09

222 4 0
                                    

Chapter 09: Party


"Great presentation, Miss Villarreal!" my instructor announced.


I smiled and bow my head a little when they clapped their hands, agreeing with her words.


"You amazed me! I'm giving you a perfect score." pumapalakpak na sinabi iyon ng instructor ko dahilan para gumaya ang mga kaklase ko sa kaniya.


Ngumiti ulit ako at nag pasalamat sa kanila. Hindi pa ako nakaalis sa harapan agad dahil may ilang katanungan pa siyang tinanong sa akin na agad ko namang nasasagot ng maayos at tama. Mukhang satisfied naman siya sa mga sagot ko kaya binigyan niya ako ng mataas na marka.


Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay makabalik na ako sa upuan ko. Pakiramdam ko ay nalulusaw ako kanina habang nakatayo sa harapan nilang lahat.


Iyon ang huli naming subject para sa ngayong araw kaya nang mag dismiss siya ay dumiretso na ako palabas ng classroom.


Nakaramdam ako ng gutom kaya naman dumiretso muna ako sa tindahan na malapit lang sa school. Bumili ako ng soft drink na nilagay nila sa plastic at may kasama pang straw. Bumili rin ako ng isang mamon. Sapat na iyon para mawala ang gutom ko.


Sandali akong naupo sa waiting shed para makapag pahinga sandali. Habang kumakain ako ay pinapanood ko ang mga estudyanteng isa-isang naglalabasan ng paaralan.


Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil bawat estudyante na nahahagip ng mga mata ko ay puro de sasakyan. Ang iba ay hatid sundo pa ng kanilang mga driver at bodyguards.


I suddenly felt like I do not belong here.


Hindi ko iyon hinayaang makaapaketo sa akin dahil ang importante lang sa akin ay ang makapag-aral at makapag tapos ng kulehiyo.


Halos mabuga ko ang iniinom ko nang biglang may humintong sasakyan sa harapan ko at bumusina pa ito!


Nakilala ko agad kung kaninong sasakyan iyon kaya napatayo ako para masilip ang taong nasa loob nito nang bumaba ang bintana sa harapan.


Tumaas ang kilay ko dahil bumungad sa akin si Pieter na nakasuot pa ng aviator. Hinubad niya rin iyon para makindatan ako. Ngayon ay nakapatong na ang siko niya sa bintana ng sasakyan niya.


Napakurap ako at nakaramdam ng hiya dahil pinagtitinginan na ng mga estudyante ang mamahalin niyang sasakyan.


"Anong ginagawa mo rito?" bulong ko nang lingunin ko ulit siya.


Imbis na sagutin niya ako ay binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at umikot sa harapan para makalapit sa akin. Kinabahan ako lalo dahil nasa amin na ang atensyon ng mga tao.


"To pick you up." he chuckled. "Get in, we'll having lunch first." sinenyasan niya sa akin ang loob ng sasakyan nang mapagbuksan niya ako ng pinto.


Dahil sa tinginan ng mga tao ay lalo akong nailang kaya wala akong choice kundi ang pumasok sa loob ng sasakyan niya. Narinig ko pa ang nang aasar niyang tawa nang makasakay siya sa driver seat.


"Hindi mo ako kailangang sunduin pa rito, Pieter. Hindi mo ako responsibilidad." nilingon ko siya nang mag simula ng umandar ang sasakyan.


"You're my friend, Riel. I'm doing this because I want to. Relax." natawa ulit siya.


Napailing na lang ako.


"Where do you want to eat?"


"Ayos lang ako. Dumiretso na lang tayo sa hotel dahil kailangan ko pang mag trabaho." sagot ko sa tanong niya.


"Okay then, we'll eat there."


Nanlaki ang mga mata ko nang tingnan ko ulit siya pero ngumisi lang siya sa akin at mukhang wala ng balak pang baguhin ang isip niya.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon