33

292 5 1
                                    

Chapter 33: Spoil

Without even finishing the conference, I followed Pierce outside carrying Rai sleeping on his shoulder.


"Hindi mo dapat ginawa 'yon. Sinabi ko na sayo, ako na ang bahala kay Rai. Bumalik ka na sa loob, kailangan ka nila roon." Salubong pa rin ang mga kilay ko habang nakasunod ako sa kaniyang likuran.


Naiilang na ako at nanliliit sa hiya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Baka kung ano pang isipinin nila at makarating na naman sa pamilya niya. Umiiwas na nga ako sa gulo pero parang gulo pa ang lumalapit sa akin.


"Rai is my responsibility, Suriel. I'll take him home." Simpleng sabi niya na para bang ang raming ibig sabihin. "Get in." Dumiretso siya sa kaniyang mamahaling sasakyan.


"Ano?" Nahinto ako at kinunutan siya ng noo. "Hindi pa ako pwedeng umalis rito. Hindi pa tapos ang trabaho ko, Pierce."


"Yes, you can." Marahan niyang isinakay si Rhyme sa backseat ng kaniyang sasakyan bago nito isuot ang seatbelt niya. Naninigurong hindi niya magigising at maaabala ang tulog ng kaniyang anak. "I already asked Byron to let you leave early than your usual time."


"What? Why did you do that?" Nag martsa ako palapit sa kaniya pero napaatras rin nang isarado niya ang pintuan ng kaniyang sasakyan para harapin ako. "Hindi na nga ako nakapasok kahapon, pinag short leave mo pa ako? Tingin mo ba may sasahurin pa ko niyan?"


"Kung pera ang pinoproblema mo, I can provide for you and for Rai as his father." He fired back. "You've been supporting our child for years now on your own. This time, it's my turn so just let me do all the work."


"Hindi ko kailangan ng pera mo." Hindi ko maiwasang mairita. "Kailangan kong kumita hindi lang para kay Rai. Para rin sa sarili ko. Hindi mo ako kargo."


"Are we fighting over this again?" He frowned as he shot me a glance, warning me not to start an argument right now.


"Hindi ako nakikipag-away. Pinipilit mo na naman kasi ang gusto mo. Hindi na tayo tulad ng dati, Pierce." Mariin kong sabi.


"Bakit ba nagagalit ka?" His voice was stern now and like a growling lion ready to eat his prey. "I just want to provide not only for my son but as well as for his mother. Iyon lang, Suriel. Pati ba iyon ay bawal kong gawin? Gusto kong makabawi para mga taong wala ako sa tabi mo."


"Hindi mo kailangang bumawi dahil hindi naman ako nanghihingi ng kapalit." Pakikipagmatigasan ko.


"Oh, for fuck's sake, Suriel." He growled and sighed a deep breath, probably calming himself down. "Just please, listen to me. Alam kong galit ka pa rin sa akin dahil sa mga ginawa ko at hindi ko agad mababawi ang tiwala mo but please, just let me do this my way, alright?" His eyes softened as he returned them to me.


Hindi ko siya sinagot at nanatili lang na nakatitig sa kaniya.


Ang usapan naming dalawa ay para lang kay Rhyme. Kung bakit idinadamay niya na ako sa usapan at mga plano niya, iyon ang mga bagay na ayaw ko ng alamin pa. If he's doing this thinking that I could forgive him easily, he was wrong.


"Ano ba talagang gusto mong mangyari?" Sa wakas ay nagkaroon ulit ako ng lakas ng loob na mag salita. "Malinaw sa usapan nating dalawa, hindi ba? Na para kay Rhyme lang ang lahat ng ito. Bakit kung makaasta ka ay parang--"


"I was trying to win my son's mother's heart." He cut me off.


"What?" Nairita ako sa kaniyang sagot pero ang puso ko ay parang sirang makina na ano mang oras ay sasabog na.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon