21

257 6 0
                                    

Chapter 21: Assurance


Warning:
R18


Salubong ang mga kilay ko habang nakapamaywang at tinititigan ang mga pinamiling damit ni Pierce para sa akin.


Lahat sila ay nakalatag sa aking kama. Kanina pa ako nakatayo rito at nahihirapang mag desisyon kung ano ba ang isusuot ko. Pupunta kasi kami sa kabilang isla kung saan may beach at resort raw.


I even texted Thaira to ask her for help. Day off niya rin naman ngayon kaya ayos lang kung aabalahin ko siya. Nasa condo raw siya ngayon ni Byron.


Tumunog ang telepono ko kaya agad kong tiningnan iyon. Nang makita ang reply ni Thaira ay agad ko siyang sinunod. Nag patulong kasi ako sa kaniyang mamili ng damit na pwede kong isuot dahil hindi naman ako maalam sa ganitong bagay.


Ayoko namang mag mukhang basahan sa tabi ni Pierce. Kahit ano yatang isuot niya ay mag mumukha pa rin siyang elegante at desente habang ako ay kailangan pang mag lagay ng effort para lang hindi siya mapahiya.


Ayokong isipin ng tao na he's dating girl good at nothing like me. Alam ko namang totoo iyon pero ayaw ko pa ring may masabi sa kaniya ang mga tao.


Kinagat ko ang ibabang labi ko nang kinuha ang isang black tie triangle swimsuit. Sinuot ko 'yon at humarap sa salamin para makita ang hitsura ko.


It was revealing my cleavage. Dahil puro de tali lang ang mga ito ay naging madali para sa akin na isuot ito.


Napalunok ako nang makita ang kabuuan ng katawan ko. Dinampot ko ang white dress shirt na ipinahiram sa akin ni Pierce kanina at isinuot rin iyon. Wala kasi akong cardigan kaya iyon ang gagamitin ko.


Sandali kong inayos ang buhok ko at kinuhaan ng litrato ang sarili ko. I send it to Thaira and she replied right after a seconds.


Thaira:
OH MY GOD! You look fabulous! I think someone would go insane and lose his mind if he saw you.


Thaira:
Update me on what happened after he saw you hihi!


Thaira:
Good luck! >.<


Namula ang pisngi ko dahil sa mga text niya. Mag rereply pa sana ako pero bumukas na ang pintuan ng kwarto ko. Napalingon ako roon at agad napaayos ng tayo nang iniluwa ng pintuan si Pierce.


Lalo yata akong nanliit sa kahihiyan nang tumaas ang kilay niya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko.


Mukhang tapos na siyang maligo dahil basa pa ang buhok niya at nakabihis na.


He was wearing a white dress shirt with three buttons open causing his chest to peek. The black sweat shorts also suited him. Hawak niya naman ang aviator sunglasses.


"B-Bakit? Hindi ba bagay sa akin?" tanong ko, nag-aalala nang mapansin ang matagal niyang paninitig sa akin.


Napalunok siya nang makahinto sa harapan ko.


"It looks good on you, baby. But your clothes are so eye-catching. Baka pag piyestahan ka ng mga lalaki roon."


Marahan niyang hinawakan ang mga siko ko bago dampian ako dampian ng mabilis na halik sa noo.


"Gusto mo bang... palitan ko ang damit ko?" maingat kong tanong. "Ito lang kasi ang nakita kong pang langoy na babagay sa akin..."


Baka kasi hindi niya pala nagustuhan kaya siya nag kakaganyan.


Hindi siya sumagot agad. Pinanood ko lang siya na mariing pumikit at bumuntong hininga, tila ikinakalma ang sarili.


"Huwag na." iling niya.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon