Nakaka-frustrate naman makipag-usap sa mga 'to... Wala sa plano ko ang magka-anak. Kung meron man edi hindi sa ganitong oras.
''Rehl.'' Matigas na ulit ni Jam.
Ano sa inyo kung magpapalaglag ako? Kayo ba yung nasa kalagayan ko? E kung kayo nalang siguro ang nabuntis? Namumuo na yung pawis sa noo ko kakaexplain sa kanina sa sitwasyon ko. Gaano ba kahirap intindihin 'yun?!
''Ano?! Susuportahan niyo ba ako o hindi?'' Halos mang-iiyak-iyak kong sabi.
''Kumalma ka. Syempre susuportahan ka namin... Pero ang magpapa-abort?! Rehl, anak mo yang dinadala mo!'' Naiiritang sabi ni Angel.
"'Wag tayong magsigawan guys, please..."
''Edi sana ikaw nalang yung buntis dito! Desisyon ka e!'' Walang pigil na sabi ko.
''Rehl''
''Ano bang meron sa magpalaglag?'' Tanong ko. ''Maliban sa magpalaglag, meron pa ba akong pagpilian?''
'''You have the choice to keep the child.'' Kalmadong sabi ni Jam. '' Syempre anak mo yan e, hindi mo yan matitiis -''
The child over my future?!
''NO! matitiis ko, Jam." Sinamaan ko silang lahat ng tingin. "E-Edi sana kayo nalang yung nasa kalagayan ko!'' Nagsisimulang mamuo yung luha sa mata ko kaya hirap ko sila tignan isa-isa.
''Rehl, magsisisi ka buong buhay mo pag ipalaglag mo yang bata.'' Saad ni Uzel.
''Wow nagsalita!"
"Guys tama na! Pinagtitinginan na tayo dito..."
"Rehl, kalma lang. Madali ka talagang madadala sa emotions mo pagbuntis -"
Gulat na nakatingin si Uzel sakin. I think I was too much. Wala akong karapatan para pagsabihan sila ng mga brusko na salita.
I was about to say sorry nang may biglang tumawag. Cellphone yun ni Uzel kaya may dahilan siya para mag walk out.
Grabe, kanina sobrang chill lang namin tapos ngayon ang kalat na.
Naging tahimik kaming lahat. Wala akong nasabi at hindi ko alam kung anong sasabihin. I just burst out my emotions sa mga kaibign ko...
Fuck..
Hindi ako ganito at kahit kailan hindi ako nagkaganito. Nadadala ako sa galit ko. Kaya pala ganito din si Mama noong nag-away kami.
Hindi ko napansing grabe na yung tulo ng luha ko.
''Rehl, pagod ka lang, kumalma ka muna'' Sambit ni Kelah at sinubukang pakalmahin ako.
''Alam niyo naman palang pagod ako.'' Umiiyak kong sabi.
Tahimik kaming lahat. Walang gustong magsalita. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana pinakalma ko ang sarili ko kanina palang.
Ayan! Hanggang langit na yung guilt at regret ko!
Limang minuto na kaming tahimik at wala paring nagsalita. Hindi ko alam kung anong ini-isip nila pero I was thinking kung anong irarason ko tungkol sa nagawa ko kanina.
''S-Sinong tumawag, Uzel?'' Unang bungad ko nang bumalik si Uzel sa table namin.
Pagod na tumingin si Uzel sakin at bumuntong hininga. ''Tumawag si Tita. Nanay mo." Walang emosyon niyang sinabi. ''Nagtanong siya kung kasama ba daw kita at sabi ko naman na 'Oo', wag ka daw painomin at pauwiing late dahil baka ano pang mangyari sayo.''
''Siguro umuwi ka muna at magpahinga, kailangan mo ng tulog at kunting hangin. It's bad for the baby kung magpapakastress ka.'' Pahayag ni Jam.
"Tama... Rest ka muna, Girl."
''Hindi ako uuwi kung hindi ako makakapagsorry sa inyo.'' Saad ko. Tinignan nila akong lahat... ''Jam, sorry, I should've listened to your warnings, nadadala lang talaga ako sa galit ko.'' Tumingin ako kay Jam at nakita ko naman na naghihintay lang siya sakin.
Ngumita siya. ''Alam ko at wag kanang ma guilty. You're not to blame kung gusto mo lang naman pag-usapan ang gusto mong mangyari. Alam ko namang mangyayari pa yun kaya sana sa susunod may control ka na sa galit mo.'' Pagkatapos niyang sabihin non ay tumingin siya kay Angel at Kelah.
''Angel, Kelah,'' Tumingin din ako sa kanila. ''I'm sorry for being sarcastic and for shouting.''
Ngumiti si kelah at hinawakan ang kamay ko. ''Naiintindihan ko naman kung bakit ka nagkakaganyan, Buntis! Basta next time may mas control pa tayo sa nararamdaman natin ha? Hindi pwedeng pa sigaw-sigaw lang tayo dito. Aba nakakahiya sa ibang customers.'' Natataw niyang sabi.
Ni Angel naman ako tumingin ngayon. ''Sana hindi mo masyadong damdamin 'tong away na 'to. Nakakasama yan kay ano... " Tinuro niya yung tiyan ko. She gave me a reassuring smile saka hinawakan niya yung kamay ko. Tinuro niya naman ang gawi ni Uzel...
Lumunok ako at tiningnan siya, nahuli ko siyang nakatingin sakin pero umiwas agad. ''Uzel'' Tinawag ko siya para tumingin sakin.
Hindi siya tumingin pabalik kaya sinabi ko nalang ang sasabihin ko.
''Sorry na uy," Kinalabit ko yung balikat niya. "Syempre... pwede ka namang magsalita... sino ba naman ako para pigilan ka? Wala naman akong magagawa sa kadal-dalan mo. huy... '' Tumingin na siya sakin. ''I swear, hindi na yon mauulit pa! Hindi ako papayag na uulit pa yun!'' pangako ko.
''Malamang, hindi na yun uulit pa!'' Sarkastiko niyang sabi.
''Uzel'' Pakiusap ko pa. "Napaka hard to get talaga nito! Wag na nga!"
''Oo na! Okay na!'' Niyakap niya ako. ''Sa oras na mauulit yun Alexandra! Mag handa ka na!'' Babala niya.
Tumawa sina Jam sa sinabi ni Uzel habang ako naman ay mas lalong umiyak sa bisig niya. Noong napansin nila na umiiyak na namn ako, Si Uzel ang sinisi nila.
''Pinaiyak mo, Uzel! Bawal yan sa buntis!'' Paratang ni Angel.
''Bakla ka! Alam mo bang nakakasama yan sa dinadala niya!'' Paninisi ni Kelah.
''Ang OA mo! Joke nga lang yun!'' Sinubukang tingnan ni Uzel ang mukha ko. ''Ang dugyot mo pa naman umiyak teh.'' Biro niya para pagaanin ang atmosphere namin.
Ano ba yan! Sobrang pula na ng ilong ko!
We talked for hours. Marami kaming pinag-usapan, espicially sa pagbubuntis ko. Ilang oras din nila akong kinumbinsi na wag na ngang magpalaglag. Wala namang problema financially... I think. Ayoko lang talaga. Pinag-usapan lang din namin yung med school journey ni Jam at love life ni Uzel.
Hanggang sa gumabi na. Napagdesisyonan naming umuwi na dahil may iba pa silang gagawin at baka ako pa ang dahilan kung bakit hindi nila nagawa ang mga dapat nilang gawin.
Sabay kaming pumunta sa parking at hinintay muna nila ako makasakay bago sila. Mga OA talaga!
"Shit"
"Oh? Anong nangyari?"
Napapikit ako sa nakita. "Na flat yung gulong ko!"
Wala ring may alam samin kung paano mag change ng gulong, saka wala rin naman akong extra...
"Ilang oras pa mula dito bago makarating sa pianakamalapit na shop, kaya pa ba yan?" Jam.
"Parang hindi na..."
''Hala, sinong maghahatid kay Rehl?" Anunsyo ni Angel. Hindi na kasi kami kasya dahil yung maliit na sasakyan nila Jam lang yung dinala niya.
''Kaya ko pang magcommute, guys! Please wag kayong OA!'' Panatag ko.
''Tarantado ka talaga. Gusto mo bang mapatay kami ni tita? Mas okay sana kung ikaw nalang mapatay ni tita kesa madamay pa kami e.'' Walang hiyang biro ni Uzel.
''Gusto mong-''
Hi! Please don't forget to vote po! Thank you!:)
YOU ARE READING
The One Who Fell Ahead
RomanceEvery mistake in a story is a plot twist that is only waiting to be discovered. But otherwise, does this story do the same?