Natauhan ako. It was rude. I know. And I don't care.
But then, sumagip sa isip ko ay ang makikita niya si Xander! Hindi pwede!
"A-anong ginagawa mo dito?" Seryoso kong tanong.
Kitang-kita ko kung paano nanliit ang mata niya sakin. He tilt his head on the side at humakbang patalikod. Because there is enough space for me to walk forward ay humakbang ako ng isang beses.
Nagtaas siya ng kilay at pinatong ang dalawang kamay sa balakang niya.
"Shouldn't I be the one asking you that, Rehl?" Tinuro niya ako. "You left... to what? to another country? After blocking me? Tapos makikita kita dito? Out of what? Out of nowhere?..."
The guts of this man! Tang ina mo Acel!
Sa pagturo niya sakin ay nasilayan ng tingin ko ang kumikinang niyang singsing na nakapapatong sa ring finger niya...
Kasal na siya?
Tinignan ko muli ang mga mata niyang nag-aapoy sa galit.
"What do you mean? I left, yeah? Why do you care though. Sobrang linaw ng paghihiwalay natin, Acel..." Okay! Calm the heck down. Why the hell did I brought that up! Kalma, Alexandra! I drew a few deep breaths. Yeah, that's right. Tama... tama. "I'm sor --" wrong words. "Excuse me. I have no intention na manggulo, Acel. Pretend you didn't see me here. I-I'm happy, alright?"
He scoffed. "Masaya..." Mahina niyang inulit. "What? Plan on staying here? Para ano?" Mapait niyang sabi.
Para magtrabaho, Idiot. And I don't have plans in staying here! What the.
Now I started to doubt about our firms terms. Of all placed bakit dito? It could be somewhere around Luzon, but choose to build it here. The lousy "First building in Mindano" thingy.
Sasagot na sana ako pero nagulat ako dahil nakita kong papunta si Angel sa banda namin at gulat din siyang makita si Acel dito. Senenyasan ko siyang bumalik sa table at itago si Xander kay Acel pero umiling lang siya,
Tumingin siya sa kanan niya at walang pag-alinlangang rinig ko ang tumatawang boses ni Xander na lumalakas bawat sigundo, ibig sabihin ay papunta na rin siya dito
Tumingin muli ako kay Acel at seryoso lang siyang tumitig sakin. Pinagpapawisan na ang noo at kamay ko. Hindi maaari...
"Acel, mag-usap tayo sa ibang lugar." Mariin kong sinabi.
"Is there something to talk about? What? A stupid closure?" Sarkastiko siyang tumawa. "Wala na tayong pag-uusapan... Tapos na ako sayo."
Binaliwala ko ang panunuya niya at tingin parin ng tingin sa likod niya, at dahil napansin niya yon ay napapatingin na rin siya
"Acel!" Sigaw ko
Bago pa siya tumingin ng tuloyan sa likuran niya ay hinaltak ko na siya palabas ng cafe at dinala sa exit, malayo sa kinaroroonan nila Xander.
Inis at irita siyang tumingin sakin at galit na binawi ang pulso niya sa hawak ko. "Anong problema mo?!"
Dahil nadadala na din ako sa inis niya, hindi ko mapigilang itulak siya pero parang wala lang naman yun sa kanya dahil hindi naman siya natinag. Pinakita ko sa kanya na galit ako! Oo galit ako! Siya lang ba ang may karapatang magalit?! Susulpot kahit saan tapos bigla-biglang magbunganga kung gaano siya kagalit sakin! Bobo! Binigyan pa ako ng atake sa puso dahil akala ko magkikita na sila ni Xander. Ulol! Hindi mo makikita anak mo!
"I just showed you the way out."
Ikaw ang problema ko, Acel! Wala na pala tayong pag-uusapan pa! Umalis ka na dahil ayaw na kitang makita!
Tinuro ko ang gate palabas para alam niya kung saan siya papatungo. Parang maiiyak na ako sa nararamdaman ko. Nakakalito. Hindi ko alam. Magulo. Naghahalo-halo ang mga nararamdaman ko.
YOU ARE READING
The One Who Fell Ahead
RomanceEvery mistake in a story is a plot twist that is only waiting to be discovered. But otherwise, does this story do the same?