduin na kita. I love you." Leo said sweetly.

"Okay." Sagot ko.

Papatayin ko na dapat ang tawag ng biglang nagmaktol si Leo. "Nadia, where's my I love you?"

"Maraming tao. Nakakahiya." Bulong ko at saka tumingin sa paligid ng cafeteria. Hindi ko na muling narinig na magsalita si Leo.

"Hello?" Tawag ko. Hindi pa rin siya sumasagot. Nag-iinarte na naman itong lalaking ito.

Lumakad ako malayo sa mga tao at pumunta sa isang sulok. "I love you too." Mahinang sabi ko dahil baka may makarinig sa akin.

"Ang hina. One more time." Muling hirit niya kaya naman inulit ko ang sinabi ko sa medyo malakas na boses. Ang daming alam ng lalaking ito!

"Sige na. Bye!" Pagpapaalam ko at saka ko pinatay ang tawag. Bumalik ako sa mesa naming tatlo at nakita kong may tatlong tray na may lamang pagkain sa mesa. Naroon ang paborito kong ulam.

"Kumain muna tayo, Nadia. Alok sa akin ni Sophia kaya naman umupo akong muli sa tabi niya.

"Hindi ko alam ang gusto mong ulam, kaya si Tristan ang pinapili ko ng ulam mo." Imporma sa akin ni Sophia at saka nagsimulang kumain.

"Magkano ito?" Tanong ko sa kanila pero kay Tristan ako nakatingin.

"My treat." Tipid niyang sabi at saka kumain na rin tulad ni Sophia. Kaya naman kumain na rin ako at di na nakipagtalo pa.

Ilang minuto lang ay natapos na rin kami sa pagkain at nagpasya na kaming umuwi. Nang dumating ang sundo ni Sophia ay kami na lamang ni Tristan ang naiwang magkasama. So, I grabbed the chance to confront him. "Hindi naging tayo, Tristan. Bawiin mo ang sinabi mo kay Ma'am Imelda." I said firmly. I did not wait for his response and walked away.

"Nadia!" Tawag niya pero hindi ko siya pinansin.

And I was a little taken aback when he suddenly gripped my wrist and pulled me closer to him. Napaharap tuloy ako sa kanya. "I'm sorry. Okay?"

Pilit kong tinanggal ang kamay niya sa pulsuhan ko nang bigla kong nakita si Leo sa bandang likuran ni Tristan. He was leaning against the car hood. He glowered at my direction beneath thick brows. Annoyance was sliding across his face.

Pulang PanyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon