Ginala ko ang mga mata ko sa loob ng bahay, nakita kong may mga nagugulong gamit dito malapit sa pinto. Nasa sahig ang phone niya nang nadatnan ko, may baso at bote ng alak na hindi pa nabubuksan din sa unang pagtingin ko sa counter top.
Tumingin ulit ako sa kanya at nakita kong nagsisimula nang pumula ang kanyang ilong at mga mata. Nakakatakot siyang tingnan sa kalagayan na to...
"Ma..."
"K-kung hindi mo kayang panindigan yang anak mo, Rehl, ako na ang bahalang magpalaki niyan... basta wag mo lang ipalaglag," Nangiinig siyang nagsalita at tumulo ang luha niya pero agad niya din itong pinunasan gamit ang kaliwang kamay.
Nangiinig na siya at lahat lahat pero nagawa niya paring magmukhang matatag at seryoso.
"Ako na sa lahat... W-wag mo lang ipalaglag!"
Nanatili ang mga luha ko sa mata ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil lahat ng attention ko ay nasa kanya.
It made me think kung ano pang mas importanting dahilan bukod sa mga pangarap ko kung bakit ipapa-abort ko tong dinadala ko..... Dahil ba sa kahihiyan? Dahil natatakot ako na malalaman ng lahat?..... Nagsisimula nang magsink in sakin ang lahat.
Dahil ba sa takot kaya napagdesisyonan kong magpalaglag? Sa takot? Really? Putangina.
"Noong buntis ako sayo... Ni kahit pagpapa-abort hindi man lang dumaan sa isip ko! Ka-edad lang kita noon nung nabuntis ako Rehl!" Pinunasan niya ulit ang luha niya gamit ang dalawang kamay dahil nagkarera na ito sa pagtulo.
"Hindi man lang dumaan sa isip ko..." Ulit niya. "Alam mo ba kung anong iniisip ko?... Ikaw Rehl! Iniisip ko ikaw!" Humikbi siya. "Binaliwala ko na lahat ng mga pangarap ko! Iniisip ko lang non ay kung paano kita papalakihin kasi wala akong alam sa pagiging magulang! Pareho lang tayo!"
Humakbang siya papunta sakin. Bumagsak ang mga luha ko. Tinuro niya ang dibdib ko. "Pero ikaw?! Hindi ko alam kung anong nasa-isip mo! Kung bakit?! Bakit ang ipalaglag ang una mong naisip?!"
Bumuhos pa lalo ang luha ko... hindi ko man lang inisip na pumapatay na pala ako ng tao. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang dalawang kamay para tumigil sa paghikbi pero hindi man lang gumana.
"Ma...."
"Rehl... hindi... hindi kita maintindihan..." Hinawakan niya ang dalawang balikat ko.
Tumingin lang ako sa baba habang pinakalma ang mga hikbi ko. Unti unting lumapit si Mama sakin at dahan-dahang pumulupot ang katawan niya sa katawan ko.
Naka-upo kami ngayon sa couch at ilang minuto ng tahimik. Walang sino man ang nagsalita samin. Naintindihan ko ang katahimikan niya dahil sign yun na binibigyan niya ako ng space. Pero ilang minuto na ang lumipas na hindi ako parin ako kumibo. Tumingin ako sakanya at natigilan naman siya sa paghaplos ng buhok ko.
Maliit akong ngumiti sa kanya at tumitig pa lalo sa kulay-kape niyang mata. Seryoso siyang tumingin sakin at naghihintay sa sasabihin ko. Naramdaman kong nagtambal na naman ang mga luha ko kaya sinabi ko na sakanya ang gusto kong sabihin
"H-hindi ko na itutuloy, Ma..." Tumulo ang luha ko... Suminghap ako para makakuha ng hangin dahil parang may nagbabara sa lalamunan at ilong ko. Muli akong humikbi. "A-ayoko ko nang ituloy ang p-pagpapa-abort..."
