Chapter 12

464 11 0
                                    


Nang matapos na kaming mag arrange ng mga gamit sa room ay napagpasyahan naming gumala at mag enjoy muna ng scenery sa labas

Sa bandang left side ng beach ay doon gaganapin ang party. May mga string lights na nakapalibot at siguradong maraming bisita dahil maraming mga wooden table at chairs na nakalagay doon. May nakita pa nga akong staff na nagseset-up pa ng mga tables kahit madami-dami na naman ang mga ito.

Sa right side naman ng beach ay dito muna kami nagpapahangin. May mga fairy lights para hindi masyadong madilim. May mga couples at magbabarkada din ang tumatambay dito at hula ko ay mga bisita rin ni Mr.Torres

"Sigurado bang doon lang si Jam sa room? Ayaw niya talagang lumabas?" Ani ni Angel

Umiling ako. "Pinilit na namin siya ni Uzel pero ayaw niya talagang lumabas,"

"Matutulog nga yung tao diba" Sulpot ni Uzel sabay bigay ng cellphone niya sakin. "Picturan mo ko Rehl,"

Bumuntong hinga ako at napipilitang picturan si Uzel. Nang tinutok ko na ang camera para magpicture ay nakita ko sa bandang likod niya na nakikipag-usap si Kelah sa isang pamilyar na lalaki..... Well... hindi naman bago samin na may kausap si Kelah kung saan- saan dahil marami naman siyang mga kakilala pero sadyang nakakuha ng pansin ko ang lalaking kausap niya ngayon...

"Ano na teh? Tapos na? Patingin!"

Nang hindi ko siya pinansin ay napatingin din si siya sa tinitingnan ko. "Anong meron?"

"Kilala mo ba yang kausap ni Kelah?"

Tiningnan niyang maigi ang lalaki at napaisip sandali... "Siya yung isa sa mga kasama ni Acel nung nag coffee tayo diba?" 

Kasama ni Acel.....Barkada ni Acel! Tumingin ako sa paligid at hinanap kung may makikita ba akong mukha ni Acel pero wala naman kaya nakahinga ako ng mabuti.

Agad akong napatalikod nang tumingin sina Kelah sa puwesto namin. Nalilitong tumingin si Uzel sakin at kinorot na naman ako sa bewang. "Bakit? Anong meron sa inyo noong lalaki na yun ha?!"

"Ha?! W-wala!" Umiling ako at binigay na sakanya ang cellphone niya. "Siguro i-check ko muna si Jam haha."

Hindi parin nawawala ang nalilitong tingin ni Uzel sakin kaya naglakad na ako pabalik.

Biglang bumaliktad yung sikmura ko... Parang nasusuka? I don't know. Is this pregnancy hormones? Fuck.

Wala sa sarili akong naglakad patungo sa room kaya nang papasok na sana ako ay napagtantohan kong naka-lock pala ang sira. Tumingin ako sa puwesto nina Uzel dahil baka sumunod si Jam doon pero hindi ko naman siya nakita kaya nagsimula na akong kumatok 

"Jam? Nandyan ka ba?" 

Walang sumagot. Kumatok ulit ako pero wala paring sumasagot...

Sa pangatlong katok ko at wala paring sumasagot kaya nagsimula na akong mag-alala.

Bayolente kong hinampas ang pinto. "Jam!" 

Nanghahampasin ko na sana ang pinto sa pangalawang pagkakataon ay nagulat ako dahil bumukas ito at bumungad ang isang bagong gising na Acel. Hindi niya pa lubusang naimulat ang dalawa niyang mata kaya hindi niya ako nakita. Irita niyang kinusot ang mga mata niya para makita ako ng wasto pero bago yun,

Isasara ko na sana ang pinto at tumakbo kung saan-saan pero bigla siyang nagsalita. "Rehl?" 

Nanlaki ang mata ko at halos pumunta na lahat ng dugo ko sa katawan patungo sa mukha ko dahil sa hiya.

"Sorry! Akala ko room namin!" 

Tinignan ko ang room number na nakatala sa itaas ng pinto at nakitong kong Room 22 ang nakalagay doon! Shit! Room 23 yung samin! Dali-dali akong umatras at laking pasasalamat ko na hindi na niya ako pinigilan.

Nakatakbo na ako at nasa harap na ng mismong room namin. Natagalan pa ako sa pagbukas dahil ni-lock ni Jam ang pinto. "Jam..." Halos hindi ko kayang tumingin sa room nila Acel na ilang hakbang lang distansya sa room namin. "Parang-awa mo na, please, buksan mo..." 

