34

277 5 0
                                    

Chapter 34: Trust


Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Noong una ay akala ko nag bibiro lang siya tungkol sa islang iyon pero nang ipakita niya sa akin ang mga papeles at titulo na nagsasabing nakapangalan nga iyon kay Rhyme ay para akong nalagutan ng hininga.


"He's crazy! I'm telling you! That bastard is crazy!" I said, still stressed about his news as we went back to the office.


Thaira is with Rhyme and Pierce kasama rin ai Byron sa baba. Natatawa namang nakasunod sa akin si Pieter na ngayon lang ulit nakabisita rito sa kompanya. Naging abala raw kasi siya.


"You know Pierce, Suriel. Hindi ka na dapat pa nagugulat." Pieter chuckled before sitting on his chair, still facing me.


Pumamaywang ako at nagpabalik-balik sa paglalakad. Salubong ang kilay at nakakunot ang noo habang isa-isang inuulit ang mga sinabi ni Pierce at Rhyme kanina.


"Naiintindihan ko namang mayaman siya at naliligo sa pera." Tumigil ako at hinarap ang kaibigan. "Alam ko iyon noon pa pero iyong bilihan niya ng isla si Rhyme dahil iyon ang gusto ng bata, malaking kabaliwan, Pieter! Paano pala kung nagbibiro lang yung bata pero tinotoo niya?" Naistress kong sabi.


Humalakhak muli si Pieter.


"You know what, Riel? Napapansin ko lang, ah? You've been smiling and laughing a lot the past few days unlike before na parang sobrang dami mong iniisip. And I know what your reasons are." Ngumisi siya.


"Anong gusto mong sabihin kung gano'n?" Kumunot ang noo ko.


"I just noticed that you were back to your old version after Rhyme and Pierce met. I mean, you've been energetic and positive again."


Natigilan ako. Nang taasan niya ako ng kilay na para bang may iba pang ibig sabihin iyon ay nag iwas ako ng tingin.


"S-Syempre! It was all because of Rhyme, Pieter. Masaya ako na nakilala na niya yung tatay niya at nakakasama na niya tulad ng pangarap niya noon. Magaan na ang loob ko dahil wala na akong sikretong tinatago. Iyon lang." I defended myself.


"Uh-huh? You sure you're not hiding anything else from us?" Pieter teased.


"Wala nga." Kalmado ngunit inis ko siyang nilingon ulit.


"Alright, then. Let me ask you one thing."


Tumayo siya at pinag ekis ang mga kamay sa ilalim ng kaniyang dibdib bago lumapit sa akin. Hindi naman ako umatras at nanatili lang sa aking pwesto.


"Do you still love Pierce?" Tanong niya na siyang ikinatigil ko. My heart started beating rapidly as if it was aching to answer his question honestly.


Lumunok ako at ibinaling ulit ang tingin sa ibang gawi. I want to run out of the office to avoid his question but I can't move a single muscle of my body. I felt like I was stuck on the concrete.


"Kahit kailan naman, hindi ako tumigil na mahalin siya." Bulong kong sabi. Hindi makatingin sa kaniya. "I love him. I was just forced to leave him for his sake. Even if I knew to myself, it will ruin him."


"So you do still love him." Pieter chuckled at me again, enjoying teasing me. "I was already expecting you'd say that. Come on, we've been together for years."


"Don't tell him," I warned him. 


"Huwag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin sa kaniya, Suriel." He scoffed. "Hindi ko pa nga napapatawad ang sarili ko nung aksidente kong sabihin sa kaniya ang tungkol kay Rhyme when the fact is he don't deserve to know it after what he done to you. Well, I guess he was trying to make everything right now especially to you." 

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon