30

297 4 0
                                    

Chapter 30: Child


I feel so weak. I felt like I was in a small dark room and it was suffocating me. I could feel my heart throbbing and my hands shaking badly but after a few minutes of staying silent to calm myself down, nagawa kong tawagan si Thaira.


Ayoko man siyang abalahin at pag-alalahin, wala na akong ibang matatawagan pa at malalapitan na may alam sa nangyayari sa aming dalawa ni Pierce simula pa noon hanggang ngayon.


"Thaira." Humihikbi kong tinawag ang pangalan niya. Siya lang ang matatakbuhan ko pagdating sa sitwasyon ko.


[See? I warned you not to come there. Now you're crying. What did he do to you? Pushed you away? Kicked you out of his place? Hindi ka kasi nakikinig! Sinabihan na kita pero nagpumilit ka pa ring pumunta sa walang hiyang iyon!] galit niyang bungad nang marinig ang hikbi ko.


Mas lalo akong naiyak pero huli na ang lahat para magsisi. Kung alam ko lang na sa ganitong sitwasyon mauuwi ang lahat ay sana hindi na ako roon tumuloy pa. Pero ayoko rin namang hayaan na mabalewala ang mga pinaghirapan nila nang dahil lang sa akin.


"Thaira... si P-Pierce..." I sobbed. "A-Alam na niya ang tungkol kay Rai." pag amin ko.


[He's fucking what!?] she yelled. [What do you mean? How did that happen? Anong nalaman niya at paano niya nalaman?] gulat, galit at puno ng pag-aalala niyang tanong.


Sandali akong natahimik para kumuha ng bagong hininga at pagkatapos ay naupo sa dulo ng aking kama para muling makapag-salita.


"It was an accident. it happened so fast... I-I don't know." umiling ako habang humihikbi, pilit na pinoproseso sa aking utak ang mga nangyari. "Nagkakagulo kami and Pieter snapped. Aksidente niyang nasabi kay Pierce ang tungkol sa anak naming dalawa but I'm not blaming anyone for what happened... ang inaalala ko lang, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat. I-I run away when Pierce tried to followed me. N-Natakot ako, Thaira."


[Oh my god, Suriel.] She sighed aggressively, stressed about what I just told her.


Napahawak ako sa akong noo, patuloy sa paghikbi, hindi na malaman kung ano pa ba ang dapat kong gawin. Masyadong magulo ang isip ko dahil sa mga nangyari.


"Huwag mo munang iuuwi rito yung bata. Ako ang babalik diyan." nagpabalik balik ako sa paglalakad habang nanginginig ang aking mga daliri.


[Okay, breathe. Calm down first.] Aniya sa kalmadong boses. [Suriel, hind isa kinakampihan ko ang gagong 'yon but we both know him and his connections. His power as a Carreras. Now that you give him an idea about his son, Rhyme, I don't think he would give up on asking for your answer just to make his mind clear again.]


Mariin akong napapikit sa narinig at muling humikbi. "Ano nang gagawin ko, Thaira? Hindi ko na alam."


[Think. Huwag kang basta mag desisyon nang sarado at magulo ang utak mo dahil baka pagsisihan mo lang. Don't go anywhere, I'm on my way. I'll make sure Pierce won't see me and your son.] sabi niya bago pinutol ang linya.


Napaupo ako sad ulo ng aking kama at itinakip ang mga palad sa aking mukha, sinusubukang kalmahin ang aking sarili dahil tama siya. Magulo ang isip ko ngayon and I am being stupid paranoid. Hindi ako makapag-isip nang tama. I have to calm down before I decide or else, I'll regret everything. Ayokong madagdagan pa ang mga isipin ko.


I waited in my unit calmly and silently but when I heard my door open, I stood up and put the glass down on the table.


"Mommy!" Rhyme ran towards me wearing a cap and jacket after Thaira put him down on the floor.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon