37

284 5 0
                                    

Chapter 37: Haunt


"Mommy, can we swim? I wanna swim! I saw the sea outside!"


Naputol ang malalim kong iniisip nang maramdaman ko ang paghila ni Rhyme sa aking kamay. Bumaba ang mga tingin ko sa kaniya at binigyan siya ng pilit na ngiti. 


Masyadong naging abala ang utak ko dahil sa mga nalaman kanina. Isama pa ang naging reaksyon ni Pierce. Galit na galit siya at hindi ko maiwasang mag-alala at matakot para sa kaniya. Matapos rin ang usapan ay nag paalam agad so Yzrael na umalis dahil marami pa siyang kailangang asikasuhin.


"Sure, baby. Tell your Daddy first." Bahagya kong ginulo ang kaniyang buhok. 


Nagtatalon siya sa tuwa bago siya kumaripas ng takbo palapit sa kaniyang ama na hanggang ngayon ay naroon pa rin sa sala. Abala sa kaniyang kausap sa telepono pero nang agawin ni Rai ang kaniyang atensyon ay agad niya rin itong ibinaba para pagtuunan ng pansin ang anak. 


He rubbed his hair too before squatting in front of his son. Kahit nakangiti ay halata pa rin ang pagod sa kaniyang mga mata. He was hurting. And it's killing me very slowly.


"Daddy, can we swim outside? I want to play with the water! Mommy said yes. I just want to ask your opinion, too." Rai said to his father excitedly. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pait dahil wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.


Ayoko rin namang malaman niya, napag-usapan na rin namin ni Pierce na huwag na ipalam pa sa kaniya. Sinabihan niya na raw ang mga tauhan niya rito na huwag babanggitin sa bata ang mga nangyayari kaya hanggang ngayon, iniisip ni Rai na nandito kami para mag bakasyon. 


Tuwang-tuwa si Rai nang napapayag niya ang kaniyang ama na makapaglangoy sa dagat. Mabuti na rin siguro na napapayag siya ng bata dahil kailangan niya ng pahinga.


Nag palit pa kami sandali ng damit panligo. Natagalan nga ako sa kwarto kaya pinauna ko na si Pierce at Rai sa labas. Sinabi kong susunod na lang ako sa oras na matapos na ako sa pagbibihis. Nahihirapan kasi akong pumili ng maisusuot. Mabuti na lang ay nadala ko pala ang damit panlangoy na ibinigay sa akin ni Thaira noon.


Wearing a two-piece bikini that hugged my well-defined and perfectly shaped body, allowing the thin fabric to reveal my cleavage and buttcheeks, I hesitated at first.


Ito lang naman ang dala kong panligo at wala ng iba pero ayoko na ring mag palit dahil masyado na akong matagal rito sa kwarto. Baka hinihintay na ako ni Rai kata naman kahit nahihiya, pinilit ko ang sarili kong lumabas.


Nasa Veranda sina Jetro, Series at Bastian. Seryoso ang usapan habang umiinom ng kanilang mga kape pero nang matanaw nila ako, namula ang pisngi ko sa kahihiyan. Nabuga ni Bastian ang iniinom niyang kape sa mukha ni Series kaya panay ang mura nito sa kaniya. Si Jetro naman na nanlalaki ang mga mata ay nabulunan rin sa kaniyang iniinom kaya agad tumalikod.


Hindi ko na sila pinansing tatlo. Nagmadali na lang akong lumabas ng mansyon para magtungo sa likuran kung nasaan naghihintay ang mag ama ko. Pagkarating ko roon ay may ilang bodyguards pa rin na nagbabantay.


Nagtatampisaw na si Rai sa tubig habang inaalalayan naman siya ni Pierce. Mabuti na lang at hapon na kaya malilim na ang puwesto namin rito. Maganda at sakto para makapag langoy nang maayos.


"Oh, there she is! Mommy!" Nahihiya akong ngumiti nang matanaw ako ni Rai na paparating kaya itinuro niya ako sa kaniyang ama.


Lalo lang akong nanliit sa kahihiyan nang lingunin niya ako at taasan ng kilay habang pinapasadahan ako ng tingin. Hindi ko alam kung namamangha ba siya o nilalait na ang buo kong pagkatao.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon