03

306 5 0
                                    

Chapter 03: Place

Ganoon pa rin ang ginawa ko kinabukasan. Maaga pa rin akong nagising. Nilabahan ko muna ang isa ko pang uniporme para may masusuot ulit ako bukas at nang maisampay ko na iyon ay tsaka ako nag handa sa pag pasok.


Tumawag pa sa akin si Tiyo Manuel. Naroon pala si Daisy at Carlos kaya nagawa ko rin silang makumusta at makausap kanina pero hindi rin iyon nag tagal dahil kailangan ko pang pumasok.


Ginamit ko rin ang mga makeup na ibinigay sa akin kahapon ni Thaira. Marunong naman akong gumamit pero dahil wala naman akong makeup noon ay hindi ko rin napapakinabangan.


Ayoko sanang tanggapin ang mga make up na ibinigay niya pero ayaw niya rin mag patalo sa akin. Kakailanganin ko rin naman daw iyon sa trabaho. Kaya naman daw niyang bumili ng pamalit doon kaya kahit labag sa loob ko ay tinanggap ko na lang.


Nakuha ko rin ang number niya nang hingin niya ang number ko kahapon. She even added me on Facebook hindi nga lang ako madalas na active doon dahil ginagamit ko lang naman iyon noon sa school. Wala akong Instagram pero ginawan niya ako ng account para mai-follow niya daw ako.


Kailangan ko muna makabili ng bagong telepono para magamit ko ang mga iyon. Pang text at pang tawag lang kasi talaga ang telepono na ginagamit ko ngayon.


Lumabas na ako ng apartment matapos kong maihanda ang sarili ko. Siniguro ko pang naka lock iyon para walang mag tangkang pumasok.


Ang ngiti sa labi ko ay agad napalitan ng taka at gulat nang makita ko si Pieter sa harapan ng gate na nakasandal sa puti niyang mercedes benz. Iyon rin ang gamit niya kahapon nung una ko siyang makita.


Nakayuko siya at pinaglalaruan ang bato gamit ang paa niya pero nang marinig ang takong ng sapatos ko ay napaangat agad siya ng tingin. Umaliwalas ang mukha niya at ngumiti nang makita ako.


"Hi! Good morning!" masigla niyang bati.


Bumeso pa siya sa akin nang makalapit ako na para bang normal na lang iyon sa kaniya!


Gusto ko siyang sawayin pero nahihiya naman ako dahil baka may masabi pa siyang kung ano!


"A-Anong ginagawa mo rito?" napapalunok kong tanong, hindi na siya nagawang batiin dahil sa pagtataka.


"Isn't it obvious? Of course, to pick you up. Sabay na tayong pumunta ng hotel. Kanina pa ako rito, nahihiya lang akong pumasok sa loob." he pouted.


Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. 


"Mauna ka na... baka kung anong isipin ng mga taong makakakita sa atin mamaya." hindi ko maiwasang kabahan.


Wala pa akong isang linggo sa trabaho at ayaw kong mabahidan agad ng kahit anong issue ang pangalan ko!


"Who cares about their opinions?" tumaas ang kilay niya tsaka ngumisi. "Tsaka, narito lang naman ako para sunduin ka. Problema na nila iyon kung pag iisipan nila tayo ng malisya." humalakhak siya.


"Seriously, Pieter. Mas mabuti kung mauuna ka na. Ayokong pag isipan ako ng masama ng mga tao--"


"Subukan lang nila, ako talaga ang makakalaban nila kapag may sinabi silang masama tungkol sayo." pigil niya sa akin.


"Pieter!" sigaw ko nang bigla niyang inagaw niya sa akin ang bag ko at pinasok na iyon sa loob ng sasakyan niya.


"Get in, Miss. You can't be late." pinag taas-babaan niya ako ng kilay.


Napahinga na lang ako ng malalim at napairap. Natawa siya dahil suko na ako sa kakulitan niya. Kung makikipag talo pa ako sa kaniya ay masasayang lang ang oras ko.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon