16

194 4 0
                                    

Chapter 16: Leave


"Kailan natin sisimulan yung business plan? You have work, right? Ako na lang ang gagawa ng unang part."


Nahinto ako sa pagliligpit ng mga gamit at napalingon kay Leo. He's sitting next to me. Nasa waiting shed na kaming pareho dahil tapos na ang klase. Mas pinili naming mag usap rito para mauna kami sa mapapara naming taxi.


Ngumiti siya sa akin.


"Sigurado ka? Tutulungan na kita. You can come to my apartment or if I can, I will come to your place to help you with the plan. We can work on it together. Kaya ko naman maglaan ng oras."


"Well, that's a good idea. " he chuckled. "But, isn't that so tiring? Hindi ba iyon magiging hassle sayo? I mean, you're working inside the Casa Carreras. Umaga at gabi."


Ako naman ang natawa.


After days has passed, naging abala ako sa trabaho at pag-aaral. Lalong nadoble ang oras ko dahil sa business plan na pinapagawa sa amin ng professor namin sa Business Ethics.


We're working on it for days now and we already have arranged plans. Problema na lang ay kung sino sa aming dalawa ng unang part. Though I can help him with it. Ayaw ko namang hayaan lang siyang gumawa noon mag-isa dahil kaya ko namang tulungan siya.


Wala akong ibang kaibigan na lalaki sa klase maliban sa kaniya. 


Leo is a good guy. He's very kind to me kaya naging komportable akong kausap siya. 


"Leo, kaya kitang tulungan. Huwag mo akong alalahanin dahil kaya ko iyong isingit sa oras ko. May dalawang linggo pa naman tayo kaya matatapos natin agad yung PowerPoint." pangungumbinsi ko. "Kung gusto mo, magkita na lang ulit tayo bukas. We can start working on it tomorrow if you have time? Tutal ay Sabado naman. Day off ko."


"Oh, yes. Sure! tomorrow. I'm always free for you, I mean for the project." natawa siya at napakamot sa dulo ng ilong.


Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Hindi na siya ulit umimik matapos niyang sabihin sa akin na ite-text na lang niya ako kapag nakapag hanap na siya ng better place kung saan kami pwedeng tumambay para magawa iyong project namin.


"Ingat ka. See you tomorrow." kumaway ako may Leo nang makapag para na siya ng taxi.


Hindi niya kasi dala ngayon ang motor niya na madalas kong makita.


"You too." he smiled at me before waving his hand a little.


Pinanood ko siyang sumakay ng taxi hanggang sa makaalis na iyon sa harapan ko. Nawala lang ang ngiti sa labi ko nang mapaangat ang mga balikat ko dahil sa gulat nang biglang bumusina ang kasunod na sasakyan.


Kunot noo kong nilingon iyon pero agad rin umaliwalas ang mukha nang makita kong sasakyan ni Pieter iyon.


Agad na pinag tinginan ng mga estudyante ang sasakyan niya. Hindi na ako nagulat dahil laging ganito ang ganap sa tuwing mag pupunta siya rito para sunduin ako.


Ilang beses ko na sinabi sa kaniya na hindi naman niya ako kailangan sunduin dahil hindi niya ako responsibilidad pero mapilit siya.


Bumaba siya ng kaniyang mamahaling sasakyan kaya nakita ko agad ang mapuputi niyang ngipin dahil sa malawak niyang ngiti. He then removed his aviator before walking towards me.


"Hi, Riel!" bati niya nang makalapit.


Ngumiwi pa ako nang mag simula siyang kumaway sa mga babae na akala mo ay artista siya.


"Let's go?" kinuha niya sa akin ang bag ko na siyang ikinagulat at ikinakurap ng mga mata ko. "Do you want to eat something bago tayo dumiretso sa Casa Carreras?"

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon