10

262 5 0
                                    

Chapter 10: Revenge


Sunod-sunod na flash ng camera ang sumalubong sa amin nang marating namin ang Casa Carreras.


Sa entrance pa lang ay marami ng nakaabang na mga media. Inaabangan ang pagdating ng mga bigating imbitadong bisita para sa gaganapin ngayong gabi.


Kahit galing na ako roon kahapon, hindi ko pa rin maiwasang mamangha nang bumukas ang elevator at bumungad sa akin ang napakaganda at napakalaking venue kung saan gaganapin ang kaarawan ni Ma'am Carolina.


Pierce Penthouse.


Napalingon sa amin ang ilang bisitang naroroon na. Nang makababa kami ng elevator ay pinalibutan agad kami ng mga media. Sunod-sunod ang flash ng camera kaya masakit sa mata.


Byron and Thaira was just behind us nang lingunin ko sila. Thaira were acting normal at nagagawa niya pang ngumiti at kumaway sa mga camera na nakatutok sa kaniya habang ako rito ay kabado at hindi na alam ang gagawin.


"Just act normal. Akong bahala sayo." nakangiting bulong ni Pieter dahilan para muling mabalik sa kaniya ang aking atensyon.


Napansin niya sigurong kinakabahan ako.


Pinilit ko na lang na ngumiti at tumango sa kaniya. Isinabit niya ang kamay ko sa kaniyang braso bago kami mag patuloy at sabay na pumasok sa loob. Mas maraming tao sa loob nang makapasok kami. 


The calm and slow music filled my ears. It's so relaxing.


Ang malaking chandelier sa gitna ng  double staircase pero sa isang area ka lang naman nito dadalhin kung aakyatin mo iyon ang bumungad sa akin. Katabi ang elevator na ginamit ko kahapon patungo sa kwarto ni Pierce sa ikalawang palapag.


Sa itaas noon ay ang ceiling na gawa sa salamin dahilan para makita ang kagandahan ng mga bituin sa pang gabing langit. 


Napalunok ako habang pinapanood ang mga taong nag uusap at nag tatawanan sa paligid. They are all looks expensive. I feel so out of place. 


Humigpit ang hawak ko sa braso ni Pieter nang hinarang kami ng iilang media reporters. Gustuhin ko mang umakto ng normal ay hindi ko magawa dahil nakatapat sa akin ang mga camera nila. 


"Mister Pieter Carreras? Is she your girlfriend they are talking about? What's her name?" tanong nung isang babaeng reporter at itinapat ang mic na hawak kay Pieter. 


"I'm sorry but I refuse to answer. I don't want to make her uncomfortable." paumainhin niya sa mga ito bago bahagyang yumuko. "Please, excuse us." 


Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay hinila na ako ni Pieter paalis doon. Hindi naman na nila kami sinundan dahil natuon na ulit ang atensyon nila sa iba pang mga bisita na bagong dating. 


"Sorry about that, Riel." ngumiwi si Pieter nang harapin niya ako. Umiling ako at sinabing ayos lang. 


Mukhang sanay siya sa ganitong pamumuhay. Hindi na kataka-taka.


Minsan ay hihinto kaming dalawa dahil binabati siya ng mga ilang businesswoman at businessman na kilala niya. Pinapakilala niya pa ako sa mga iyon pero maliban sa pangalan ko ay wala siyang ibang binabanggit na kahit ano sa kanila. 


Mabuti na rin siguro iyon. 


Mayamaya rin ay nalapitan na kami nina Byron at Thaira kaya naman sabay-sabay na kaming apat na lumabas sa kanilang garden kung saan mas maraming tao. Nakita ko rin doon ang isang mini stage na mukhang sinadyang itayo. May projector doon at naka present doon ang picture ng kanilang pamilya at tungkol sa kanilang hotel pero mas madalas doon ang litrato ni Mrs. Carolina Carreras.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon