Chapter 15

510 14 0
                                    

After hours of sleep, which I really need dahil sa bigat at pagod kong katawan. Bigla nalang akong nagising dahil sa malakas na katok sa kwarto ko.

Boses ni Mama ang naririnig ko. "Rehl?" Katok niya pa.

Unti-unti akong bumangon sa kama at pinuntahan siya sa pinto para makapasok. 

"Ma?" Kinusot ko ang mata ko. "Bakit po?"

Binuksan niya agad ang pinto matapos kong i-unlock yon at agarang humarap sakin. Nakalagay ang mga kamay niya sa bewang niya at seryosong tumitingin sakin. "Pack your things,"

Nalilito akong tumingin sakanya. "Bakit?"

Bagong gising pa lang ako. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari ngayon. Nakita kong lumunok siya at tinalikoran ako para pumunta sa closet ko. Tinignan niya ang mga damit isa-isa at nagsimulang kunin ang mga jacket at iniwan lang niya ay ang mga dresses.

Mula sa pinto ay nilakad ko kung masaan siya para agawin ang mga jacket na kinuha niya. Matapos kong kunin ang mga yun, agad naman niya akong tinalikuran at pumunta sa table malapit sa bintana ko para kunin ang maleta kong color black.

"San ba tayo pupunta?"

"Somewhere. Mag-impake ka na. Dalian mo!" Sagot niya at nilapag ang maleta ko sa kama saka binuksan. Tinuro niya ang maleta at tumingin sakin. "Bilisan mong mag-impake at kukunin na tayo ng tito mo maya-maya para ihatid tayo sa airport." Pagkatapos non ay lumabas na siya sa kwarto at sinara ang pinto.

Airport?! Saang lupalop ng Pinas na naman kami pupunta?!

Agad akong sumunod sa kanta para tigilan siya. "Bakit, san tayo pupunta? Bakit tayo aalis? Ano bang meron?!" Naguguluhan ko paring tanong.

"Mamaya na yang mga tanong mo Alexandra," Agad niyang inalis ang nakahawak kong kamay sa siko niya. "Sasagutin ko rin yan, Mag-impake ka na don!" Lumayo siya sakin at dumiritso sa kwarto niya.

Bumalik ako sa kwarto at nakatingala lang sa maletang nakabukas sa kama. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula kaya pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at mataohan ng konti.

Matapos kong maghilamos ay tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Hinawakan ko ang kanang pisngi ko at bahagyang lumingon sa kaliwa. Nakita kong nawawala na yung pagkadepina ng cheekbones ko at lumalaki rin ng konti ang aking pisngi. Ilang minuto ko ring sinusuri ang mga posebling pagbabago ng mukha ko pero wala naman akong napapansin maliban sa pisngi.

I stopped myself from overthinking. This is just some normal pregnancy hormones, okay? 

It's not the time to be insecure. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla-bigla nalang itong si Mama.

Lumabas na ako ng banyo at nagsimula nang mag-impake ng mga damit. Inuna ko ang mga damit na alam kong masusuot ko kung lumaki man ang tiyan ko. Sinunod ko narin ang ibang mga damit hanggang napuno ko na ang maleta kaya napagpasyahan kong magdala ng malaking bag para sa mga gamit katulad ng mga essentials na hindi na kakasya sa maleta.

Nang masirado ko na ang bag ay narinig kong kumatok si mama at binuksan ang pinto. "Tapos ka na?" Tanong niya. Tumango ako at tinulungan niya akong ibaba ang mga gamit sa sala. "Wala pa ang tito mo kaya kung may gusto ka pang gawin, gawin mo na." 

"San tayo pupunta?" Direktang tanong ko. "Kailan tayo babalik?"

"Hindi na tayo babalik, Rehl." Matigas niyang sagot.

Gulat akong tumingin sakanya at humahanap ng mga sagot sa mata. Hindi niya ako tinignan at pinagtutuunan ng pansin ang mga gamit niyang hindi pa naayos sa maleta.

"Huh? Bakit?! Anong nangyayari, Ma?" Tumaas ang boses ko hinawakan ang siko niya para makuha ang atensyon.

"Aalis na tayo dito Rehl! Isipin mo nalang na ginawan kita ng pabor!"

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now