Chapter 20: Cry
Madilim na nang magising ako dahil sa naririnig kong pag hampas ng kung sino sa tubig.
Kinusot ko muna ang mga mata ko bago dahan dahang bumangon. Napalingon ako sa labas ng pintuan at doon ay nadatnan si Pierce na lumalangoy sa swimming pool.
Nakatulugan ko nga pala ang pag iyak ko kanina kaya dito na niya ako pinagpahinga sa kwarto niya.
Napatingin ako sa suot kong damit nang bumagsak ang kumot sa hita ko. Hindi ko na suot ang uniform ko dahil isang puting oversized shirt at cycling shorts na lang ito ngayon. Wala na rin ang makeup na nasa mukha ko kanina at nakalugay na nag buhok ko.
Namula ang pisngi ko nang may mapagtanto. Nilingon ko si Pierce na hangang ngayon ay lumalangoy pa rin. Bawat pag hampas ng katawan niya ay lumalagpas ang tubig sa bawat gilid ng pool.
Binihisan niya ba ako? O ang mga katulong na babae rito sa kaniyang mansyon ang umasikaso sa akin habang natutulog ako?
Pinilig ko ang ulo ko para mawala ang isiping iyon. Hindi ko na dapat pa pinoproblema ang ganoong klase ng bagay.
Naramdaman ko ang lamig ng sahig nang itapak ko roon ang mga paa ko. Kinuha ko ang brush na nasa side table at sisimulan na sanang suklayin ang buhok ko habang pinapanood si Pierce sa labas pero napako ang mga mata ko sa isang baso ng gatas na nakapatong rin doon.
Naagaw ng isang sticky note na nakadikit sa basong iyon ang buo kong atensyon kaya kinuha ko at binasa ang nasa sulat.
"Drink this to warm your body. I love you." -Pierce
He said I love you.
Ngumuso ako para pigilan ang pag ngiti pero nang ibinalik ko ang mga mata ko kay Pierce ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.
May ngiti sa labing ininom ko ang gatas sa baso na medyo mainit pa nga kaya nakatulong ito na pagandahin ang pakiramdam ko. Nang maubos ko ito ay lumapit ako sa sliding door.
Habang naliligo siya sa pool ay nanatili lang akong nakatayo sa gilid. Pilit kong hindi siya nililingon habang pabalik balik ang paglalangoy niya pero hindi ko mapigilan.
Napaayos ako ng tayo nang makitang huminto siya sa pag langoy. Mukhang naramdaman ang presensya ko. Napalunok ako nang humarap siya sa akin.
Pinasadahan niya ng palad niya ang basa niyang buhok bago ngumiti. He's not wearing anything except his black boxer. His tattoos were exposed. The water on his body and his wet hair make him hotter than I thought.
"You're awake." lumangoy siya palapit sa gilid ng pool kaya lumapit rin ako doon. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
Tumango ako sa naging tanong niya. Hinawak ko ang kamay ko sa braso ko at hinaplos iyon. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko matagalan ang mga titig niya. Para nitong unti-unting hinihigop ang lakas ko.
"Baby." tawag niya kaya agad akong napalingon ulit.
Namula ang pisngi ko at pinagsisihan ang ginawa nang makita ko ang pag guhit ng ngisi sa labi niya.
Nagtaka ako nang inangat niya ang isa niyang kamay na para bang gusto niyang abutin ko iyon.
Nang makuha ko ang gusto niyang mangyari ay agad kong binitawan ang brush na hawak ko sa lounge chair na naroon. Inabot at hinawakan ko ang kamay niya.
Buong lakas ko siyang hinila paangat pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang makaahon siya ay hinawakan niya ang bewang ko at hinila ako palapit sa kaniya. Napatili pa ako dahil tuluyan kaming bumagsak sa tubig.
BINABASA MO ANG
Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)
RomanceSuriel Amethyst Villarreal was just a child when her parents tragically died in a car crash. After that nightmare incident, her aunt, her mother's sister, took her in, but as she expected, her life has not become easy instead become more miserable...