Prologue

665 15 1
                                    

Prologue


"Sigurado ka na bang hindi mo na kailangan mag pahatid sa terminal? Pwede naman akong makihiram ng sasakyan sa kapit bahay para maihatid kita doon."



Matapos kong maisara ang zipper ng maleta ko ay nakangiti kong nilingon ang tiyuhin ko. Nakangiti siya pero ang mga mata niya ay malungkot.



"Huwag na po kayo mag abala, Tiyo. Kaya ko na po ang sarili ko. Tsaka, isang sakay lang naman po ng tricycle mararating ko yung ang terminal ng bus." sagot ko at umayos ng tayo.



"Gusto ko rin sana na panoorin ang pag alis mo--"



"Huwag ka ng mag abala pa riyan, Manuel." sabay kaming napalingon kay Tiya Alma nang mag salita siya. "Hindi na 'yan isang paslit na kailangan pang ihatid-sundo. Kaya na niyan ang sarili niya. Masyado mong ini-spoil ang isang iyan kaya lumalaki ang ulo. Lumaki rin tuloy nang walang silbi. Manatili ka na lang rito at tulungan mo akong mag bilad ng mga daing sa labas dahil kailangan kong mag lako mamaya sa bayan."



Abala na siya ngayon sa paglilinis ng mga kuko niya. May mga pangkulot pang nakaipit sa kaniyang buhok.



Matipid akong ngumiti at nilingon ulit si Tiyo Manuel. Binigyan niya ako ng paumanhing tingin kaya tumango na lang ako.



"Tama si tiya, tiyo. Huwag niyo na po akong isipin dahil may mga trabaho pa po kayong kailangang asikasuhin rito sa bahay. Kaya ko na po ang sarili ko." pangungumbinsi ko.



Bumuntong hininga na lang siya bago tumango at tinapik ang balikat ko. Akala ko ay tatalikuran na niya ako para lumapit sa asawa pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at may inilapag na kung ano sa palad ko. Sa pag mamadali ay parang natatakot pa siyang mahuli siya ni Tiya Alma.



Nagtataka kong ibinuka ang palad ko. Halos panlakihan ako ng mata nang makita doon ang dalawang libo. Nag angat ako ng tingin sa kaniya at balak na sanang mag tanong pero agad niya akong sinenyasan na huwag maingay. Hindi pa ako nakakapag salita ay nayakap na niya ako.



"Huwag ka na mag tanong. Talagang itinabi at inipon ko 'yan para may pang gastos ka pauwi ng Maynila. Hindi alam ng Tiya Alma mo ang tungkol riyan kaya itago mo na." bulong niya habang hinahagod ang likod ko.



Hindi ko na maiwasang pamuuhan ng luha nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Ngumiti ulit siya at tumango.



"Mag iingat ka roon. Tumawag ka kapag may kailangan ka o kapag nagkaroon ng problema." sabi niya na parang walang nangyari.



Pinunasan ko agad ang mga luhang tumulo sa pisngi ko bago pa iyon makita ni Tiya Alma. Ang perang ibinigay sa akin ni tiyo ay itinago ko na rin sa bulsa ko. Hindi ko naman iyon kailangan dahil may ipon naman akong naitabi pero mukhang wala siyang balak na baguhin ang isip niya kaya tinanggap ko na lang.



Umayos ulit ako ng tayo at hinila na ang maleta ko habang ang isa ko pang bag ay isinabit ko sa balikat ko.



"Tiya, aalis na po ako." akma ko sanang aabutin ang kamay niya para makapag mano pero agad niya iyong iniwas sa akin.



"Sige na, lumayas ka na. Huwag kang babalik hanggat wala kang dalang pera." sabi niya nang hindi man lang ako nililingon.



Natigilan ako at sandaling napatitig sa kaniya. Mapait akong ngumiti at tumango na lang.



Sanay na ako sa ganoong trato niya. Bata pa lang ako ay ganiyan na siya.



"Alagaan niyo po ang sarili ninyo. Mag papadala ako ng pera kapag nakahanap na ako ng trabaho doon." iyon ang huling mga salitang binitawan ko bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon