Chapter 25: Done
"Don't go anywhere. It's time to go home."
Nilingon ko ang anak ko na ngayon ay nakikipaglaro sa mga batang nakilala niya lang kanina.
Ngumiti ako at pinagpatuloy ang pagtutupi ng kumot na ginamit naming panlatag sa damuhan kanina . Nakalagay na sa basket ang lahat ng dala namin kaya handa na rin kaming umuwi.
We're inside the Rizal Park. Gusto raw kasing makalabas ni Rhyme at dahil day off ko naman, pinagbigyan ko na siya sa gusto niya.
Walong taon na rin ang nakakalipas simula nung bumalik kami rito sa Maynila. Pagkatapos ng ilang buwang panganganak ko kay Rhyme at matapos siyang mabinyagan sa Nueva Ecija ay dinala pa namin siya sa bahay nina Tiyo Manuel para na rin makapag paalam na sa Maynila na kami maninirahan.
Kinuha ko na rin lahat ng gamit ko roon sa tulong nina Thaira. Tulad rin ng napag usapan, sumama nga sa amin iyong kambal.
We're working under Byron's company kaya siya ang nag papasahod sa amin. Pieter has his own construction company too.
Matibay ang mga materials nila kaya madalas sa kaniya kumukuha ang kahit na galing sa malalaking kumpanya.
Ilang taon na ang nakalilipas pero nakaya kong suportahan ang anak ko nang mag-isa. Nakaya naming dalawa nang wala siyang kinikilalang ama.
Bilang isang anak, naghahanap rin siya ng pagmamahal ng isang ama. At sa tuwing hinahanap niya ito sa akin, kung kailan niya makikita ang tatay niya, kung kailan niya ito mayayakap at makikilala, wala akong sagot na maibigay.
Since when was the last time I heard his name? I don't know. It's been eight years. I don't even know if he still remembers me. O baka tuluyan na niya akong kinalimutan at binura sa kaniyang buhay.
Hindi ko siya masisisi. Wala rin akong karapatang magtanong kung bakit siya huminto sa paghahanap sa akin noon dahil labis ang sakit na dinulot ko nang iniwan ko siya nung gabing iyon. Wala akong karapatang masaktan.
Not that I was hoping to see him here anyway.
Minsan, hinahanap hanap pa rin siya ng mga mata ko. Nagbabaka sakaling baka makita ko siya sa paligid.
Sa kabila ng ginawa kong pag iwan sa kaniya, kahit isang beses, hindi ko inisip na itigil ang nararamdaman ko sa kaniya. I never stop loving him. Even once.
"Let's go?" nakangiti kong inilahad ang kamay ko sa aking anak.
He smiled at me too before grabbing my hand. Nahinto ako nang makita ang suot niyang bracelet.
It was the one I brought before for me and Pierce. Iyon na lang ang tangging materyal na kaya kong ibigay sa anak ko na may alaala ng kaniyang ama.
Gustuhin ko mang bumalik roon para maipakilala siya ay wala akong magawa.
Although our past memories keep flashing through my mind again, I forced a smile, not wanting him to catch what I'm feeling.
I forced his brown-colored curly hair. His eyes are the same color as his father's. He also got his pointed nose and perfectly shaped pinkish lips from him. He got almost his features from Pierce. Magkamukhang magkamukha sila. Para siya nitong batang bersyon.
All he got from me was the color of his skin, eyebrow, and hair.
Pieter, Byron and Thaira were spoiling him so much kaya sobrang lapit niya sa mga ito. Lalo na kay Pieter.
I texted Carlos na pabalik na kami ng condominium. Kasal na si Thaira at Bryron. She's one month and three weeks pregnant and will have their first born soon. May sariling anak rin akong binubuhay kaya hindi na ako pwedeng umasa pa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)
RomanceSuriel Amethyst Villarreal was just a child when her parents tragically died in a car crash. After that nightmare incident, her aunt, her mother's sister, took her in, but as she expected, her life has not become easy instead become more miserable...