Chapter 35: Target
Tulad ng gusto nilang mangyari, pumayag na akong makita nila si Rhyme ngayong gabi. Kung patuloy kong ilalayo ang bata, para na rin akong walang pinagkaiba sa kanila. Makasarili. Ayoko na rin pang maglihim kay Rhyme.
I've had enough living my life full of lies and cowardice.
Tahimik ako sa biyahe at ganoon rin si Pierce habang tinatahak ang daan patungong resort. Hindi ko na nga naisipan pang makapag palit ng damit kaya nakapang-opisina pa rin ako. Gising na si Rhyme kaya kinailangan pang ipahiram ng Pierce ang telepono niya para malibang siya sa biyahe. Mukha naman siyang komportable sa kaniyang pwesto.
Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon kong sumama skay Pierce sa Casa Carerras pero hindi na ako aatras pa.
"Mommy, where are we going?' Nilingon ko ang gawi ni Rai nang marinig ang kaniyang tanong.
Maayos siyang nakaupo roon at tinatanaw ang mga bawat matataas na gusali na madadaanan ng sinasakyan namin ngayon. Ginawaran niya ako ng matamis na ngiti nang lingunin rin niya ako.
"We're going to meet your grandmother and grandfather, Rai. So when we arrive there, I want you to behave, okay? Greet them properly." Malambing kong sabi.
"Oh! Is it my Daddy's parents?" Nilingon niya naman ang kaniyang ama. "Daddy! Daddy! Are they your Mommy and Daddy?"
Ngumiti ako sa kainusentehan niya.
"Yes, Rai. You're going to meet my parents." Ngumiti si Pierce mula sa rearmirror. Nagmamaneho siya kaya kailangan niyang ibalik agad ang atensyon niya sa daan.
"Okay, Mommy! Daddy! I'll be a good boy tonight!" Rai's eyes disappeared when he laughed at us.
Parang lahat ng pagod at pangambang nararamdaman ko kanina ay naglaho. Just watching this kid makes me feel that everything will just be fine if you won't stop believing and trying.
"Daddy, are we still going to Batanes tomorrow? You promised, right?" Ginulo niya ulit ang ama.
Naramdaman ko naman ang sandaling pagtahimik ni Pierce. Nilingon ko siya pero nanatili ang mga mata niya sa kaniyang harapan. But I know he could see me from the side of his eyes.
"Of course, if Mommy said yes." Simpleng sagot nito.
Palihim ko siyang kinunutan ng noo bago rin ibaling ang tingin sa aking gilid.
"Sasama na ako." Sabi ko.
"See, Daddy! I told you, Mommy will come to us! You just give up so easily." Rai teased his own father. Pierce just chuckled at him but I could almost hear the relief in his breath.
Hindi ko na sila pinansin pang dalawa. Nabalik lang ulit ang kaba sa dibdib ko nang makapasok ang sasakyan sa Casa Carreras. Sa harapan pa lang ng lobby ay natatanaw ko na mula rito si Mrs. Alvarez na nag-aabang sa aming sasakyan kasama si Yzrael at Leone.
Nauna na akong bumaba ng makababa si Pierce para ilabas rin si Rhyme mula sa likuran. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan pa ako ng pintuan dahil kaya ko naman ang sarili ko.
"Welcome back to Casa Carreras, Miss Suriel." Malawak ang ngiti sa labi ni Mrs. Alvarez nang salubungin niya ako.
"Namiss ko po kayo," Ngumiti rin ako at hindi na napigilan ang sariling mayakap siya. Siya ang naging nanay ko noong nagtatrabaho pa ako sa lugar na ito kaya malaki ang utang na loob ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)
Roman d'amourSuriel Amethyst Villarreal was just a child when her parents tragically died in a car crash. After that nightmare incident, her aunt, her mother's sister, took her in, but as she expected, her life has not become easy instead become more miserable...