02

363 7 0
                                    

Chapter 02: "Fall today, Rise tomorrow"


"Oh my god! What happened to your hand!?"


Lumapit agad sa akin si Thaira nang maabutan ko siya sa lobby. Kakatapos ko lang mag linis sa kwarto ni Sir Pierce kaya nag paalam na ako sa kaniya at nag pasalamat na rin dahil sa panggagamot niya sa sugat ko kahit na hindi naman niya iyon talaga dapat pang gawin.


Ayaw niya na sanang ituloy ko ang pag lilinis kanina pero hindi ako nag patalo dahil ayoko namang hindi tapusin ang trabahong ibinigay sa akin.


Napatingin ako sa palad ko nang maigilid ko ang cart na dala ko.


"Nasugatan lang. Nabasag ko kasi yung vase ni Sir Pierce sa opisina niya kanina." wala sa sariling paliwanag ko.


"Ano!? Nakabasag ka?" mas lalo siyang lumapit sa akin kaya nabalik ang paningin ko sa kaniya. "P-Pinagalitan ka ba? Sinigawan ka? Ano? Ayos ka lang?" sunod-sunod niyang tanong.


"Hindi." umiling ako. "Hindi siya nagalit. Hindi niya rin ako sinigawan." sagot ko.


Sandali akong natahimik nang maalala ang nag aalalang mukha ng lalaking iyon kanina habang marahan at maingat na ginagamot ang mga sugat sa aking kamay.


"Hindi? Paanong hindi? Eh, nung ako ang pumasok sa opisina niya at nasagi ko lang naman ang trashcan niya ay sinigawan na agad ako." nakanguso niyang reklamo.


Hindi agad ako nakapag react dahil sa nalaman at na natiling nakatitig sa kaniya. Mayamaya ay natigilan rin siya at nanlalaki ang mga mata na parang may pumasok na kung ano sa isip niya.


"Oh my god, girl." ngumisi siya.


"Bakit?" kumunot ang noo ko.


"Paano kung... ikaw na pala ang sunod niyang target?" nakangisi niyang bulong.


Natigilan ako.


"Tumigil ka nga. Mag trabaho na lang tayo." umirap ako kaya natawa siya pero ang sinabi niya ay bumagabag sa akin.


Mabuti na lang ay hindi naman na niya sinundan ulit ang pang-aasar niya kaya natahimik na ako pero hindi na nawala sa isip ko ang isiping iyon.


Pilit kong inalis sa isipan ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin at nag patuloy na lang sa pag tatrabaho. Pagod ako kinatanghalian dahil sa ilang kwartong nilinis ko nang walang pahingahan.


Mahirap pala ang trabaho sa hotel pero siguro naman ay kakayanin ko dahil parang ganito lang rin ang ginagawa ko noon sa Nueva Ecija.


Sabay kaming nag punta ni Thaira sa staffs room kung saan raw kumakain ang mga empleyadong tapos na ang trabaho para makakain at makapag pahinga. Sabay na rin kaming pumila para kumuha ng pagkain.


Mukhang mamahalin at masasarap ang mga nakahandang pagkain doon at paniguradong mabubusog ka dahil sa isang plato pa lang ay iba't ibang uri na ng pagkain ang inihahain sayo.


Nang makakuha kami ng pagkain at inumin ay humanap na kami ng upuan. Panay ang kwento niya tungkol sa buhay niya kaya hindi ako nagsasalita dahil abala akong nakikinig sa kaniya habang nakangiti.


The way she explained every details of her experiences, she looks so happy and contented with her life. Hindi ko maiwasang mainggit sa kaniya pero hindi ko iyon ipinahalata.


Natapos kaming kumain ay patuloy pa rin siya sa pagkukwento niya. Minsan ay sabay pa kaming matatawang dalawa kapag may mababanggit siyang nakakatawa at nakakahiyang pangyayari sa buhay niya.


Niyaya niya rin akong mag kwento tungkol sa buhay ko pero tumanggi ako dahil wala naman akong makukwento sa kaniya. Wala rin namang magandang nangyari sa buhay ko.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon