19

225 6 0
                                    

Chapter 19: Escape


Tahimik akong bumalik sa trabaho at nag panggap na walang nangyari.


Kahit anong trabaho na yata ang pwedeng pakialaman ay ginawa ko na para lang malibang ang sarili ko. Para lang maitaboy at maiwasan siya.


"Nice work today, everyone! See you on Monday." kinawayan kami ng manager bago kami nito i-dismiss.


"Wooh!" umunat si Thaira sabay tulak sa kaniyang cart na sinabayan ko naman. "Sa wakas! Day off natin bukas. Anong plano mo?" nilingon niya ako.


Sabay na kaming dalawa na lumabas ng clubhouse. Doon kasi kami pinag linis kanina dahil maraming customer. Gabi na at kailangan na naming umuwi dahil dumating na yung mga papalit sa amin para sa pang gabing shift.


"Buy some groceries? At pagkatapos ay hahanap ng bagong malilipatan." sagot ko.


Natawa siya.


"Suriel, don't think about it! You can stay in my apartment anytime you want. Bakit hindi ka sumama sa akin?"


Tumaas ang kilay ko. "Saan naman?"


"The Palace. Iinom tayo hanggang sa hindi na tayo makalakad!" excited niyang sabi pero natigil nang makita ang reaksyon ko. "Hindi ka nga pala umiinom." ngumuso siya. "Pero ayos lang, hindi naman kita pipiliting sumama sa akin at uminom. You know what happened last time. Baka isipin ng mga tao bad influence ako sayo." ngumiwi siya.


Natawa ako at napatitig sa cart na tinutulak ko.


Natikman ko na ang lasa ng alak dahil kay Pieter pero hindi ako nalasing dahil hindi naman raw iyon gaanong nakakalasing. Hindi tulad ng ibang alak na isang shot pa lang ay para ka ng tutumba dahil sa hilo.


Ngumisi ako nang makapag desisyon.


"Game ako." nilingon ko siya.


Nanlaki ang mga mata niya. Nahinto pa sa paglalakad para maharap ako. Natawa ako.


"T-Talaga? Hindi ka ba napipilitan lang o ano? Look, I'm not forcing you to come and get drunk with me, alright? It's fine if you refuse!"


"Thaira, sasama ako sayo bukas. Wala namang mawawala sa akin kung matitikman ko ang lasa ng alak at malalasing ako." humagikhik ako.


Natawa rin siya bago ako niyakap at nagtatalon sa saya.


"Alright! We're partying tomorrow night!" kung kanina ay excited siya, mas excited siya ngayon dahil sa naging desisyon ko.


Nag tawanan kaming dalawa dahil nabaling sa iba ang usapan namin.


"Siya!"


Sabay kaming nahinto sa pag lalakad at pag tulak ng cart nang mapalingon kami sa harapan namin. Naguluhan pa ako nang makita ang galit na mukha ni Ylena habang nakaturo sa akin. Nasa gilid niya si Ma'am Carolina na nandidiring nakatingin naman sa akin.


Nag tama ang paningin naming dalawa ni Pierce na ngayon ay nakakunot ang noo. Sa likuran ay ang dalawang bodyguards at guard ng hotel.


Maski si Mrs. Alvarez ay naroon, nag aalalang nakatingin sa akin.


Ang ibang empleyado na pauwi na dapat ay nakatingin na rin sa gawi ko ngayon.


"Siya ang huling pumasok ng kwarto ko kanina. Siya rin ang inutusan kong ilipat ang mga bagahe ko sa office ng fiancé ko." nang gagalaiti akong dinuro ni Ylena.


Kumunot ang noo ko, hindi maintindihan ang nangyayari.


"Ylena, you don't have evidence to prove it." mariin at galit na pag singit ni Pierce.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon