Rehl's P.O.V
"Hala ba't galit si ate mo girl?" Bungad ni Angel nong umupo ako sa lamesang nire-serve nila ni Xander para pagtambayan.
Hinalikan ko muna yung noo ni Xander bago padabog na umopo sa harap nila.
"Hula ko'y, may nakita itong masama." Sabi ni Uzel na may dalang tray ng pagkain.
"Ba't nandito ka?" Maarte kong tanong.
"Ay bawal teh? Bawal ba?" Pilosopo niya naman akong sinagot.
Minsan talaga mas gusto mo nalang na mapag-isa kesa sa may kausap na si Uzel naman...
Umupo siya sa tabi ko at inis naman akong tumabi para may mas space pa siyang mauupuan.
Gulat siyang napatingin sakin saka hinawi yung buhok ko, "Ang OA mong bruha ka, ano bang problema mo ha?!"
Binawi ko yung buhok ko sa hawak ni Uzel at padabog na kinuha yung juice na order niya saka ininom.
Palalamigin ko muna yung isipan ko dahil baka maling mga salita yung lalabas sa bibig ko at masasabi ko pang may gusto akong patayin.
"Aba-aba..."
"Nakita ko na naman yung ex ko." Panimula ko. Syempre hindi ko ilaglag yung pangalan, anak ba naman niya yung nasa harap ko.
"What's an ex, Mommy?" Biglang tanong ni Xander.
"Shh, Xander, old friend lang. Inom na... wag nang sumagot." Pina-inom na naman ni Angle nung milkshake si Xander.
"Kanina... sa conference hall... siya pala yung lead engineer sa building na pinapatayo ng firm namin..."
It took them a minute to answer. Kitang-kita ko, klarong klaro on how they exchanged looks. I mean, hindi naman nakakagulat. Base on Acel's looks mukhang isa na 'yata 'to sa mga bigatin sa bansa. They don't need to think in through though.
"Magugulat pa ba kami? May pangalan na yang ex mo dito sa bansa teh. Ilang projects na ang nagawa niyan."
Tumango si Angel. "Isa nga yan sa mga engineers na nagpapatayo nung sa China... Yung Beijing Airport ba yun?... kaya sumikat lalo..."
Bumontong hininga ako. Wala na. Wala nang choice.
"G ka lang teh" Pinaypayan ako ni Uzel. "Tumatanda na si Xander eh, no?" Tinaas niya ang kilay na. "I think it's time?"
.....
__________
"Cheers!" Sigaw ng lahat.
Parang kumunot yung buong mukha ko nung ininom ko yung Dry Martini na pina-inom nila sakin.
The last thing I remembered is that nagulat na lang ako na nasa Pilipinas na pala si Christine at Casey dahil magbabakasyon nga daw. Tinawagan naman ako nitong si Christine para uminom at hindi naman ako makatanggi dahil umiiyak na siya habang nagsasalita. Sa mabuting kamay, pumayag naman si Angel at Uzel na iwan ko muna si Xander sa kanila basta wag lang daw ako magpapagabi.
"Girl, it's his loss!" Sigaw ni Casey. "He's not even the standard!"
Correct!
Sa pagpasok ko sa bar ay nakita ko na lang si Christine na nag-iisang umiinom habang tinitignan ang picture nila ng boyfriend niya. Sinabi niya sakin yung nangyari at nagbreak na pala sila ng boyfriend niya.
Akalain mo? 6 months siyang nagdudusa sa toxic na ugali ng boyfriend niyang siraulo.
Wala na akong ibang masabi. "There are so many fishes in the sea."
YOU ARE READING
The One Who Fell Ahead
RomanceEvery mistake in a story is a plot twist that is only waiting to be discovered. But otherwise, does this story do the same?