24

205 4 0
                                    

Chapter 24: Birthday


"Suriel, ako na riyan!"


Nahinto ako sa pag wawalis nang saktong pag bukas ng pintuan ng condo ay bumungad sa akin si Thaira. Binaba niya sandali ang mga gamit niya sa sofa bago nag mamadaling lumapit sa akin para akuin ang trabahong ginagawa ko.


Hindi na ako umangal dahil masakit na rin ang balakang ko. Inalalayan niya pa muna akong maupo sa sofa bago niya ako pinamaywangan.


"Sinabi ko naman na kasi sayo na huwag ka ng magkikilos!" pinagalitan niya ako.


"Anong gusto mong gawin ko rito? Tumulala at mag hintay na may mag silbi sa akin?" ngumiwi ako. "Hindi na nga ako nakakapasok dahil malaki na ang tiyan ko, magiging pabigat pa ako rito sa condo."


"Oh, there you are again. I told you not to worry about the condominium! ako ang mag babayad ng lahat ng bayarin, ang gagawin mo lang ay tumahimik rito at mag pahinga. Hindi ka pwedeng mapagod! gusto mo bang mapaanak nang maaga? Malapit na ang kabuwanan mo, babaeng buntis."


Ngumuso na lang ako at umirap, hindi na siya sinagot pa.


"Napakatigas ng ulo mong buntis ka. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo." napasapo siya sa kaniyang noo.


Para namang napakalaking krimen ang pag wawalis ng sahig kung magalit siya!


Dahil galit na siya ay hindi ko na siya pinatulan pa. Huminga ako ng malalim at tumingin sa tiyan kong malobo na. Ngumiti ako at hinaplos ito. Natuwa pa nang maramdaman ko ang pag sipa ng anak ko.


Ilang buwan na ang nakakalipas simula nung huling makadalaw ako sa bahay nina Tiyo Manuel. Gustuhin ko mang bumalik ay ayaw rin akong payagan ni Thaira dahil baka saktan lang daw ulit ako ng tiyahin ko roon.


I'm living with Thaira now. Sa isang condominium rito sa Nueva Ecija. Nagawa ko pang makapag trabaho noon para matulungan si Thaira sa mga gastusin namin rito pero kinailangan kong tumigil noong ika-apat na buwan ko na sa pag bubuntis.


Nag tatrabaho na ngayon si Thaira sa isang finance company kung saan nag tatrabaho si Daisy at Carlos. Doon rin ako pumapasok noong hindi pa gaano kalaki ang tiyan ko at kaya ko pang kumilos.


Kumuha rin ng condominium yung dalawa na malapit rito para sa tuwing day off nila sa trabaho ay mapupuntahan nila ako at maalagaan.


Nakakahiya na nga dahil pakiramdam ko ay masyado na akong pabigat sa kanila. Wala akong magawa dahil hindi ako makapag trabaho kaya nangako ako sa sarili ko na sa oras na manganak ako ay mag tatrabaho agad ako para makabawi sa kanila.


Hindi na ulit pa bumalik ng Maynila si Thaira at talagang sinamahan niya ako para siya ang mag alaga sa akin. Tulad ng sinabi niya kay Tiya Alma ay hindi niya nga ako iniwan.


Minsan may araw lang na umuuwi siya ng Maynila para makipagkita kay Byron. Minsan ay siya ang pumupunta rito para bisitahin kami.


Alam na ni Byron ang lagay ko pero dahil sa sinabi ni Thaira sa kaniya ay hindi niya magawang sabihin sa mga naghahanap sa akin sa Maynila na narito ako. Nangako rin naman siya sa akin na hindi niya ipagsasabi sa kahit kanino ang kalagayan ko. Lalo na kay Pierce.


Abala ang mga mata ko sa screen ng TV at nanonood ng Netflix movie kinagabihan habang si Thaira ay abala sa kusina at nagluluto ng aming hapunan nang dumating si Carlos at Daisy galing trabaho.


"Hi, Riel!" naupo agad si Daisy sa tabi ko at humalik sa aking pisngi bago humawak sa tiyan ko. "Hi, baby!"

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon