22

256 5 1
                                    

Chapter 22: Choice


Minulat ko ang mga mata ko at tumama iyon sa dibdib ni Pierce na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Gumalaw ako pero agad napaaingit nang maramdaman ang sakit ng katawan at gitnang bahagi ko. Nang maalala kung anong ginawa namin kanina ay nawala ang antok na nararamdaman ko.


Iginala ko ang paningin ko. Dim na lang ang ilaw ng buong kwarto at madilim pa sa labas nang lingunin ko ito. Huminga ako ng malalim at pumirmi ng higa.


We really did it. My first time.


Nakaunan ako sa braso niya habang ang isa niya pang kamay ay nakapulupot sa aking bewang. Ang puting kumot ay parehong nakatakip sa kalahating katawan namin.


Wala ng bakas ng damit ko kanina ang suot ko ngayon. I'm now wearing a white satin dress na tingin ko ay hanggang tuhod ko. Iilan lang naman ang pares ng damit na pinadala ni Pierce dahil hindi dapat kami mag tatagal sa islang ito.


Natulala ako sa tattoo na nakaukit sa dibdib niya. Maingat at tahimik kong inangat ang kamay ko at hinaplos iyon.


Yzrael and Leone probably have this tattoo on their chest, too. Mayroon rin si Pieter.


Hindi ko na siya masyadong nakakausap simula nung mag punta siya ng Spain. Siguro ay masyado lang siyang abala roon. Hindi naman ako makapag tanong dahil paniguradong mag-wawala lang ang isang ito.


Ngumuso ako at pinanood ang mukha niyang mapayapang natutulog.


Ang haba ng mga pilik-mata niya at ang tangos ng ilong. Nakakainggit.


How can he be so handsome and perfect even when he's sleeping?


That's so unfair!


Nagulat ako sa biglaan niyang pag galaw. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng kahit anong ingay nang hilahin niya ako palapit lalo sa kaniya.


Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa pero mas nadiin ako sa kaniyang katawan. Hindi ako makapag focus dahil bumubungad sa akin ang abs niya. Nakahinga lang ako ng maluwag nang hindi ko siya magising.


He must be so tired.


Napatitig ako sa kaniya at hindi na naiwasang mapatanong sa sarili.


Did this Beast... really fall in love with a slave like me? And I fell in love, too...


Mahina akong natawa nang maalala kung paano kami mag talong dalawa noon.


Hindi ko akalain na mahuhulog ang loob niya sa akin. I thought he's just going to use me for my body and put me on his collection but I was wrong. Hindi ko pa mapagtatanto kung hindi ko siya binigyan ng pagkakataon.


Masyado kong sinarado ang puso ko sa kaniya dahil sa takot na baka kapag mahulog rin ang loob ko sa kaniya, iiwan niya ako sa ere matapos makuha ang gusto niya.


Natigil ako sa mga iniisip ko nang marinig kong tumunog ang teleponong nasa gilid lang ng kama. Nakapatong sa coffee table. Hahayaan ko na sana iyon pero nang tumunog pa ulit ay binagabag na ako ng kuyosidad ko.


Maingat kong inalis ang kamay ni Pierce na nakayakap sa aking bewang. Nang mag tagumpay ay maingat at walang ingay rin akong bumangon.


Akala ko sa telepono ko nang gagaling ang tunog pero nang makitang kay Pierce pala iyon ay natigilan ako at napatitig rito. Wala na sana akong balak na pakialaman pa iyon pero nakita ko ang pangalan ni Ylena sa screen.


May mga text messages galing sa kaniya.


Sandali kong nilingon si Pierce. Nang makitang mahimbing pa rin naman ang tulog niya kinuha ko ang telepono niya.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon