40

277 6 1
                                    

Chapter 40: Trapped


Warning: This chapter contains harassment, rape attempts, abuse, and, a death that might trigger the readers. However, the author does not encourage or promote (Not normalizing) any of the actions or behaviors of the characters that will be mentioned and are only fictional. Please read at your own risk.

__________________________________________________________________________________


Three days.


Laying on a cold, dark room floor for three days. Three days without food. Three days in cuffs. I was bound tightly in a rope that was tough to unravel across my ankles and wrists. 


I wanted to scream for help so desperately but except for my dehydrated throat and dried lips, almost about to rip, my mouth was sealed shut. Preventing me from saying anything to expose myself as a hostage here.


A space without windows where light from the outside cannot pass through. It was very difficult for me to even tell if it was already morning or nighttime. Tahimik at wala akong ibang makita kundi kadiliman. Walang hangin kaya madalas akong papakin ng mga lamok.


Magulo ang buhok ko at kakagaling lang sa tahimik na pag-iyak habang hinahayaang maamoy ang sariling dugo mula sa mga pananakit na natamo ko habang nakagapos at nakahilata rito. Namumugto at pagod na ang mga mata ko dahil sa walang hintong pag iyak. My breath were getting slower and slower.


Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Ylena. Hindi rin siya nagagawi sa kwarto kung saan nila ako ikinulong. Ang madalas na nagdadala ng tubig sa akin rito ay ang isa sa mga tauhan niya.


Tatlong araw na ako rito pero hindi pa ako nakakatayo. Hindi nakakaupo. Wala pa ring dumarating para matulungan ako. Gutom na gutom na ako. Pagod na pagod na ako.


Ilang panghahagupit ba ang naranasan ko sa loob ng tatlong araw na pananatili ko rito? Hindi ko na mabilang. Paso ng sigarilyo. Hampas ng latigo sa aking likod. Pasa galing sa pambubugbog. Touching my body with their dirty hands if they please. At lahat ng iyon, utos sa kanila ni Ylena.


Hindi ko maiwasang mandiri sa aking sarili. Wala akong magawa. Wala akong laban. Kundi ang hayaan silang tratuhin ako na parang isang ligaw na hayop.


I want to see Rhyme. I want to see Pierce. I want to see everyone. I wanna go home.


Gusto ko nang umuwi.


Tahimik na umulo ang luha sa gilid ng aking mga mata habang nakatulala sa madilim na bahagi ng kwartong kinaroroonan ko. Gusto kong gumalaw pero hindi ko magawa. Maliban sa nakatali ang aking mga kamay at paa, masyado pang masakit ang iba't ibang parte ng aking katawan dahil sa iba't ibang klase ng pambubugbog na naranasan ko sa loob ng tatlong araw na pananatili ko rito. Masyado na akong nanghihina. Bawat parte ng aking katawan ay makikitaan ng galos at pasa.


Hanggang kailan ako maghihirap rito? Hanggang kailan ako... Mananatili rito?


Hindi ko na kaya, Pierce...


Nasaan ka na? 


Kailangan kita...


Naipikit ko ang aking mga mata nang masilaw ako sa sumilip na liwanag mula sa bumukas na pintuan ng aking kwarto. Binuhay ang ilaw kaya tuluyan akong napaingit sa sakit na idinulot nito sa aking mga mata.


Marahan kong binuksan ang aking mga mata, pinanood ang pagpasok ng isang lalaki na may dalang tray na may lamang tubig at tinapay. Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob dahil puro tubig lang ang ibinibigay nila sa akin rito. Nanghihina na ako sa gutom.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon