11

276 5 0
                                    

Chapter 11: Heartbeat

Tahimik ako nang makabalik ako sa aming lamesa. Nauna akong makabalik kay Pierce. Ilang minuto pa ang hinintay niya bago siya sumunod na dumating.


Maayos na ulit ang hitsura niya. Kung kanina ay parang babagsak na siya sa kalasingan at panghihina, ngayon ay nagagawa na niya ulit na makisalamuha sa mga taong kasama sa lamesa namin.


Minsan naman ay mapapalingon siya sa akin at talagang tititigan niya ako kaya hindi ako mapakali. Pinilit ko na lang ang sarili ko na makipag tawanan kay Thaira na parang walang nangyari kanina sa loob ng banyo pero kahit na nagagawa ko nga iyon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya kanina.


He was so desperate and he wants me to give him a chance to prove my doubts wrong. To prove himself to me.


Naging mabilis para sa akin ang oras kaya nang matapos na ang party ni Mrs. Carolina ay nag paalam na ako sa mga nakasama ko sa lamesa. Sinadya kong hindi lingunin si Pierce dahil baka kung ano lang ang masabi ko.


Naunang makaalis sina Thaira dahil si Byron ang mag uuwi sa kaniya. Kahit sa biyahe ay tahimik ako at tulala. Hindi na rin naman nag abala pang mag salita si Pieter at nag patuloy lang sa pag mamaneho.


"Thanks for tonight, Pieter." nakangiti ko siyang hinarap nang maihatid niya ako sa harapan ng gate ng apartment ko.


"Sure, no problem." ngumiti rin siya pabalik.


Nakuha ko na ulit ang bulaklak na bigay niya sa akin kanina. Iniwan ko kasi iyon sa sasakyan niya dahil masyadong kaagaw agaw pansin sa mga bisita kung dadalhin ko pa iyon sa loob.


Hindi na niya sinundan ang sasabihin niya at nanatili lang na nakangiti habang pinapanood ako. Kumaway na ako sa kaniya at sumenyas na sa kaniyang papasok na ako. Nang tumango siya ay tsaka ko siya tinalikuran at nag dire diretso na papasok sa loob.


Umalis lang ang sasakyan niya nang maisarado ko na ang pintuan ng apartment ko. Huminga ako ng malalim at ngumiti.


Ang mga puting rosas ay inilipat ko na sa flower vase na nasa gitna ng single table ko sa kusina. Matapos kong maayos iyon ay umakyat na ako sa taas para sana makapagpalit na ng damit at makaligo pero saktong pag upo ko sa kama ko ay tumunog ang telepono ko.


Kumunot ang noo ko dahil hindi pamilyar sa akin ang numero pero nang mabasa ko ang text ay nakilala ko na agad kung kanino iyon.


Unknown Number:
Save my number to your contacts. -Pierce


Unknown Number:
Text me when you're home safe.


Napailing ako matapos buksan isa-isa ang mga mensahe niya. Hindi ako nag reply pero sinave ko ang number niya tulad ng gusto niyang mangyari.


Hindi ko na kailangan kung paano niya nakukuha ang mga impormasyon tungkol sa akin dahil lahat iyon ay nakalagay sa resume na ibinigay ko sa kaniya noon.


Binitawan ko ang telepono ko at pumasok na sa banyo. Nag babad pa ako sandali sa tubig at pag tapos ay nag bihis na ng damit pang tulog. Pinatuyo ko rin muna ang buhok ko bago tuluyang nahiga sa kama.


Day off ko bukas, Sabado kaya wala rin akong eskwela. Hindi ko na kailangan mag set ng alarm para gumising ng maaga bukas. Wala akong ibang planong gawin bukas kundi ang mag grocery pero bago iyon ay dadaan muna ako ng simbahan. May misa kasi bukas ng tanghali.


Dahil sa pagod ko ngayong gabi at dahil na rin sa sobrang dami ng pangyayari ay nakatulog ako agad. Tulad nga ng inaasahan ko ay tanghali na ng magising ako kinabukasan.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon