17

199 4 0
                                    

Chapter 17: Takot


Lumipas ang isang araw at natuloy nga ang pag alis ni Pierce kasama si Pieter. Tulad nga ng inaasahan naming lahat, si Ma'am Carolina ang pansamantalang namamahala sa buong hotel habang wala ang panganay niyang anak.


She's stricter than him. Gusto niya ay perpekto lagi ang nasa paningin niya. Kahit kaunting alikabok ay ayaw niyang makita. She'll yelled at us if she didn't like our performance. Ipapaulit niya ang pag lilinis sa amin hanggang sa makontento siya at maging malinis na iyon sa paningin niya.


Pagod kong inayos ang pagkakasabit ng bag ko sa aking balikat nang makapara ako sa kanto ng aming subdivision. Malapit na rin naman dito ang apartment ko kaya lalakarin ko na lang.


Kaninang umaga ang huli naming usapan ni Pierce. Hindi ko na siya inabala pa dahil ang sabi niya kanina ay nasa conference siya.


Bumuga ako ng malalim na hininga at binuksan na ang gate nang makarating ako sa tapat ng aming apartment pero natigilan ako nang makapasok ako sa loob.


Kumunot ang noo ko sa pagtataka nang maabutan ko ang may ari ng apartment na tinutuluyan ko na inilalabas ang mga gamit ko sa loob katulong ang dalawang lalaki!


Kumalabog ang puso ko at binalewala ang pagod na nararamdaman ko galing trabaho. Dumiretso ako sa kanila.


"A-Ano pong nangyayari? Bakit inilalabas niyo ang mga gamit ko?!" hindi ko na maiwasang makaramdam ng inis.


"Hindi ka na pwedeng tumuloy pa rito, Hija. Kaya inilalabas ko na ang mga gamit mo." aniya at nilingon ulit ang mga tauhan niya. "Siguraduhin niyong walang gamit na maiiwan sa loob."


"Ano? Bakit? Nagbabayad naman ako nang maayos? Wala akong naalalang may atraso ako sa inyo. You can't just do this and kick me out of my apartment at midnight! Saan ako tutuloy?"


"Hindi ko na iyon problema, hija." nilingon niya ako.


Nagulat ako nang hablutin niya ang susi ng apartment ko sa aking kamay.


"May nakabili na ng apartment mo. Mas malaki pa sa ibinabayad mo. Gusto niyang makuha agad ito bukas ng umaga kaya pasensya ka na, kailangan mo ng umalis."


Mas lalo akong nakaramdam ng galit sa narinig.


"Binenta niyo ang apartment kahit na tumutuloy ako rito at nagbabayad naman nang maayos? Hindi ba iyan pang aabuso?"


"I have the right to kick you out of here any time I want. I am the owner." mas mariin niyang sabi.


"Maam, hindi naman po pwedeng basta niyo na lang ako paalisin rito dahil nag babayad po ako ng maayos." pilit kong ipinaintindi iyon sa kaniya.


"Nabili na ang lugar mo kaya hindi ka na pwedeng bumalik rito!" tumaas ang boses niya.


Pinamuuhan ako ng luha nang ibinato niya ang mga damit ko sa akin dahilan para mag kalat iyon sa lapag.


Wala akong magawa kundi ang panoorin ang mga lalaki na i-lock na ang apartment ko dahil hindi na ako maari pang tumuloy rito.


"Ma'am! Parang awa niyo na, wala akong ibang tutuluyan ngayong gabi." pagmamakaawa ko at sinundan siya pero hinawi niya ang kamay niyang hinawakan ko.


"Umalis ka na rito bago mag umaga. Darating si Ma'am Carolina bukas para makita ang apartment. Ayokong maabutan ka niyang ngumangawa rito." iritado niyang sabi.


Mas lalo akong natigilan sa narinig. Imbis na sundan pa siya para mag makaawa ay hindi ko na nagawa.


Ma'am Carolina? Siya ang bumili ng apartment ko kaya ako napalayas rito?

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon