39

259 2 1
                                    

Chapter 39: Silent


"Baby, it's still not safe to return to Manila," Pierce said as he continued to wipe his wet hair with the towel I just gave him. 


Umahon siya sa swimming pool kaya sinundan ko naman siya. Nasa tubig pa rin si Rhyme at naglalaro kasama ang Tito Pieter niya. Dumaan kasi sila rito kanina kasama si Yzrael at Leone pero nagpaiwan si Pieter dahil pinilit ni Rhyme. Hindi naman siya makatanggi sa bata.


"I know, Pierce. But it has been two weeks already since we arrived here, right?" Ngumuso ako, patuloy siyang sinusundan sa loob. "I think it's fine if we return to Manila? Kailangan ko talagang umuwi dahil birthday ni Thaira sa susunod na araw. I can't missed her special day."


"I understand you." Binalot niya ang tuwalya sa kaniyang balakang para maharap ako. Hinawakan niya ang aking mga bewang at hinapit ako palapit sa kaniya para mahalikan ang aking ilong. "But I can't risk your safety. Hindi pa rin ako kampanteng bumalik ng Manila. We didn't know what Ylena's planning to do next. You already know why, right?" Ngumiti siya sa akin, pilit na ipinapaintindi sa akin ang sitwasyon.


Ngumuso ulit ako. Ibinalita niya agad sa akin na may kinalaman nga si Ylena sa gulong nangyari sa resort noong gabing iyon at ang pagsabog ng helicopter ma sasakyan dapat ni Pierce. Nalaman nila ng lahat ng iyon dahil sa nahuli nilang tauhan na ipinadala ni Ylena.


They want to file a case against her but when they arrived at her house, wala na siya roon. Ang sabi ng katulong niya ay nagmamadali raw umalis si Ylena at hindi na alam kung saan ito nagtungo. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya ng mga tauhan ni Pierce at Yzrael.


Mukhang malaki nga talaga ang galit niya sa akin dahil nakompirma nila doon sa tauhan niya na ako talaga ang habol niya. She wants to take me away from Pierce. Because she hates seeing us together. Because she wants herself to be on my place. To make Pierce love her back.


She was desperate. Nabulag na siya sa pagmamahal na sinasabi at pinapaniwalaan niya kaya hindi na niya nakikita ang mga maling bagay na ginagawa niya.


Nakipag negosasyon na rin sila sa mga pulis para mapadali ang paghahanap nila kay Ylena. Ngayong kalat na ang kaso niya, malamang ay hindi agad siya magpagpakita at makakalabas ng basta-basta.


"Pierce, Ylena has been marked as a wanted suspect. Patong-patong ang kaso niya. Hindi agad siya makakalabas sa kung saan man siya nagtatago kung alam niyang hinahanap na siya ng mga tauhan mo at ng mga pulis para hulihin siya. I guess she can't make a move recklessly, right?" 


"We can't still let our guards down." Hinawakan niya ang aking kamay. "Please, understand me, Suriel. I was just doing all of this dahil ayokong malagay ka sa panganib. Ayokong pati ang anak natin ay madamay sa gulo. Don't be stubborn."


"Naiintindihan ko naman, Pierce, eh." Matipid akong ngumiti. "I know how complicated our situation right now and how dangerous it was to go outside while being targeted by someone. Mabigat rin sa loob ko na gumising sa araw-araw dahil alam kong may panganib na nakaabang sa akin at naghahanap lang ng tamang panahon para malapitan ko. And I understand too that you were just doing this to protect me and Rhyme. Pero dalawang linggo na akong walang koneksyon sa mga kaibigan ko sa Maynila. Nag-aalala na rin ako sa kanila at nangungulila."


Hindi siya sumagot at nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Pinapakinggan ang bawat salitang lalabas sa aking bibig habang ang mga daliri niya ay hinahaplos na ang aking bewang.


"Please, just let me visit them even just for one or two day. Pangako, hindi ako aalis sa tabi mo para hindi ka mag-alala." Hinuli ko ang mga kamay niya upang mahawakan ang mga ito. "Please, Pierce? I promise you, I will be safe. Nothing bad will happen to me. I assure you that."

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon