Chapter 38: Escape
Hindi ako mapakali. Ilang beses kong sinubukan ulit na kontakin ang numero niya matapos marinig ang ibinalita ni Jetro. They didn't confirmed that he was dead from the explosion. All that he just said to me was the helicopter he was riding back to the island exploded. Iyon lang. I refused to believe that he's dead.
He is not dead. He can't be dead.
"Come on, Pierce! Pick up the fucking phone!" I cursed, still pacing back and forth in the living room, not giving up on trying to contact his number. Umaasa na sana ay sasagot na siya sa aking mga tawag.
Sinabihan ko na si Jetro na sundan na si Pierce pero maliban sa hindi niya pwedeng iwanan ang isla dahil narito kaming dalawa ni Rhyme, hindi rin siya makakaalis dahil lumalakas lalo ang ulan. Ayoko ring mapahamak siya kaya hindi ko na pinilit pa.
Wala akong ibang magawa kundi ang maghintay sa ano mang sunod na ibabalita niya sa akin. Ang sabi niya sa akin ay nakapag padala na sila ng mga ilang tauhan at rescuers na magsasalba sa mga pasahero ng helicopter na sumabog.
Umaasa pa rin ako na ligtas si Pierce dahil malakas ang kutob ko na walang masamang nangyari sa kaniya. Alam kong babalik siya. He have to. Or else, I will hate him forever for dying before me.
Hindi ko na magawang matulog ng buong gabing iyon. Kahit pagod at mugto na ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pag-iyak sa pag-aalala sa kalagayan niya ay hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata para makapag pahinga. Hindi ko ginising si Rhyme dahil mahimbing na ang tulog niya. Ayoko rin na mag alala pa siya kaya pinili kong itago na lang sa aking sarili ang nangyari."J-Jetro, may balita na raw ba tungkol doon sa sumabog na helicopter? S-Sino-sino raw ang mga pasahero? Lahat ba sila ay ligtas? Si... Si Pierce?" Hindi ko maiwasang magtanong ulit kay Jetro kahit na kanina lang ay itinanong ko rin iyon.
Alam kong siya rin ay nag-aalala but he have to be professional and stay in his character to do his job properly. Kung pati siya ay magpapadala sa kaniyang emusyon ay pareho kaming walang magagawa.
"Wala pa pong balita, Miss Suriel. Nahihirapan silang mahanap ang ibang pasareho sa dagat lalo na at madilim. Masama rin ang panahon at delikado kaya kailangan nilang itigil muna ang paghahanap--"
"Ano?!" Tumayo ako at sinugod siya. "What do you mean they had to stop finding the passengers?! Paano kung kailangan agad nila ng tulong? Paano kung mas lalo silang mapahamak dahil huminto sila sa paghahanap?!"
"Ma'am, we're doing everything that we can to make sure that all the passengers are safe. Especially Mr. Carreras. Pero malalagay rin sa panganib ang mga rescuers kung patuloy silang maghahanap sa masamang panahon."
Umiling ako. Gustuhin ko mang intindihin ang sinasabi niya, kaligtasan lang ni Pierce ang tanging nasa isip ko ngayon. Makasarili na kung makasarili pero kailangang mahanap nila si Pierce at masiguradong ligtas siya.
He can't die. He can't leave like this. Paano na si Rhyme? Paano na ako? Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na minamahal ko pa rin siya hanggang ngayon at kahit kailan ay hindi ako tumigil. Paano ko masasabi ng lahat ng iyon sa kaniya kung hindi siya babalik sa akin?
Sa bawat pagpatak ng oras ay mas lalo lang lumalala ang takot at pag-aalala ko para sa kaligtasan ni Pierce. Gusto kong kumilos at tumulong sa paghahanap pero wala akong magawa kundi ang maghintay sa isla hanggang sa may makalap silang bagong balita tungkol sa aksidente."Miss Suriel. Gusto raw po kayong makausap ni Sir Yzrael." Ang boses ni Bastian ang umagaw sa aking atensyon.
Madilim pa rin ang langit pero may nakikita na akong liwanag sa kalayuan, senyales na malapit na suminag ang araw. Huminto na rin ang ulan kaya ang sabi ni Jetro ay nagmadali ang mga tauhang mag patuloy ulit sa paghahanap sa mga biktima ng pagsabog. Umalis rin siya kanina para makatulong na sa paghahanap.
BINABASA MO ANG
Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)
RomanceSuriel Amethyst Villarreal was just a child when her parents tragically died in a car crash. After that nightmare incident, her aunt, her mother's sister, took her in, but as she expected, her life has not become easy instead become more miserable...