Chapter 01: Beast
Maaga akong nagising kinaumagahan dahil maaga rin ang pasok ko sa trabaho lalo na at first day ko pa. Hindi ako pwedeng mahuli.
Maaga ang pasok ko at ang oras daw ng out ko ay 12 noon. Babalik ako ng resort ng 5pm hanggang 11pm. Tinanggap ko na ang schedule dahil kailangan ko rin pumasok kapag balik eskwela na.
Kumbaga papasok ako sa umaga ng trabaho, papasok ng iskwela sa tanghali at sa hapon ay babalik ulit sa trabaho.
Mabuti na lang nakahanap agad ako ng apartment na pwede kong matuluyan. Mura lang ang inalok sa akin na renta at malapit rin ito sa papasukan kong trabaho kaya paniguradong makakatipid ako sa pamasahe.
Isang kwarto sa ikalawang palapag at terrace. Banyo naman sa ibaba at maliit na kusina ang makikita sa loob ng apartment na nakuha ko. Mag isa lang naman ako kaya sapat na iyon sa akin. Hindi ko naman kailangan ng malaking bahay na matutuluyan.
Nag text rin ako kagabi kay Carlos at Daisy pati kay Tiyo Manuel na natanggap agad ako sa trabaho at nakakuha na rin ako ng matutuluyan gamit ang telepono kong medyo basag at nag loloko na pero nagagamit pa naman kaya pwede ko pang pag tiyagaan. Hindi pa kasi sapat ang ipon ko para makabili ng bago.
Siguro sa unang sweldo ko, ang una kong gagawin ay makabayad ng renta at makabili ng bagong selpon. Isisingit ko na rin ang mga bagong damit na kakailanganin ko.
Dahil mamaya ko pa makukuha ang uniform ko ay nag suot muna ako ng plain white t-shirt at maong pants. Ganoon pa rin ang sapatos na isinuot ko dahil nag iisa lang naman iyon.
Matapos kong makapag kape at makakain ng tinapay na binili ko kahapon ay inihanda ko na agad ang bag na dadalhin ko. Inilagay ko lang doon ang mga gamit na kakailanganin ko sa trabaho.
Nag abang lang ako ng jeep sa labas ng gate ng apartment na tinutuluyan ko. Tahimik pa ang paligid at wala pa akong nakikitang mga kapit bahay sa labas. Siguro dahil umaga pa lang naman.
Nakasakay rin naman ako sa unang jeep na pinara ko. Dadaan naman raw iyon sa hotel na papasukan ko kaya sumabay na ako. Otso pesos lang ang pamasahe kada tao. Mabuti na lang pala ay may natirang barya sa wallet ko kaya iyon na ang ibinayad ko.
Walang traffic kaya mabilis ang usad ng mga sasakyan kaya nakarating rin agad ako sa pupuntahan ko. Mukhang nakikilala naman ako nung guard kaya pinapasok na ako.
Ang manager na kumausap sa akin kahapon na si Mrs. Alvarez ang sumalubong sa akin ng nakangiti.
"Magandang umaga po, Mrs. Alvarez." nakangiting bati ko sa kaniya.
"Magandang umaga rin, Suriel." ngumiti siya. "Sumunod ka sa akin, nakahanda na ang uniform mo. Para na rin maituro ko sayo kung paano ang tamang pag suot ng uniporme natin at para maipaliwanag ko na rin sayo ang iilang rules and regulations rito."
Tumango lang ulit ako sa kaniya at sumunod na lang. Hindi ko pinapansin ang tinginan ilang trabahador sa akin at nag patuloy lang sa paglalakad hanggang sa marating namin ang staff's room kung saan makikita ang mga locker.
"Dito nag bibihis ang mga empleyadong namamasukan rito, Suriel. Ito ang magiging locker mo. Dito mo iiwanan lahat ng gamit at pamalit mong damit." itinuro niya sa akin ang isang locker na naka lock.
Tinanggap ko ang susi na mukhang para doon sa locker nang iabot niya iyon sa akin bago ako mag pasalamat.
"Buksan mo. Nasa loob na rin ang uniform na gagamitin mo. Isa lang ang pwedeng ibigay na extra sa inyo kaya ikaw na ang bahala kung paano mo magagamit ang dalawang iyan mula Lunes hanggang Sabado." paliwanag niya ulit.
BINABASA MO ANG
Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)
RomanceSuriel Amethyst Villarreal was just a child when her parents tragically died in a car crash. After that nightmare incident, her aunt, her mother's sister, took her in, but as she expected, her life has not become easy instead become more miserable...