Chapter 13: Chance
Tahimik akong nakaupo sa harapan ng whole body mirror ng kwartong tinutuluyan ko habang siya ay nasa likuran ko at abala sa pag bo-blower ng buhok ko.
Nakabihis na ako ng pink pajamas ko habang siya ay nakasuot ng white fitted sando at gray na pajama. Ang tuwalya na ginamit niya pang punas sa buhok ko kanina ay nakasampay pa rin sa kaniyang balikat.
He really wants that chance so bad, huh? Natatakot ako sa maaaring mangyari sa oras na ibigay ko sa kaniya ang gusto niya.
I'm not strong enough to face everything.
Nabalik ako sa katinuan nang mamatay na ang blower. Inilapag niya iyon sa lamesang nasa gilid tsaka niya sinuklay ang buhok ko. Nakaramdam ako ng antok dahil sa ginagawa niya kaya napahikab na ako.
Tiningnan niya ako mula sa salamin kaya tinakpan ko agad ang bibig ko gamit ang palad ko.
"You want to sleep now?" tanong niya. Tumango ako.
Ngumiti siya bago tinapos ang pagsusuklay sa buhok ko. Tumayo ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kama.
Humiga ako doon dahil iyon ang gusto niyang mangyari. Napakurap pa ako dahil siya rin ang nag kumot para sa akin.
Naupo siya sa gilid ng kama at inilagay ang tabas ng buhok ko likod ng tenga ko.
"Good night." nakangiti niyang sabi matapos halikan ang noo ko.
Pinatay niya ang ilaw sa lampshade na nakalagay sa side table. Tumayo na siya at tatalikuran na sana ako pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.
Napaharap ulit siya sa akin pero ang mga mata niya ay mabilis na bumaba sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. Gulat siyang napaangat ulit ng tingin sa akin na para bang kabigla bigla ang ginawa kong iyon.
Ngumuso ako bago ngumiti sa kaniya.
"Thank you and goodnight." nakangiti kong sabi.
Gusto kong matawa dahil napakurap pa siya ng ilang beses bago ako tanguan. Binitawan ko ang kamay niya kaya tuluyan na siyang nakaalis at nakalabas ng kwarto ko.
Huminga ako ng malalim at pumikit.
Mabilis akong nakatulog. Pakiramdam ko ay ang daming nangyari ngayong araw at lahat ng iyon ay pinagod ako.
Maaga akong nagising kinaumagahan. Mukhang nauna pa nga yata akong nagising kay Pierce dahil wala pa siya sa paligid nang lumabas ako ng kwarto.
Naabutan ko si Jetro sa kusina. Si Series at Bastian ay abala sa pag aasikaso ng mga karne at iba pa na mukhang lulutuin nila.
Binati nila ako nang makalapit ako sa kanila kaya ngumiti rin ako at binati sila.
"Preparing for breakfast?" tanong ko sa kanila.
"Yes, Ma'am. Ito kasi ang binilin ni Boss kagabi." nakangising sagot ni Bastian na ngayon ay binabalatan na ang hotdogs.
"Your Boss sucks." ngumiwi ako.
Natigilan naman silang tatlo at nanlalaking mga matang napatitig sa akin.
"I heard you."
Gulat akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang boses niya doon.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
My heart beats so fast every time I see him. When he is around me. When he is watching me. Every time I will feel his lips on mine.
BINABASA MO ANG
Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)
RomanceSuriel Amethyst Villarreal was just a child when her parents tragically died in a car crash. After that nightmare incident, her aunt, her mother's sister, took her in, but as she expected, her life has not become easy instead become more miserable...