''Madami bang activities?'' Pangamusta niya.
Pinunasan ko ang kamay ko gamit ang tissue. Tapos na akong kumain.
''Hindi naman?"
HINDI BA OBVIOUS?! KAYA NGA GISING PA AKO NG ALAS DOS NG MADALING ARAW! I just... I just don't want him to ask more okay?!
Kinuha at pinagsama ko na ang mga balot ng mga pinagkinain ko. ''Gusto ko lang matapos lahat ngayon para wala na akong masyadong gagawin sa mga susunod na araw.''
''Natapos mo na lahat?''
''May isa pa,'' Bumuntong hininga ako. ''Tapos wala na..."
''Mumultuhin ka pag hindi ka pa matutulog.'' Biro niya.
I rolled my eyes. Hindi parin talaga nagbabago.
''Pupunta ka ba sa retirement party ni Mr.s Torres?'' Biglang tanong ko.
Naku kung pupunta yan, hindi nalang siguro ako pupunta. Baka imbis na mag-enjoy ako dun ay mabwi-bwisit nalang dahil makikita ko na naman ang pagmumukha nitong Acel Tan na 'to!
''Mr.s Torres?'' Nag-isip muna siya bago sumagot. ''Parang hindi?'' Patanong niyang sagot.
Hinintay ko ang sigurado niyang sagot... Sana hindi, Lord, sana hindi...
''May gagawin ako.'' Sagot niya. ''Bakit pupunta ka ba?''
''Anong gagawin mo?'' Panigurong tanong ko.
Hindi niya lang alam pero tumatalon na pala lahat ng organs ko sa katawan dahil sa sagot niya!
''Maypupuntahan lang kami ni Mama.''
Yes! Hindi siya pupunta! YES! THANK YOU LORD!
Seryoso siyang tumingin sakin. "Pero kung gusto mong magpasama sa party ni Mr.s Torres pwede ko namang sabihin ni Mama na hindi ko muna siya masasamahan."
"Hindi na! Hindi na... baka kailangan ka talaga ni Tita..." Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at naghanda na para lumabas,
Tumango siya.
"Wait..." I nearly forgot... But does this question necessary? Parang hindi naman? But I want answers. "Is it okay to act like this while we're exes?"
"What do you mean to act like this?"
"This," Ipinakita ko sa kanya ang dala-dala kong wrapers ng pagkain na dala niya. I'm also inside in his car at two in the morning...
He was observing our situation... trying to understand what I meant... when he got the hook, parang naging isang linya ang dalawang kilay niya.
"I don't do this with my other... exes. Sayo lang ganito. I hope you do the same."
"Ikaw lang ex ko." Pagtama ko sa kanya. I was single since birth. Ti'll this man came
"Right."
Tumango ako. ''Lalabas na ako.... thank you sa food.''
Please don't make it awkward, Rehl. You could do better than this.
"Matulog ka na at bukas mo nalang tapusin ang mga natirang assignments mo."
Iginala ko ang mata ko. "Ayoko," Biro ko sakanya. "Hindi ako makakatulog pag hindi ko natapos lahat ng assignments ko."
Ngayon siya naman ang umirap. ''Matulog ka na aba.''
Natawa kaming dalawa sa mga kalokohan
Bumaba na ako at sinara ang pinto ng sasakyan niya. He opened the car window of the shotgun seatt before I could go back.
YOU ARE READING
The One Who Fell Ahead
RomanceEvery mistake in a story is a plot twist that is only waiting to be discovered. But otherwise, does this story do the same?