15

219 4 0
                                    

Chapter 15: Trapped


Nang makarating kami sa Maynila ay tanghali na. Hindi na nga ako nakaabot sa klase ko kaya imbis na sayangin ang oras ko ay dumiretso na rin ako sa Hotel para makapag trabaho kahit papaano.


Nag hiwalay kami ni Pierce sa apartment ko. Nauna kasi siyang bumalik ng resort. Nang makapag bihis at maitabi ko ang mga gamit ko ay sumunod naman ako.


Naiintindihan naman niya kung bakit hindi kami pwedeng mag sabay. Ayokong may masabi ang mga taong makakakita sa aming dalawa. Handa akong bigyan siya ng pagkakataon pero hindi pa ako handa sa masasabi sa amin ng ibang tao.


"Pasensya na po talaga, Mrs. Alvarez. Mag o-overtime na lang po ako ngayon para makabawi." paumanhin ko nang maharap ang manager na nasa reception desk.


Mabuti na lang ay hindi siya nagalit at naiintindihan naman niya ang rason ko. Hindi niya alam kung saan ako galing at kung sino ang kasama ko pero hindi na siya nagtanong. Mas mabuti na rin siguro iyon dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kung sakaling mag tanong nga siya.


Nasa trabaho pa si Thaira nang hanapin ko siya kaya nag punta na ako sa locker room para makapag bihis ng uniform.


"Suriel!"


Saktong matapos kong makapag ayos ay halos mapatalon ako sa gulat at napaharap sa pintuan nang bigla iyong bumukas. Bumungad sa akin si Thaira na nakangisi at ang sigla ng mukha.


Wala kaming ibang kasama sa locker room kaya nang maisarado niya ang pintuan ay agad niyang hinila ang upuan para makaupo sa harapan ko.


"Anong nangyari sa inyo sa Iloilo?" tanong niya, nang-aasar. "Alam mo? Nagulat talaga ako nung nalaman kong magkasama kayong dalawa ni Sir Pierce. Hindi ko inaasahan na may... namamagitan pala sa inyong dalawa? I thought you hate him because he's a... you know... jerk." nagkibit balikat siya.


Napalunok ako.


"Sorry. Hindi ko rin inaasahan na mahuhulog ako sa patibong niya." nag iwas ako ng tingin.


"Ano ka ba! You don't have to say sorry!" humalakhak siya. "If this makes you happy, go for it. I'll support you. Susuportahan ko kung ano mang relasyon mo kay Sir Pierce pero sa oras na malaman kong sinaktan ka niya at pinaiyak, baka makalimutan kong boss ko siya at masuntok ko ang pagmumukha niya."


Ngumuso ako para mag pigil ng ngiti.


"Tell me everything without cutting a small details!" hinawakan niya ang mga kamay ko.


Natawa ako bago siya tanguan. Tulad nga ng gusto niyang mangyari, ikinuwento ko sa kaniya ang lahat. Maski kung paano nag-iiba ang kilos ni Pierce sa tuwing ako ang kasama niya. Pati na rin ang nangyari sa Iloilo at Nueva Ecija. Pati iyong sa eroplano kanina.


May tiwala ako kay Thaira at dahil kaibigan ko siya na malaki rin ang tiwala sa akin, ayaw kong mag tago ng sekreto sa kaniya.


"Holy shit. That Pierce Emmanuel Carreras, is in love with you?" nakangisi ngunit hindi makapaniwala niyang tanong.


Naiintindihan ko ang reaksyon niya dahil maski ako ay hindi rin makapaniwala.


"Hindi ko alam kung paano niya ako nagustuhan sa loob lang ng maikling panahon." ngumiwi ako.


Hindi rin ako makapaniwala dahil sa loob lang rin ng maiksing panahon na iyon ay parang nahuhulog na rin ang loob ko sa kaniya.


"Girl! That's what you call, love at first sight! Baka naman, noong unang kita niya pa lang sayo ay nabihag mo na ang puso niya." bahagya niyang sinundot ang tagiliran ko.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon