04

339 7 0
                                    

Chapter 04: Insult


"Riel!"


Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang marinig mo ang boses ni Thaira sa labas ng locker room.


Hindi ako sumagot. Narinig ko na lang ang pag bukas ng pintuan. Mayamaya lang rin ay may humawak na sa palapulsunan ko at pwersa akong iniharap.


Ang nag-aalalang mukha ni Pieter ang unang bumungad sa akin. Kasunod niya si Thaira na tulad niya ay nag-aalala rin akin.


"Riel, I'm really sorry. Sorry kung dahil sa akin napagalitan at napahiya ka pa ni Mr. President." namumuo na rin ang luha sa mga mata niya nang lapitan niya ako.


Binitawan lang ako ni Pieter para mahayaan si Thaira na mayakap ako.


"Wala kang kasalanan, Thaira. Ako naman talaga ang nakasira nung cake. Nagulo ko ang party niya."


"I'm sorry about Pierce attitude, Riel. I'll talk to him later." pag singit ni Pierce kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.


"Hindi na kailangan. I almost put you in trouble. Besides, he's right after all." I'm a failure and I always disappoint the people around me.


"It's not fine, Suriel. Sobra ang ginawa niyang pagpapahiya sayo. Pwede namang pag usapan iyon ng masinsinan pero pinili niyang ipahiya ka sa harap ng maraming tao." dismiyado na umiling si Pieter, hindi makapaniwala sa nangyari.


"Bumalik na kayo sa venue. Uuwi na ako. Kakausapin ko na lang si Mrs. Alvarez. H-Hindi ko pa kayang harapin ang mga tao matapos nung nangyari kanina." nag iwas ako ng tingin.


"Thaira! Suriel!"


Sabay kaming tatlo na napalingon sa pintuan nang pumasok doon si Mrs. Alvarez.


"Thaira, pinapatawag ka ni Mr. President sa kaniyang opisina. He wants to talk to you at sinabi niya na sisisantehen ka niya sa trabaho." malungkot niyang sabi.


Narinig ko agad ang mura ni Pierce. Ang kaninang sakit na nararamdaman ko ay napalitan naman ng galit.


Hindi naman yata tama iyon na ako ang nakagulo sa party niya pero si Thaira ang tatanggalan niya ng trabaho?!


"I understand, Mrs. Alvarez--"


"No. You're not going anywhere, Thaira. Stay there. I'll be back."


Huminga ako ng malalim at lakas loob na lumabas ng locker room. Narinig ko pa ang boses ni Thaira sa likuran ko, senyales na nakasunod siya sa akin.


Hindi ako umimik at nag patuloy lang sa paglalakad. Hindi ko pa magamit ang elevator dahil may mga sakay pa ito at nasa pinakamataas na palapag pa ng hotel kaya ginamit ko ang hagdan. Nag dire diretso ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang opisina niya sa second floor.


Likod niya agad ang bumungad sa akin nang mabuksan ko ang pintuan ng kaniyang opisina. Nakatayo siya at nakaharap sa malaking bintana. Ang isa niyang kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa habang ang isa pa ay abala sa baso ng alak.


Nilingon niya ang gawi ko. Nahinto siya sa pag inom nang makita ako ngayon sa harapan niya.


Hindi ako nag patinag. Sinalubong ko ang malamig at matalim niyang tingin.


"I ruined your party kaya ako dapat ang sinisesante mo." lakas loob kong sabi.


Wala na akong pakealam kung hindi niya magustuhan ang tono ng pananalita ko.


"Riel..." bulong ni Thaira, sinusubukan akong pigilan pero hindi ko rin siya pinansin.


"Is this how you talk to your boss?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Trapped In His Paradise (Casa Carreras Series #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon