Chapter 2

1K 27 0
                                    

"OA mo naman." Reklamo ni Angel. "Na traffic lang saglit saka nagpakuha pa itong si Uzel at Kelah."

"Parang ang layo niyo naman! e nasa malapit na kalye lang naman mga dorm niyo!" Parinig ko pero mukhang hindi narinig ni Uzel dahil abala siyang tumitingin sa gwapong barista doon sa counter.

"Shit" Komento ni Uzel. "Gwapings yung barista." Puna niya.

Bumuntong hininga ako. Nakita ko na yan kanina. Hindi ko type. Sabay silang tumingin sa baristang gumagawa ng iba't-ibang inumin doon sa counter. 

"Pusta tayo!" Simula ni Angel.

Ito na naman. Ganito kami pag may makikitang pogi si Uzel. We would make a bet on what would be the poging guy's relationship status would be. Mga wala talagang magawa sa buhay! Pinagpupustahan yung buhay pag-ibig ng tao.

"Ang matatalo siya magbabayad sa lahat ng drinks!" Banggit Kelah. 

Naku, sobrang dami ba naman ng naubos kong kape kakahintay sakanila.

"Go!"

Syempre, the loser will make libre to all of us who joined the bet.

Umayos ng upo si Angel saka tinignang mabuti yung barista "May girlfriend na yan! Taken alert!"

"Ay No! One hundred percent, not into commitments si kuya. I think flings lang meron niyan. Sureball ako!" Komento ni Kelah.

"Ang tanda na nang mukha niyan. Mukhang may asawa at tatlong anak na." Sabi ni Jam na ikinagulat naming lahat.

"Grabe naman."

"Hindi naman yata. Mga ganyang mukha mga walang balak magseryoso sa buhay yan e." Pahabol ni Kelah.

"Salamat nalang sa lahat." Natatawang saad ko.

Sabay sabay kaming nagreklamo pagkatapos sabihin ni Jam yon.

"Don't underestimate the things that I can feel," Ayon, at sumagot na si Uzel.

"And I feel like Single pa yan!" Ani niya.

Sabay kaming natawa lahat

"Yan ang dahilan kung bakit ka nasasaktan eh." Marangal na sabi ni Jam. "May asawa na yan." Ulit niya saka umiling pa.

Tumayo si Uzel. Inayos niya pa ang damit niya'ng nakaayos na naman.

Wow, hindi nagpapatalo.

"Ipaubaya niyo na sa akin ang lahat." Confident niyang sabi. "Ako nang bahala dito." Binigyan niya kami ng thumbs up at kinindatan niya si Jam.

Sinundan namin ang bawat kilos ni Uzel dahil baka may gagawin na naman siyang milagro dito. Public place pa naman. Sayang scholarship niya kung gumawa siya ng gulo dito. Naglakad siya deritso sa counter. Ngumiti siya sa barista at nagpakilala, tumawa pa nga ito pagkatapos makipaghand shake.

"Ang landi!" Wika ko.

"Mga kaibigan uuwi na po ako" Disappointed na sabi ni Angel pagkatapos makita ang ginawa ni Uzel.

"Hindi kita pinalaking ganyan Uzel." Bulong ni Kelah.

Walang nasabi si Jam at bumuntong hininga na lamang.

''Ayan, bumalik na.'' Pahayag ko.

''Ang lowkey niya!!'' Unang sabi ni Uzel pagkatapos makipagkilala sa lalaki.

''Lowkey may asawa at dalawang anak na?'' Tanong ni Jam.

''Tanga hindi!'' Depensa niya. ''Lowkey redflag! Hmp!'' Pinaypayan ni Uzel yung Mukha niya. "Ayaw sabihin age niya tapos--" Inikot ni Uzel ang mga mata niya. Nawawalan na ng gana sumagot.

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now