Chapter 8

549 16 0
                                    

Matapos ang munting pag-uusap namin magkakaibigan ay umuwi na kami kaagad. Kami na yata ang pinakamatagal na costumer na tumambay 'doon.

Nang naka-uwi na ako, nakita kong nagdidilig si Mama ng mga halaman habang may katawag siya sa telepono. Nagkatinginan muna kami saglit at may sinabi pa siya bago tinapos ang tawag. Seryoso siyang lumakad patungo sakin at huminto ng ilang agawat sa harapan ko.

''Kumain ka na?'' Tanong niya. ''Kung hindi pa may niluto naman ako.'' Alok niya.

Tumango ako and nagpasyang pumunta na sa loob. ''Hindi pa ako kumain.'' Sagot ko sa tanong niya.

Tumango siya at bumalik na sa pagdidilig

Nang pumunta ako sa kusina ay naamoy ko na agad yung niluto niyang menudo. Kinain ko naman yun at naglinis din kalaunan.

The night came. Hinanda ko ang sarili ko dahil sasabihin ko na kay Mama ang plano ko, may karapatan naman siyang malaman ang mga plano ko pero kung sasalungat man siya, ay tumatawid na siya sa kanyang limitasyon

Tiningnan ko siya mula sa loob, wala na siyang katawag galing sa telepono. She is gracefully and peacefully watering the plants.

Lumabas ako. Nang pupunta na sana ako sa gawi niya, ay dito ko pa lang napansin na nagtanim pala siya ng mga bagong bulaklak kanina. She tranferred our old plants somewhere at nilagay niya naman ang mga bago sa harap ng bintana. 

Nakita niya akong tumitingin sa mga bulaklak na bagong tanim kaya siya na lamang ang nagpasyang pumunta sa kinaroonan ko.

''Nagustuhan mo?'' Tanong niya na nakangiti.

Tumango ako at ipinakita sakanyang nagustuhan ko nga. Truth be told, maganda naman talaga. Mas malinis tingnan kesa sa mga bulaklak na binili niya noong nakaraan.

Makalipas ang ilang oras ay napansin na niya na may gusto akong sabihin. Naging tahimik kami ng ilang sandali.

Tumaas ang kilay niya at ipinahihiwatig kung ano ang gusto kong sabihin.

Suminghap ako at hinanda ang sarili.

''Diba next week na ang semestral break? Sa semestral break na po ako magpapa-abort,'' Pagsabi ko sa plano. ''Kung ano man yang balak mo para pigilan ako sa gagawin ko ay wag mo na 'pong subukan, malinaw na ang desisyon ko.'' Matigas kong sabi.

Bumuntong hininga siya at tinignan ako ng seryoso. May kunting galit, pigil at balisa ang ekspresyon. Mas lalong kumunot ang noo niya nang sabihin ko yun.

Hinintay ko kung ano man ang sagot o mga sasabihin niya pero pagkaraan ng ilang minuto ay hindi parin siya nagsasalita

Natakot ako dun. Ilang minuto na siyang tahimik at alam kong iniisip na niya kung anong gagawin sakin. Nakita kong nagpipigil siya ng sasabihin kagaya ng pagpigil ng galit sa kanyang loob-loob.

"Sigurado ka na ba talaga diyan?" 

Tumango ako. Yes. Siguradong-sigurado ako.

Bumuntong hininga na naman siya... 

"I tried... I tried, okay?"

"Ma..."

''Ginawa ko ang lahat para intindihin ka sa mga nakalipas na araw Rehl pero... pero hindi ko parin maintindihan kung bakit ganyan mo nalang kadali bitawan yang bata.'' Sawakas ay nagsalita na siya pero may diin at control ang pagkasabi niya lalo na sa huling salita.

Lumunok ako. Ang paraan ng pagcontrol niya sa kanyang galit ay para bang pagsisihan ko kung ito ay sumabog.

''Ni hindi ko man lang kilala ang ama ng dinadala mo! Sana pinakilala mo muna sakin bago mo sabihing buntis ka!'' Sigaw niya. Pagod siyang bumuntong hinga at nababahalang tumingin sakin. ''Kung gusto mong magpa-abort sa susunod na linggo ay ipakilala mo na ang tatay niyang dinadala mo saakin ngayon!'' Utos niya sa isang awtoridad na boses.

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now