Tumunog ang pinto ibig sabihin in-unluck na ni Jam ang pinto. Nalilito siyang tumingin sakin nang nabuksan na niya ang pinto, may sasabihin sana siya pero hindi ko na siya pinatapos

"Bakit? Anong nang--"

Bago ako makapasok ng lubusan sa room ay sumilip antimano ako sa room nila Acel at nakita kong nakangisi siyang tumingin sa banda namin

 Huminga ako ng malalim nang nakapasok na ako sa room, sinara ni Jam ang pinto at binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin. "Anong meron?" Tanong niya.

Kumuha muna ako ng lakas bago harapin siya. Ilang buntong hinga pa ang ginawa ko bago magkaroon ng lakas ng loob para makipag-eye contact sakanya. 

"Nasa room 22 si Acel..." Pumikit ako nang masabi ko yun.

"Rehl! Jam!" Biglang may kumatok. "Are you there? I'm here!" Boses ni Uzel ang narinig ko kaya ako na ang nagpasyang bumukas ng pinto. "Punta na daw tayo dun sabi ni Mr.s Torres" 

Tumango ako 

Tinignan ko si Jam at nakita kong umi-iling lang siya sakin. "Is it bothering you?... hindi naman diba?... o hindi naman yata? As long na hindi," Binigyan niya ako ng nakakasiguradong ngiti. "Walang problema Rehl"

At muli ay bumuntong hininga ako. "Walang nabobother, Jam..." It's just... maling room ang napuntahan ko. Nakakahiya! Parang kakagising lang din naman ng tao. But I didn't drop the chika here. Tutuksuin na naman ako nitong Uzel na 'to!

"Good." 

"Tara na?" Uzel

"Let's go,"

Natapos ang party at nagkwe-kwentohan nalang kami malapit sa tubig. May hinandang mga banig para sa mga gustong tumambay malapit sa tubig kaya marami-ram rin ang tumambay dito at halos lahat ng nandito ay mga kabatch lang namain.

Nakita kong lumalapit sa banda namin si Mr.s Torres kaya ngumiti ako at ngumiti naman siya pabalik... Nang makalapit na siya ay siniko ko na sina Uzel dahil mukhang hindi nila namalayan na nandito si Mr.s Torres dahil tawa padin sila ng tawa.

"Hello po, Mr.s Torres" Sabay bati namin.

"Thank you po sa food... and happy birthday din po pala sa anak niyo! Sayang hindi kami nakabili ng gift..." 

We somehow knew na birthday celeb din pala ng nag-iisang anak na babae ni Mr.s Torres kaya pala maraming tao and looks like they reserved the beach only sa mga bisita.

"Opo! Thank you po sa food! Masarap po lahat, opo. Happy birthday po! hihi" Umakta pa si Uzel na busog na busog at nilagay pa niya ang kamay niya sa tiyan niya.

Nagtawanan sila at nang magtagpo ang tingin ni Mr.s Torres at Jam ay parang nagulat siya. "Jam?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Nandito ka pala?" 

Sabagay hindi naman talaga makikita si Jam kung hindi ka lumalapit sa pwesto namin dahil nakaupo siya sa isang madilim na parte parang natatabunan nadin sa katawan nina Kelah at Angel

Nagkwe-kwentuhan sina Mr.s Torres at Jam sa kahit ano-anong mga bagay. Marami silang pinag-usapan at matapos ng ilang minutong pag-uusap, nagpaalam muna si Mr.s Torres sa amin dahil may mga bisista pa daw siyang e-entertain

Natapos ang gabi na medyo sober sina Angel, Kelah, at Uzel. Binigyan kasi sila ng maiinon sa isa sa mga kasama ni Mr.s Torres kaya kinuha nila yung pagkakataon na maka-inom muli.

Nakatulog din ako agad nang bumalik kami sa hotel. They bought their own sleepwears except for me, I didn't bring mine. Hindi rin naman ako nag-aakalang dito matutulog. But good thing pinahiram ako ng oversized shirt ni Uzel at sinuot ko lang din yung extra short for tomorrow. But anyways, matutulog na kami. Medyo napagod at tipsy kami sa haba ng byahe at sa mga nainom na inomin namin. 

"Goodnight bitch" Antok na saad ni Uzel. "Kakasabi ko lang na ayoko nang uminom, Uhhh" 






Hi! Please don't forget to vote po! Thank you!

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now