Chapter 13

411 11 0
                                    


Narinig kong may kumatok sa pinto kaya mas lalong lumala ang kaba ko. Pagbukas ng pinto ay nakita kong may pormal na nakatayo na nakangiti sakin na babae na hula ko ay nasa mid-forties na siya. Hindi ko magawang ngumiti sakanya pabalik dahil sa kaba at naintindihan niya naman yun kaya mas lalong lumawak ang kanyang ngiti.

"Good morning, hija, how are you?" Malambing ang boses niya kaya nawawala ng konti ang kabang nararamdaman ko. Malambot rin ang kanyang presensya dahilan ng mas comfortable akong makipag-usap.

"I'm fine naman po, Doc. Medyo kinakabahan lang." Bumuntong hininga ako.

Dumating na ang araw ng schedule ko sa pagpa-abort. Dumiritso na ako dito at hindi na nagawang magpa-alam kay Mama sa personal dahil wala siya sa bahay noong papunta na ako sa hospital. Tinext ko siya at hanggang ngayon ay hindi parin siya nagre-reply. 

Ilang araw na pagkatapos nong party ni Mr.s Torres at sigurado akong abala na ang mga kaibigan ko sa kani-kanilang buhay. Hindi ko na sinabi sakanila na ngayon ang schedule ko dahil baka may isa o sila lahat  ang sumama at subukang pigilan ako.

Bumuntong hinga ulit ako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko for the nth time. Hindi ako makapag eye-contact sa doktor sa dinami-dami ng iniisip ko.

"Bago ang lahat, can I ask you some personal questions? Okay lang ba?" Mahinhin niyang sabi.

Tumango ako at nagready na sa mga questions na itatanong niya.

Muli, ngumiti na namn siya. "Alam kong this is a very hard decision to make, hija, and it's important for you to feel comfortable discussing your concerns..." She assured me. "May I know what's been going on. Can you share what's been going through your your mind?"

Pumikit ako at nag-isip ng ilang sugundo. Be honest, Rehl. Bumuntong hininga ako at tumingin sakanya.

"At first po... I was sure about going through abortion. I'm still young, I have dreams pa at wala sa plano ko ang... magka-anak... It seemed like it was the right decision given in my situation... pero kasi, may mga oras na napapa-isip ako na baka pagsisihan ko to, ganon..." 

Totoo yun, may mga oras na nagdadalawang isip ako dahil sa mga sinabi nila... Anak ko daw at blessing daw yun sakin... pero may mga pangarap pa nga ako... pero naiisip ko din si Mama na ganito din yung sitwasyon niya at kahit kailan hindi niya ako nagawang ipalaglag...

Napalonok ako habang sinubukang alalahanin ang mga sinabi  ni Mama at mga kaibigan ko. "Hindi naman sa may pagpipilian pa ako pero....." Ang hirap. Ang hirap kasi pipiliin ko ang mga pangarap ko pero ang hirap din kasing pakawalan ang mga ganitong bagay. 

"Well it's normal to feel mixed feelings in a situation like yours, hija and it's okay to have second thoughts before making a decision... Are there any specific concerns or situations that are causing you to have second thoughts?" 

"My family and friends po," Deretsahan kong sagot.

Tumango siya, signaling me to continue

"Uh... Pinipigilan po nila ako, they said na pagsisihan ko daw po pag tinuloy ko to,"

"How about the father's baby? Did you clear this together? If this is too personal, hija, it's okay if you won't answer,"

"We decided this together po," Lumunok ako

Natahimik ang kwarto ng mga ilang sigundo at halos mga buntong hinga ko lang ang maririnig.

"Hindi sa nangiialam ako. I respect your decision. However, as your doctor, it is my duty to present you with all the information and help you to consider all options... I have a daughter like you, hija, and as her mother, I won't let her go through abortion, I love her so much and I want her to feel the love a mother could give to her child. Being a parent is not easy but all risks are worth it if you're risking it to the people you love."

"I appreciate your concerns, Doc, pero may pagpipilian pa ba ako?"

"Of course," Nakangiti niyang sagot. "Either you keep your child or we could start the process an hour from now." She said na medyo seryoso. "Look, I want you to think the positive aspects of having a baby. Parenthood can ba an incredible journey filled with love...joy... fulfillment..."

Dahil sa mga sinabi niya, napaisip ako kung anong pakiramdam na magkaroon ng anak... Pwede naman akong huminto muna at alam kong susuportahan naman ako ni Mama... pero...

"I understand naman po pero... there are so many challenges in raising a child. It has a very big impact on my studies po and the financial responsibilities... all valid concerns,"

"Very well, valid concerns, but most parents believe that the challenge they face also bring personal growth and fulfillment. From what I know, you have strong support from your Mom, Miss Alin"

Nanlaki ang mata ko. HA?! Kilala niya si mama?!

Tumawa siya, "Don't worry, I'm not allowed to spread my patients informations," Matapos ng ilang segundo she  cleared her throat. "It's completly normal to feel overwhelmed, especially when facing such a life-altering decision..."

Tumango ako at napaisip. Maybe it's not a bad idea after all? 

"I'd like you to think through it. I'll give you time. Let's call it a day, hmm?"

Ngumiti ako at tumayo na sana. She opened her arms wide and hug me. hindi ko in-expect yun kaya nagulat ako at dahan dahang niyakap siya pabalik. 

"I'll give you a day or two. Just text or call me. Please don't hesitate to reach out if you have any more questions or if you'd like to discuss your options." Kumawala na siya sakin at binigyan ako ng nakakasiguradong ngiti.

"Thank you for today, Doc. Thank you for your advice and concerns. I appreciate that you're looking out for my best interest... I'll take some time to think."

"Your most welcome, Rehl." She opened the door to her office at sabay na kaming lumabas. "Remember, I'm here for you every step of the way."

"Thank you po talaga." Ngumiti ako.

"No problem"






Palabas na ako ng hospital ng namalayan ko ang text ni Mama

"Wag kanang umuwi." Ngumuso ako nang mabasa ang text niya, may ilang missed calls pa siya na hindi ko nasagot dahil naka-mute ang phone ko.


Mabilis din akong naka-uwi at nagpark na sa garahe. Pagpasok ko sa bahay ay nakita kong nakatayo si Mama na naghihintay sakin sa sala. Agad niyang tinignan ang tiyan ko at nakahinga ng malalim. 

Hindi ko alam kung dahil ba sa hormones ang nararamdaman ko o dahil nakikita kong lumuluha ang mata ni Mama. 






Hi! Please don't forget to vote  po! Thank you!:)

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now