Chapter 25

444 14 2
                                    

Nanghina ako nung narinig ko ang pangalan niya.  Ibig sabihin ay nandito din siya. Pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga.

Nagkita lang kami nong isang araw tapos makikita ko na naman siya ngayon?!

Ayokong tumingin sa kahit saang dako nitong conference hall na 'to dahil baka may makikita akong dalawang nakakairitang pares ng mata..... kahit na may nararamdaman akong may nakatingin sakin sa di kalayoan.

Lumunok ako. Hindi pwedeng magpakita ako ng kahinaan dito dahil nasa table ako kasama ang boards ng firm namin. Nasa harap ko si Theo na mapayapang nakikinig sa nagsasalita sa harap. Nasa tabi ko rin sina Jackie na busy sa pagkuha ng picture kahit saan.

Ininum ko ang tubig na nasa harap ko bago tumayo dahil parang malagutan na ako ng hininga dito. 

"Jack," Tinawag ko si Jackie. "I'll go to the powder room." Nagpaalam muna ako sa kanila dahil baka mag-alala pa sila kung nasan ako.

Dumiritso na ako sa powder room at hindi na nag-abalang tumingin saan-saan. Hindi ko na na-appreciate ang kagandahan ng conference hall na pinagbriefing-an namin dahil sa pagmamadali.


Hindi ako nagtagal sa powder room. Inayos ko lang ang sarili ko, ngunit ang pumipigil lang talaga sakin na lumabas ay ang naisip na maaaring makita ko siya sa labas. 

Unti-unti kong binuksan ang pinto at tumingin sa kaliwa hanggang kanan. Hindi na muna ako babalik sa table namin dahil naiinis ako sa hangin 'don.

Pumunta ako sa labas kung san makakuha ako ng sariwa na hangin. Umupo ako sa bakanteng upuan at doon nagpapalipas ng oras. 

Wala naman sigurong lalabas ng kusa dito dahil magpapahangin katulad ko dahil abala naman ang lahat sa pakikinig.

Kinuha ko ang ang cellphone ko para kamustahin sila Angel dahil nangako ako na bibigyan ko sila ng araw ni Xander na sila lang. At dahil may importanti akong pupuntahan ngayon, pinasama ko muna si Xander sa kanya, tutal sabi niya naman na wala daw siyang gagawin ngayon.

Pinindot ko ang call button at naghihintay na isasagot niya. 

"Hello, Rehl!" Malakas na bungad niya sa cellphone.

Pinakita niya sa camera ang masayang umiinom ng milkshake na si Xander. Kumaway siya sakin at inalok ang iniinom na shake.

Ngumiti ako, narinig ko ding tumawa si Angel sa likod ng camera. Kinawayan ko siya pabalik kahit alam kong hindi naman niya ako makikita.

"Hello, Xander!" Ngumuso ako. "I miss you! How are you there? Hindi ka inaabuso ng Tita Angel mo?" Hininaan ko ang huling panguusap. 

"Grabe ka sis," Komento niya ng hindi hinaharap ang camera. "Nagbago na ako oy!!"

"I'm fine, Mommy. Tita Angel is fun to be with..." Sumagot si Xander habang kumakain

"Diba? Sinasabi ko sayo teh, nagbago na ako! At.. ang cute naman nitong anak mo para abusuhin!?" Pinisil niya ang pisngi ni Xander dahilan ng pagkainis nitong reaksyon. 

"Tita, it hurts po..." Sagot ni Xander.

"Ow no, sorry, baby love," Mahina niyang hinaplosang masakit na parte sa mukha ni Xander.

"Sabi ko na nga ba! Inaabuso mo anak ko, Angel!" 

"Sige na! Aalis na kami. Bye!" 

"Bye, Mommy!" 

"Bye, Xander!" Habol ko bago patayin ni Angel ang tawag.

"Bruhang 'to..." Mahina kong bulong habang tinitignan ang blankong cellphone ko matapos ang tawag...

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now