Chapter 6

733 22 0
                                    

I smiled, kahit hindi siya nakatingin. Ngayon lang kami nagpapansinan ng ganito after the chaos I made. 

 She's peacefully eating the food she made. Ayaw ko man gawin, kailangan ko parin.

I hate to pop her bubble but,

''About sa magpa-abort,'' Simula ko. ''I wanted to know about your opinyon.''

It was obvious. Ayaw niya akong akong magpa-abort. Ilang warnings at threats na ang binigay niya sakin para wag lang magpa-abort. Pero matigas yung ulo ko. Gusto ko paring gawin 'to.

Tiningnan ko ang reaksyon niya at nakita kong natigilan siya don.

''Hindi ba pwedeng mapayapa muna tayong kumail, Rehl?'' Mahinang tanong niya.

Yeah, right.

Tumango ako at nagpatuloy nang kumain.

''Next week na yung semestral break niyo, anong plano mo?'' Pag-iba niya sa topic.

''Magpa-abort...'' Balik ko.

Seryoso niya akong tinignan at kaunti nalang ay mukhang masusunog na ako sa nag-aapoy niyang mata.

''Gagala lang kasama sila Angel.'' Pag-iba ko sa sagot.

Ilang sandali kaming tahimik at ang mga kubyertos lang ang tanging naririnig

Tumango siya at tumayo para dalhin ang pinggan sa lababo. Tapos na siyang kumain at hindi man lang nasa kalahati pa ang naubos ko.

''Bilisan mong kumain para makapaghugas ka na.'' Utos niya bago siya umalis para pumasok sa kanyang silid.

Umirap ako sa kawalan at bumuntong hininga nalang.

Akala ko siya na ang maghuhugas. Hindi ko napilit masyado.






Pagkatapos kong maghugas ay nag pasya akong maligo na dahil aayain ko sana naman silang Jam na lumabas at para narin sabihin ang plano ko.

I planned to let them know about my whereabouts. Wala naman akong planong magtago sa kanila. I just thought na they've been with me since day one, what's the point of hiding sa hindi maalam na dahilan?

Nakaligo na ako at nakabihis na, palabas ako ng aking silid nang nakita kong nanonood lang ng tv si Mama sa sala. Pinatay niya ang tv nang makita niya akong lumabas sa kwarto. Tinignan niya ako ulo hanggang paa tyaka nagtanong.

''Saan ka pupunta?"

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko na pinadala lang kaninang umaga. Hindi ko na nakita kung sino ang naghatid niyan pero pag gising ko ay nasa garahe na ito. Nakaayos na rin yung naflat na gulong.

''Lalabas lang kasama sila Angel.'' Sagot ko.

Tumango naman siya at mapanghusgang tumingin sakin.

''Lalabas lang.'' Sagot ko ulit tapos lumabas na ako at pumasok sa loob ng sasakyan.

Pagpasok ko ay tumawag na ako sa group chat namin. Unang sumagotsi Kelah na mukhang kakagising lang.

Ngumiti ako at nagsimula nang paandarin ang sasakyan. ''Good morning!'' Bati ko sakanya.

''Hangover pa ako kagabi.'' Unang bigkas niya.

''Saan ka kagabi?''

"Uhh! Sobrang sakit ng ulo ko! Magkakape ka na naman? Sama ako ah,"

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now