May nakita uli akong mga luha sa mga mata ni Mama kaya tumango siya at tumingin sa itaas para pigilan ang pagtulo sa luha. Tumingin siya uli sakin at niyakap ako. Humikbi kaming dalawa. Walang ibang tao sa bahay kundi kaming dalawa lang. Tahimik ang bawat bahagi ng bahay kundi mga hikbi lang namin ang naririnig.
Sa ilang taon na nakatira sa iisang bahay na kami lang dalawa, walang iba ang sumusuporta samin kundi sa isa't-isa. Buong buhay ko walang asawa o ama na pinakilala si Mama sakin. She'll always say na busy siya o sapat na sakanya na kami lang dalawa. Maraming humahabol sakanya, yes, even though may anak na siya ay may willing paring tumanggap sa kanya... but she never considered giving me a non-blood father though.
It shocked me na may tatanggap pa talaga sa presensya ko?
Lumaki akong walang pigura ng ama. Truth be told, may mga oras na nararamdaman ko na may kulang talaga sakin at medyo naiingit at nagseselos sa ibang bata na hatid sundo sila sa school ng kanilang mga ama, pero hindi naging rason yun para magalit ako sa Mama ko.
Nasaksihan ko kung paano nahihirapan siyang bigyan ako ng piguan ng ina at ama ng sabay-sabay. I always wanted to ask kung bakit wala akong ama pero bata palang ako ay sinabihan na ako ng lola ko na wag ko na daw yun isipin at baliwalain na dahil nanjan naman ang mama ko.
Binalewala ko yun ng ilang taon at nagfocus sa mga bagay na meron ako. Grumaduate ako ng Senior High bilang valedictorian. Sinimulan at tinapos ko ang speech ko kung gaano ako ka-thankful na nasa tabi ko lang palagi ang Mama ko and how she was handang-handa na sumuporta sakin sa anomang bagay. Ganon ko siya kamahal. Kung anong closeness ng Mama ko simula bata pa ako ay ganon din ang closeness namin hanggang nakapagtapos ako ng senior high. May kunting nagbago lang saamin noong nagsimula na akong magcollege. Domoble ang pagiging busy ko at halos sa lahat ng oras ay gusto kong mapag-isa at ayokong maistorbo.
Hindi naman nagbago ang trato ni mama sakin, ginagawa niya pa nga lahat para lang magkaroon kami ng oras sa isa't-isa. Minsan nga bini-baby niya parin ako kaya isa yun sa mga dahilan na gusto ko nalang na manatili saking kwarto at mapag-isa. Wala namang mali sa pagba-baby niya sakin dahil Mama ko naman siya
At wala rin namang mali na gustong kong mapag-isa minsan dahil tumatanda na naman ako at kailangan ko ng space para maintindihan ang mga bagay-bagay sa sarili ko.
Lahat ng pagmamahal, pag-aalaga, at pagsisikap ay naramdaman ko sa paglaki... Pero wala talagang ginawang perpekto ang panginoon. Lahat siguro ng pinapangarap ng iba ay nasa sakin, but I know I was inadequate on someone's presence.
Lahat ng paghihirap na pinagdaanan ni Mama ay kinaya niya na walang kasama. Kinaya niyang bumuhay sakin na siya lang mag-isa. Kinaya niya lahat-lahat at hindi lang man nagpakita ng kahinaan. Pero nitong mga nagdaang araw, simula noong sinabi ko sakanya na may nagawa akong mali, doon na nagsisimula ang pagpapakita ng totoong nararamdaman niya.
Ramdam na ramdam ko kung paano siya nagalit, nabigo, at nalungkot sa pinaggagawan ko na hanggang ngayon kapag iniisip ko kung paano siya katakot-takot makitang galit ay tumitindig parin ang balahibo ng balat ko.
Pinatulog niya muna ako dahil alam niya sigurong pagod ako at para narin ipahinga ang isipan namin dahil masyadong maraming drama ang nangyari ngayon.
Hi! Please don't forget to vote po! Thank you!:)
YOU ARE READING
The One Who Fell Ahead
RomanceEvery mistake in a story is a plot twist that is only waiting to be discovered. But otherwise, does this story do the same?