Chapter 26

437 13 2
                                    

Acel's POV:

"Tang ina! Exams na naman!" 

Lahat kami natatawang umiling habang ginawang katatawanan si Mavi daahil sa kalasingan nito.

"Goodluck sa exams, bro." Sabi ng kaibigan ko na nagpasimuno ng party dito bahay niya. Nasa ibang bansa ang parents niya at nagkataon din na ilang linggo na lang ang exams namin kaya napagplanohan niyang mag-enjoy muna bago pahirapan ang sarili ngayong hell week.

Pinag-cheers namin ang dala-dala naming beer in can bago nagtawanan at pinag-usapan ang ibang bagay. Nang dumadami na yung tao sa circle namin ay nagpaalam na akong maglakad-lakad muna dahil parang nahihilo na ako.

Pero sa totoo lang ay ayaw ko lang talaga sa maraming tao. Wala ako sa mood para makipagsocialize tapos ang baho pa dahil sa mga sigarilyo ng mga senior year na inimbita ni Joshua. Mga feeling cool.

"Acel! Acel!" 

It was a familiar voice that came from my back. Ano na naman?

Nakita kong papunta si Kelah sa gawi ko. Si Kelah... one of our family friends. As far as I can remember ngayong college lang yata kami nagkalayo dahil simula high school magkaklase na kami. "What?" Tanong ko.

"Nandito ka pala?" Tanong niya nang makalapit na sakin. "Wala kang kasama?" 

I gave her that hindi-ba-obvious-look at tinignan ang left at right side ko at ipinahiwatig sa kanya na wala akong kasama.

"Cool ka na nyan?" She rolled her eyes and scoffed. "So wala ka ngang kasama?"

Ako naman ngayon ang umirap sa kanya.

"Okay! Okay! Wala nga... you can join our table over there," Tinuro niya yung table na nasa pool kung saan nakaupo 'don ang friends niya. May namumukhaan akong pamilyar sa isa sa kanila at yung iba ay ngayon ko palang nakita.

Nakatingin rin ang mga friends niya sa gawi namin pero yung isang babae na nakasuot ng kulay white na polo na hindi man lang sumilip dito ang nagpapanatili ng tingin ko sa table nila. 

Tinapik niya yung isa nilang barkada at ipinakita siguro yung nakita niyang nakakatawa sa phone dahil nagtatawanan sila. She gracefully moved her hair to side while laughing with her friend. Wala man lang pakialam na nakatingin ako sa kanya. 

The way her shoulder shook while smiling and looking at something that's making her laugh... parang... I don't know? Ang ganda lang niya tignan pagnakangiti. Hindi ko alam kung anong nagpapatawa sa kanya pero parang gusto kong magpasalamat don. 

Nag-apir sila nung kaibigaan niya at unti-unting kumalma at hindi na tumatawa. Side view palang ang nakikita ko sa kanya, pano na kaya kung front view na? Tinuro ng kaibigan niya yung gawi namin pero bago pa siya makatingin ay tinignan ko na muli si Kelah.

Idiot! Ang duwag mo Acel! Chicks lang siya- hindi siya chicks... Maganda siya and she's not like other girls. Hindi siya nagsusuot ng maiikling damit at makapal na make up, yun yung chicks. Siya? Hindi siya chicks and she will never be considered as a chicks. Iba siya sa mga babae at siya lang yung nakilala kong ganyan.

Parang tanga. Ang dami ko na sigurong nainom na beer. Anong not like other girls? Baliw.

Lumunok ako. I touched my chest who's beating so loud. Parang ilang meters yung tinakbo ko dahil sa lakas nito. Kinalma ko ito bago magfocus sa mga sinasabi ni Kelah na nakalimutan kong nandito nga pala siya sa harap ko.

"What is it again?" Tanong ko. Acting normal. 

"Na naman?" Annoyed siyang tumingin sakin. "Ang sabi ko, I swear, my friends are nice. They're fun to be with and... walang isa sa kanila ang may crush sayo."

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now