18

196 3 0
                                    

Chapter 18: Nightmare


"You are all so useless!" sigaw ulit ni Ma'am Carolina dahilan para matahimik ang lahat.


Pinatawag niya kami rito dahil hindi nagustuhan ng isang customer ang service namin. She reported it kaya kahit isa lang ang may kasalanan ay lahat kami mapapagalitan.


After what happened between us, I still managed to go on work. Hindi ko hinayaan ang presensya niya na maapektuhan ako. Hindi ko rin pinaalam kay Pierce ang mga nangyari dahil alam kong uuwi agad iyon rito para sa akin.


I don't want that to happen. Ayokong pakialaman na naman ng nanay niya ang buhay ko. It's better if I remained silent.


Seryoso siyang nakaupo sa gitnang upuan habang kami ay tahimik na nakikinig sa mga pangaral niya.


She looks so mad and disappointed that none of us dared to speak. Her presence was so heavy that it gives shivers to my whole system.


Sobrang kaba ang nararamdaman ko na hindi ko magawang tingnan siya sa kaniyang mga mata dahil pakiramdam ko ay hihigupin ako nito at unti unting dudurugin.


"I can't believe that the employees here who work under my son are like this. You get paid enough and yet you disappoint a customer?" narinig ko ang peke niyang tawa. "This is the first time a client has complained to me. This never happened before. You're just putting dirt on the reputation of Casa Carreras!"


Bahagya akong napapikit kasabay ang bahagyang pag angat ng mga balikat ko nang umalingawngaw sa buong meeting room ang pag hampas niya sa lamesa matapos iyong isigaw.


"You all disappoint me." mahihimigan nga ang pagkadismaya sa kaniyang tono. "All of you, babawasan ko ang mga sahod ninyo." sabi niya na mas nakapag paalarma sa lahat. "This is how I will punish you till you learned your lesson."


Padabog niyang dinampot ang Louis Vuitton handbag niya bago lumabas ng meeting room kasunod ang dalawang bodyguard.


Doon ako nakahinga ng maluwag. Nakita ko pang napahawak ang iba sa kanilang mga dibdib at napapikit na tila nabunutan sila ng malaking tinik.


Nag simulang mag bulungan ang lahat habang isa-isang nag sisilabasan ng meeting room.


"Hindi naman siguro tama yung bawasan niya ang sahod natin kahit isa lang naman iyong may kasalanan?" reklamo ni Thaira nang makarating kami sa lobby. "Hello? We're working hard here! Isa lang ang may kasalanan pero paparusahan niya tayong lahat? Isn't that unfair?" umirap siya.


Bahagya ko siyang siniko para sawayin dahil baka may makarinig sa kaniya. She just mouthed before rolling her eyes again.


"Grabe na ang pang-aabusong ginagawa niya. Hindi ko pa siya naapatawad sa ginawa niya sa iyo pero dinagdagan na naman niya ng panibago! Masisikmura ko pa siguro iyong makitang sampu ang kahalikang babae ni Sir Pierce sa opisina niya kesa narito si Madam Carolina."


Ngumuso ako sa sinabi niya. Mukhang napansin niya ang reaksyon ko kaya agad nanlaki ang mga mata niya at humingi ng tawad sa akin.


"I'm sorry... I just-- ugh! That freaking evil-looking old hag!" iritadong iritado siya.


Hindi ko naman siya masisisi kung bakit galit na galit siya ngayon dahil pakiramdam ko ay hindi rin tama ang naging desisyon ni Ma'am Carolina.


Bumalik kaming dalawa sa trabaho dahil may bisitang inaasahan si Ma'am Carolina ngayon kaya imbis na mag linis ako ng mga kwarto ay sa lobby nila ako inilagay para doon makapag linis.


Natigil ako sa pag lalampaso ng sahig nang matanaw ang isang mamahaling sasakyan na huminto sa harapan ng lobby. Lumapit ang guard para pag buksan ng pintuan ang kung sino mang naroon sa loob.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon