07

229 4 0
                                    

Chapter 07: Leave


Bumalik na ako sa dati kong normal na trabaho matapos ang ilang araw na lumipas. Nag simula na rin akong pumasok sa eskwelahan.


Isang buwan na ang nakakalipas at isang linggo na rin akong pumapasok sa unibersidad na pinapasukan ko malapit lang rito sa Casa Carreras.


Nakakuha ako ng scholarship kaya libre na ang tuition fee ko. Kailangan ko lang maabot ang grado na gusto nilang makita sa akin. Pero hindi ibig sabihin na libre na ang pag aaral ko ay kailangan ko ng mag relax. Kailangan ko pa rin mag trabaho at mag ipon para sa iba ko pang personal na gastusin. Kailangan kong makapag padala ng pera sa Nueva Ecija.


Sa umaga ay mag tatrabaho ako, sa tanghali naman ay papasok ako sa paaralan at pagdating ng alas singko ng gabi ay babalik ulit ako ng trabaho. Uuwi ako ng alas diyes ng gabi. Sa natitirang oras at inilalaan ko para gawin ang mga requirements na kailangang kong ipasa sa school.


Sobrang nakakapagod pero kinakaya ko naman dahil kailangan.


Tulad nga ng gusto kong mangyari at sa loob ng isang buwan na iyon, nilubayan niya ako at hindi na muling kinulit pa.


Hindi ko na rin nakikita na nagdadala siya ng ibang babae sa kaniyang opisina o baka naman dinadala niya iyon sa ibang lugar? Sa penthouse niya? Hindi ko alam. Iniiwasan kong makausap siya dahil baka bumigay ulit ako.


Hindi na pwede bang maulit ang mga nangyari noon.


Sa tuwing papasok ako sa kaniyang opisina para maghatid ng pagkain o 'di kaya ay para mag linis, lalabas siya ng kwarto at babalik lang ulit sa loob kapag nakalabas na ako at tapos na sa ginagawa.


He was really avoiding me since then. Mabuti na rin iyon dahil maayos ko na ulit na nagagawa ang trabaho ko at nasasabayan ko pa ng pag-aaral.


"Hindi ka pa ba mag la-lunch?"


Hininto ko ang pagtutupi ng mga tuwalya nang marinig ko ang tanong ni Thaira. Handa na siyang mag lunch at hinihintay na lang ako.


"May isang kwarto pa akong kailangang linisin bago kumain. Mauna ka na lang. Susunod ako." ngumiti ako sa kaniya.


Umikot ang mga mata niya kasabay ang pag buntong hininga.


"Why do I have a friend na sobrang sipag sa trabaho anyway? Come on! I just wanted to have someone join me eat." kinausap niya ang sarili at nilagpasan ako.


Natatawa ko siyang sinundan ng tingin.


"Suriel."


Nawala ang atensyon ko sa aking kaibigan nang mapalingon ako sa front desk matapos akong tawagin ni Mrs. Alvarez. Tinanguan niya ako, sinasabi na dapat alam ko na agad kung anong kailangan niya kapag tinawag niya ako sa front desk.


Bumuntong hininga ako at lumapit sa kaniya, mukhang alam na rin ang dahilan kung bakit nga niya ako timawag.


What is he going to ask me to do this time?


Pinaglinis niya ako kahapon ng buong third floor at fourth floor. All by myself. Walang tumulong sa akin. Ako lang. He didn't even let Thaira help me because they asked them not to help me. He even asked me to clean his car that isn't part of my job. Nahahalata ko ang pagpapahirap na ginagawa niya sa akin at hindi na ako natutuwa.


Alam kong nag tatrabaho ako rito sa lugar niya at responsibilidad ko ang lahat ng iuutos niya pero ang mga ganoong uri ng bagay tulad ng paglilinis ng sasakyan niya ay hindi kasama sa trabaho ko!


Sumusobra na ang halimaw na iyon.


Ano ang ipapalinis niya sa akin ngayong araw? Ang buong Casa Carreras? O baka naman pag hagilapin niya rin ako ng pinakamasarap na buko juice sa Pilipinas?

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon