"Rehl?"
Mahinang hinawakan ni Jam ang braso ko. Sinundan niya ng tingin ang tinitignan ko kanina lang at kumunot ang noo.
Binalik ko ang tingin ko kung saan ko siya huling nakita. Wala na siya 'don. Tumingin ako kung saan-saan, umaasang makikita pa siya pero kahit anino man lang ay hindi ko na mahanap sa bawat bahagi ng mall.
"Okay ka lang, Rehl?" Tanong uli ni Jam.
Tumango ako at pumasok na sa shop.
At dahil busy sila sa pagtitingin ng mga products, hindi ko maiwasang itry din ang mga triny nila.
Forget about that guy, Alexandra.
Forget that idiot.
"Try mo din 'to, Rehl," Binigyan ako ni Uzel ng ibang powder na katabi lang ng powder na kanina niya 'pang sinusubukan dahil nagdadalawang isip kung bibilhin niya ba o hindi.
Kinuha ko ang binigay niyang powder at sinubukan yun sa kamay ko. Mas bumagay yun sa skin color ko kaysa sa una kong triny na product...kaya lang ay ako naman yung nagdadalawang isip kung bibilhin ko ba 'to o hindi...
May powder pa naman sa bag...
Matapos ng ilang minuto naming tumitingin ng products ay sa wakas, napagpasyahan na din naming magcheck na ng mga gamit sa apartment para makakauwi kami ng maaga
"Ito beh? Rocketship yung design," Tinuro ni Kelah yung nakita niya. "You like this, Xander?"
Walang alinlangang tumango si Xander at lumapit sa nakitang kama ni Kelah. Umakyat siya sa kama at doon humiga. "I like this, Tita" Sagot ni Xander.
Lumapit ako sa kinaroonan nila at inobserbahan ang napili niya. Color blue, about sa space yung design, malaki, mukhang comfy naman...
"Do you like it, Xander?" Tanong ko muli.
"Yes, Mommy," Walang pagdadalawang-isip na sagot niya.
"Okay... bibilhin na natin."
We didn't spend much time in choosing a bed. Madalas mga pambata yung mga kama na nandon at madali lang din namin nahanap yung mga tipo ni Xander.
Pumunta na kami sa counter para magbayad. Sinulat ko na ang address kung saan ito ipapadeliver at kung anong araw. Matapos yun ay desidido sila na magkape muna bago umuwi.
Pumunta kami sa isang malapit na starbucks dito sa mall. Alas-singko na ng hapon kaya madami ng mga students ang nagsilabasan kung saan-saan. Nagsisimula na din ang magulong traffic at ang mga nakakayamot na busina. Mas dumami ang tao sa coffee shop dahil tapos na ang office hours.
Napili naming umupo malapit sa glass wall at walang masyadong tao para hindi masyadong maingay o hindi sila maingayan dahil hindi yata marunong tumahimik 'tong mga kasama ko.
Nag-retouch muna si Kelah at Uzel kaya kami lang nila Jam at Angel ang nasa table ngayon. Tahimik lang ding kumakain si Xander sa binili kong cookie.
Naging tahimik ang table habang hinihintay naming dumating ang mga order. Nagcecellphone lang si Angel at may ka-text lang din si Jam.
The street lights are starting to light up. Marami ding mga ibon ang nagsiliparan kahit saan. I witnessed how the sky turned blue to orange. Nakakamangha. Bihira lang akong nakakasaksi ng sunset sa Singapore. I can still feel the cold breeze of Cagayan from here. Kahit nasa loob ako ay nararamdaman ko parin kung paano kalamig ang hangin sa labas.
Hindi maiiwasang isipin ang mga alaalang sinubukan mong kalimutan kung ang lugar mismo ang nagpapaalala sayo sa bawat detalye ng mga nangyari noon.
Lahat ng ditalye. Simula, hanggang wakas. Paano at ano. I can still picture it all through my mind. Lahat ng nangyari sa panahong wala akong ibang maisip kondi ang kasiyahan at tagumpay ko. Naalala ko parin kung gaano ako makasarili sa panahong yun...
YOU ARE READING
The One Who Fell Ahead
RomanceEvery mistake in a story is a plot twist that is only waiting to be discovered. But otherwise, does this story do the same?