32

264 6 0
                                    

Chapter 32: Claim

I've been waiting for long to tell Rhyme about his father. To introduce him to Pierce after hiding him for so many years. I thought I was ready. I thought I'd prepared myself enough to confront him if unexpected things happened but I was wrong. Masakit pa rin talaga.


Hindi pa rin pala talaga ako handa.


I smiled slightly after kissing Rhyme on the forehead. He was sleeping peacefully next to Pierce. Sinabi ko na sa kaniyang umuwi na siya dahil kailangan siya sa kanila at paniguradong hinahanap na siya ni Ylena but he refused to listen to me. He said he wants to be with his son since this is the first time they'll be together.


Lumabas ako ng kwarto para mahayaan na silang mag-ama. After turning the lights off and closing the door behind me, I sighed and made my way to the living room where Thaira was waiting. Watching each of my moves as if she was trying to find something for me.


Bumuga ulit ako ng malalim na hininga bago ako naupo sa sofang naroon. Pakiramdam ko ay sobrang daming nangyari ngayong araw. And I've been tired of it.


"Hanggang ngayon ay matigas pa rin talaga ang ulo niya." Thaira sighed got my attention back. "Ano nang plano mo niyan? Now that Pierce already found out that you have his child. Paniguradong hindi ka tatantanan ng isang iyan." Ngumiwi siya.


"Hindi ko na alam, Thaira." Marahan akong umiling bago ibaling ang tingin sa malamig na sahig.


"Alam mo? Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, naawa ako diyan sa tao. He wasn't aware that he had a child with you but after knowing what he did to you the past days, iyong kanina lang at doon sa conference? Very unforgivable, Suriel." Mahihimigan ang dismaya sa tono ng boses niya.


Hindi naman ako nakasagot. Unti-unti ulit naalala ang mga nangyari bago ang lahat ng ito.


"Pinahirapan at pinahiya ka ni Pierce, Suriel." Muling umimik si Thaira. "And I don't really like what he did to you kasama ang Ylena at nanay niyang walang hiya."


"Alam ko naman iyon, Thaira." Bumuntong hininga ako at nag angat ng tingin para lingunin siya. "I understand he was mad at me for leaving him clueless eight years ago but his previous behavior were really unacceptable. Pero para sa anak naming dalawa, kakayanin kong makisama at mag panggap. He has been dreaming about meeting his father. I just can't ruin it. His happiness is important to me."


Umirap si Thaira at bumuntong hininga rin nang marinig ang mga dahilan ko. Halatang hindi siya pabor pero dahil kay Rhyme ay wala rin siyang magawa kundi ang hayaan na lang ang mag-ama.


I just talked to him about our son because I can no longer hide it. Nalaman na rin naman niya kaya hindi ko na kailangang idahilan pa. I just want him to be aware of his son's existence. Other than that, I am not expecting anything anymore.


Aaminin ko. Masaya ako na sa wakas ay nagkaharap na silang dalawa but what Pierce did to me because of his anger and seeking for revenge, I can't just forgive him so easily. May kasalanan rin ako sa kaniya at naiintindihan ko iyon pero hindi tama ang mga ginawa niya para lang makaganti at makita akong naghihirap.


We just have to co-parenting Rhyme. Iyon lang at hanggang doon na lang siguro ang lahat. We still have many things unsolved between us.


Kahit labag sa loob na iwan ako ay kinailangan nang umuwi ni Thaira matapos siyang sunduin ni Byron. Ayoko rin naman na manatili siya rito at problemahin rin ang mga problema ko. She is pregnant and I don't want her to get stress about things she shouldn't be thinking about.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon