Chapter 29: Shattered
I wiped the tears away from my cheeks before someone could even see me crying weirdly like a hopeless pathetic.
Matapos ang nangyari ay hindi na ako ulit pa bumalik sa kanilang lamesa o sulyapan man lang sila.
I forced myself to work well as if nothing happened dahil marami akong haharaping mga tao. Kahit na sumisikip ang dibdib ko sa sakit at sama ng loob ay pinuwersa ko ang sarili kong magtrabaho nang maayos.
Right after the conference ended and some photoshoots and the awarding, I excused myself to them to return to the staff room para makapag palit na ng binaon kong damit at para na rin maiwasan ko ang mga taong gusto kong maiwasan.
Baka magkagulo na naman kung hindi pa ako gagawa ng paraan para makaiwas.
"Riel! Where do you off to?" huminto ako sa paglalakad nang habulin ako ni Pascual.
"Staff room. Magpapalit lang ng damit." pilit akong ngumiti.
"Samahan na kitang bumaba. Lalabas rin ako para makipagkita sa kliyente." aniya at hinawakan ang aking bewang.
Hindi na ako umangal pa at tumango na lang sa kaniya. We waited in front of the elevator and when the doors finally opened, we went inside. I let him press the ground floor button since he was near the buttons.
Huminga ako ng malalim para kumalma dahil sa pinaghalong emusyon sa aking puso at sinabayan pa ng pagod sa trabaho. Sasarado na sana ang pinto pero bumukas ulit ito nang may humarang na kamay sa pagitan nito.
I lifted up my head to see who it was but when I met Pierce's eyes, my body stiffened. I suddenly felt the urge to step out of the elevator and let him take the ride first pero dahil kami ang nauna rito, hindi ako nag patinag.
Halatang gulat rin siya nang ako ang makita niya sa loob tulad ko pero hindi rin siya nagpatinag. Talagang tumuloy pa siya sa loob ng elevator pagkatapos niyang sulyapan si Pascual sa aking tabi. Tsaka niya pinindot ang button na pinindot rin ni Pascual kanina.
Mukhang nakahalata agad si Pascual kaya hinapit niya ang aking bewang para makatayo kaming dalawa sa may unahan, right in front of the door while Pierce walked past by us to stand from behind. I feel uncomfortable because of his presence pero nang tuluyan nang sumarado ang elevator ay wala na akong nagawa pa.
"You okay?" I felt Pascual's hot breath when he whispered that to my ear, sapat lang para kaming dalawa lang ang magkarinigan.
His strong and veiny arm remained resting on my waist, stroking his thumb against the fabric of my dress.
Bahagya ko siyang nilingon. Nang nagtama ang paningin naming dalawa ay ngumiti ako at tumango, sinasabing ayos lang ako at hindi na niya kailangan pang mag-alala kahit na ang totoo ay parang bibigay na ang puso ko dahil sa presensya ng lalaki na nasa aming likuran.
Tumaas ang kilay niya na para bang hindi pa siya naniniwala sa akin. Ngumuso ako at mabilis na nag iwas ng tingin dahilan para bahagya siyang matawa.
"Soll ich etwas tun, um ihn zu verärgern, Schatz? Nur eine kleine Rache, wissen Sie." he spoke using his native language, chuckling.
Kinunutan ko agad siya ng noo nang maalarma ako sa kaniyang sinabi. Palihim ko siyang siniko, sinasabing huwag na niyang ituloy pa ang kung ano mang binabalak niya pero nginisian niya lang ako.
BINABASA MO ANG
Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)
RomantizmSuriel Amethyst Villarreal was just a child when her parents tragically died in a car crash. After that nightmare incident, her aunt, her mother's sister, took her in, but as she expected, her life has not become easy instead become more miserable...