Chapter 16

508 15 0
                                    

Its been hours since nakatunganga ako sa kulay wooden brown na kisame. I was overthinking things again! 

Kanina pa ako gising at inabot ako ng ilang minuto bago mag sink in sa utak ko na wala na pala ako sa sarili kong kwarto. Hindi parin kapani-paniwala na nandito na kami sa Singapore.

Embes na bumangon ako para pumunta sa baba at hanapin si mama, iniisip ko muna ang mga desisyon ko sa buhay. Iniisip ko kong tama ba na sumama ako dito at dito na maninirahan... 

Hindi naman sigurong mahirap dito sa Singapore. It's not that hard to adjust actually. Dahil pagdating palang namin sa airport ay hindi naman malamig at hindi rin masyadong mainit kaya alam ko ng nasa dry season ang bansa ngayon. Other than that... Wala naman akong iniwan other than my friends para magluksa at magpakalungkot dito. 

Bumaba ako sa kama at ginala ang mga mata kahit saan. Halos lahat ng gamit dito ay kulay brown, pati rin ang bedside table na gawa sa kahoy at may nakalagay na maliit na lamp.

Nakita kong nakalagay ang maleta ko malapit sa closet at hindi pa ito nabubuksan. Nasa kanang bahagi ang banyo at malapit dito ang malaking salamin, may maliit din na lamesa sa tabi nito na may mamahaling vase sa ibabaw

Lumapit ako dito at inayusan ang sarili bago bumaba

Paglabas ko sa kwarto at dumiritso ako pababa sa engrandeng hagdanan. Kalagitnaan sa pagbaba ko sa hagdanan ay narinig kong nagtawanan si mama at ang kaibigan niyang may-ari nitong bahay

Pumunta ako sa kinaroroan nila at peke akong umubo. Tumingin si mama sa deriksyon ko at ngumiti. Tumayo siya para pumunta sakin. Lumapit rin yung kaibigan niya sa tabi niya at nakita ko kung paano kumapit si mama sa kamay nito. Nanatili ang mata ko don hanggang sa nagsalita siya at pinaakilala sakin ang lalaki.

"Rehl, gising ka na pala," Tumingin siya sa tabi niya at humakbang ng isang beses. "This is Hendrix," Hinawakan ni mama ang balikat niya. "Hendrix, this is my daughter,  Alexandra Rehl. Call her Rehl nalang, that's how everyone call her." Tumawa si mama at ngumiti naman yung Hendrix.

Ngumiti ako pabalik sakanya at nagbow ng konti para magpakita ng respeto. "Rehl po,"

"Call me tito hendrix," Masayang ngumiti si hendrix at tumingin kay mama. "Alam mo bang high school palang kaming magkaibigan nitong mama mo?" Nagtawanan silang dalawa at hindi ko man lang magawang ngumiti dahil parang na-out of place ako

Nang makita ni mama na naka focus ako sa kamay niyang nakalagay sa balikat ni tito hendrix ay agad niya naman itong tinanggal at tinago sa likod niya.

"Kumain muna tayo, Rehl! Naku kanina pa kami nagtatawanan ng mama mo dito at parang mauubos na niya lahat ng ulam!" Tumawa siya ulit pero wala sakanya ang atensyon ko kundi sa paghawak ni mama sakanya kanina lang.

Hindi ko pa nakikitang ganon kalapit si mama sa sinomang lalaki kaya nakakapanibago. Nagdadalawang isip ako kung kaibigan ba talaga ang dalawa o may namamagitan na...

May nilagay na bagong luto si tito hendrix na mac and cheese kaya dahan dahan akong umupo sa harap ni mama at tinigil ang mariing paninitig sakanya. 

Inabala ko ang sarili ko sa pagkuha ng pagkain at titikman ko na sana nang sinipa ako ni mama sa baba at nilakihan niya ako ng mata. 

Napansin kong nag sign of the cross si tito hendrix at mahinang nagdasal kaya marahas kong binitawan ang kutsara at napatingin sa baba. Napapikit ako sa hiya at hindi na kumibo.

Nang matapos ang dasal ni tito hendrix ay hindi na ako makakatingin sinoman sa dalawa kaya nakikinig nalang ako sa usapan at mga tawanan nila tungkol sa high school at college kaya bigla akong nagulat ng biglaang nagtanong sakin si tito hendrix.

The One Who Fell AheadWhere stories live. Discover now