Chapter 12: In love
Tahimik kong sinimulang kainin ang pagkain na inihatid ng Flight Attendant kanina pero hindi ko maiwasan na sundan siya ng tingin.
Kumunot ang noo ko nang yumuko siya sa harapan ni Pierce. Nakangiti siya at halatang nang aakit dahil habang inilalapag niya ang mga pagkain sa harapan nito ay hindi niya inaalis ang tingin niya rito.
Bumaba ang tingin ko sa damit niya. Nakatali iyon kaya kita ang puson niya at bukas pa ang apat na butones ng damit. Halos lumuwa na ang dibdib niya lalo na at nakasuot lang siya ng itim na bra panloob. Ang skirt niya ay sobrang iksi pa.
Is that the proper way for her to wear her uniform? If she wants, I am willing to teach her how to properly wear them. Wala ng bayad. Libre na para sa kaniya.
Nilingon ko si Pierce. Seryoso lang ang mukha niya habang nakikipag usap doon sa babae na parang wala siyang pakealam sa ginagawa nito.
Natunghayan ko pa ang pag haplos ng babae sa braso niya. Ngumuso ako at huminga ng malalim tsaka ako tumayo.
The girl obviously wants him pero dahil nandito ako ay hindi sila makapag simula.
"Suriel." tawag ni Pierce nang nahawakan ko na ang doorknob. Natigilan tuloy ako at nilingon siya. "Where are you going?" taka niyang tanong.
"To give you privacy, Sir. Baka kasi kailangan niyong masolo ang isa't isa." peke akong ngumiti at tinalikuran ulit sila.
"Try to step out of that door and I will tie you in my bed when we get back to Manila." he warned.
Hindi ko pa nabubuksan ang pintuan ay nanlaki na ang mga mata ko sa sinabi niya. Napapalunok kong binalingan ulit siya ng tingin.
Nakataas na ang kilay niya sa akin habang ang babae ay hulog na ang panga na para bang nabigla rin sa narinig.
"I'm sorry about that." nilingon niya yung babae. "My girlfriend gets jealous easily. Just give your work to Jetro."
Nanatili akong nakatayo doon at hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya.
Napapahiyang ngumiti ang babae bago siya tuluyang lumabas ng kwarto dahilan para maiwan ulit kaming dalawa ni Pierce sa loob.
Doon ako nakahinga ng maluwag at nakakuha ng sapat na lakas ng loob.
"Bakit mo sinabi sa kaniya na girlfriend mo ako?" kunot noo kong tanong. "At hindi ako nag seselos!"
"Oh, really?" kinuha niya nag kape at sumimsim doon nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "That's exactly what I'm seeing."
Ngumisi siya na siyang lalong ikinainit ng pisngi ko.
"Baby, you don't have to worry. You've captured my heart from the moment you kissed me. You owned me now."
Kunwari akong natawa.
"For your information, Sir? Ikaw ang humalik sa akin." pagtatama ko sa mariing paraan.
"Right. And you like it and kissed me back. It's just the same."
"It's not the same!" iritado kong sigaw.
Bahagya siyang matawa, mukhang natutuwa na napipikon na naman niya ako.
Natigilan ako at agad na napaayos ng tayo nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Niyakap ko pa ang sarili ko nang huminto ang mga mata niya sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)
RomanceSuriel Amethyst Villarreal was just a child when her parents tragically died in a car crash. After that nightmare incident, her aunt, her mother's sister, took her in, but as she expected, her life has not become easy instead become more miserable...